Americano

98 1 0
                                    


[Phone rings]

"Uno." Bigkas ko pakasagot ng tawag.

"I already send it in your e-mail." May otoridad na sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Later." Sagot ko sakaya. Mababagot lang ako nito. Sinabihan ko na kasi siya na wag sa oras ng trabaho. Masyado tuloy akong matatagalan sa paghihintay ng oras nang uwian.

"It's urgent." Binigyan niya pang diin ang huling salita.

"Tss. The key and my things. Details after work." [ end call ] Medyo naiinis ako. Kilala naman niya kung sinong kausap niya. Buti sana kung may pansarili akong mapapala sa binanggit niya kaso wala. Sana lang mabilis tumakbo ang oras.

Kakatapos ko pa lamang kumain ng hipon. Breaktime ko kasi ngayon kaya ine-enjoy ko ang pabaon sakin ni mommy na ulam. Narito ako sa employee's cafeteria kung saan wala namang nabibilhang pagkain. Ewan ko ba kung bakit cafeteria ang tawag dito samantalang lugar lamang ito na kainan ng mga empleyadong nagbabaon ng pagkain or yung mga ayaw mag dine out. Diba dapat pantry to ang tawag dito? Anyway, mabuti na lang at pinabaunan ako ng aking ina, kung hindi kakalanganin ko pang lumabas kahit umuulan makabili lang ng food.

I'm Issei. Ayoko ng ibigay ang surname ko. Kinuwentuhan ko na nga kayo tapos pati apilido ko gusto niyo pa rin makuha. Wag ganun. Haha. Akin ang istoryang ito kaya kung tatanungin niyo ko kung bakit ganyan ang title ay masasagot ko kayo. Well, isa akong barista. You read it right. I am a barista and I am proud of it. Yung karugtong ng title? Naku, wag niyo pansinin yan. Joke lang yan. Mabait kaya ako. Wag niyong intindihin yan promise design lang yan. About my physical appearance, sige idedescribe ko na ang aking sarili. But before anything else sinasabi ko na sa inyo, wag mo akong huhusgahan at lalaitin. Masama yun at sasamain kayo sakin *smirk* . I am FAT. Yes, oo, tama. Mataba po ako. And so? Maganda naman at may love life pa. Bakit kapag bida kelangan lagi perfect? Tsk. Yan na lang saka na yung iba. Baka kasi dyosa ang trip niyo para sa role ng buhay ko, madidismaya lang kayo.

Isang minuto nalang at mag i-in na ko kaya mamaya na ulit ako makikipagdaldalan sa inyo. Ayoko kasi malate.

[Tunog ng timer]

"Hi good evening." Sabay sabay na pagbati namin sa grupo ng mga guest na pumasok sa store namin.

"Bakit ang baho dito sa store niyo?" Bungad nung lalaking nakaitim matapos naming bumati.

Aba antipatiko to ha. Wala man lang konsiderasyon.

"Sir, amoy po kasi ng wood yun." Sagot ng kapwa ko barista na si Emon. Paano ba naman kasi puro wood itong interior design ng store. Wood na nga yung ding-ding, pati tables and chairs ay mga wood pa rin. Buti na nga lang yung flooring ay mga tiles na. Pero infairness, maganda naman kasi talaga yung store. Karamihan sa mga guest ay nababanggit na para raw silang nasa ibang bansa dahil sa interior designs namin. Ang cozy kasi at ang ganda talaga. Idagdag mo pa yung leveling ng lights na nagsisilbing parang mga fireflies.

"Ah ganun? Bakit bago ba 'to? Sige paayos na lang nitong mga lamesa." Sabi nung lalaking nakaitim.

Habang inaayos ni Emon yung tables and chairs nung mga guests, umorder na yung lalaking nakaitim. Si sir Manolo yung nag ta-take ng order. Supervisor ko siya, siya rin yung assign sa pagka-cashier today.

"One regular americano sa mug mo na ilagay." Rinig kong sabi nung nakaitim na lalaki.

"Anything else, sir?" Tanong nung supervisor ko.

"Wala na yun lang." Sabi nung lalaki.

Napataas ako ng kilay sa narinig ko. Gusto kong magmura pero wag na lang. Nakakabanas kasi pito silang pumasok tapos isang americano lang yung order. Nilait na nga yung store, nag paayos pa ng lamesa tapos tatambay lang pala sila dito. Akala mo kung sinong mga mayayamang umasta kanina. Psh.

"Samahan mo na rin ng another cup with hot water". Pahabol pa nung lalaking nakaitim sa supervisor ko pagkatapos makuha yung sukli niya.

May balak pang hatiin yung order niya. Whatdapakz. Malakas talaga yung feeling ko na matagal tatambay tong mga matatandang to.

Lumapit ako sa supervisor ko. "Seriously sir Manolo?" Mahinang tanong ko sakanya. Medyo sarcastic na nga ee. Alam naman niya kung anong ibig kong ipahiwatig.

"Hayaan mo na. Wala yatang pera yang mga yan." Pabirong sabi ng supervisor ko. Wag na kayong magtaka maloko rin kasi yan. Badtrip yan sa mga ganyang klase ng guest.

Matapos kong i call out yng order ay ginawa ko na yung americano according to our store's standard operating procedures.
Itinapon ko yun mga tubig na nakalagay sa dalawang shot glass. Kinuha ko yung portafilter na may double spout para makagawa ng double shot nang espresso. Nag-grind ako ng coffee gamit ang aming fully automatic Dalla Corte coffee grinder. Pinatag ko muna sa portafilter basket yung coffee grounds bago ko binigyan ng medium tamp saka iniligay sa brewhead ng aming semi-automatic Dalla Corte espresso machine para makapag extract na ng double shot espresso.
Habang nag extract ay nilalagyan ko na ng hot water yung dalawang mug. Mas appropriate ilagay ang espresso matapos ng hot water para kitang-kita ang creama ng kape sa ibabaw at maamoy ang mabangong aroma nito. Besides yun rin naman talaga ang S.O.P. namin kaya pagkatapos ma-extract nung espresso ay sabay kong isinalin ang mga ito sa isang mug na naglalaman ng hot water. Inilagay ko na sa dispatch area an order matapos ko itong gawin nang sa ganun ay ma-pick up na ito ng customer.
Grabe ang bango talaga ng kape namin. Mas mainam pa nga ang lasa ng aming kape kumpara sa leading coffee shop dito sa Pilipinas. Yun nga lang karamihan kasi sa mga tao ay brand ang pinagbabasehan. Pero promise kapag natikman mo yung kape namin dito ay maaadik ka. Kung ikaw ay isang tunay na coffee lover, maappreciate mo ng sobra yung tasting notes ng aming coffee.

The Barista AssasinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon