CHAPTER 4 LPD

1K 22 3
                                    

*Xander's POV*

I stared into her eyes. Napatitig lang ako sa mga matang gusto kong tignan, sa mga kamay na habangbuhay kong hahawakan.

She was smiling into the kiss, giggling even.

Huminga ako ng malalim.  "I love you. Remember that."

She smiled.  "I love you too, Remember that."

Biglang nag-iba ang mga pangyayari. Wala na kami ni Joey sa cottage ko, parang umikot ang buong mundo ko. Nag-iba ang mga pangyayari.

Nandito na ko ngayon nakatayo sa araw na pinakapinagsisisihan ko.

Ang araw na hiniling kong sana namatay na lang ako.

Tinignan niya ko with tears in her eyes. Her lips trembling with so much sobbing.

She stood in front of me. Panting.

"Nakakadiri ka. Nakakasuka."  sabi niya.

Hindi ako makahinga sa mga sinasabi niya. Parang sana sinapak niya na lang ako.

"I hope you're happy, Xander. You played your little game." she piped, her voice shaking and hands trembling. Pinipigil ko ang sarili kong umiyak. Hindi ko kaya.

"I hate you, Alexander Richmond Montenegro. I will hate you forever."

Nung binitawan niya ang mga salitang yun, hindi na kinaya ng puso ko. Pakiramdam ko gumuguho na yung mundo ko. Ang sakit, sobrang sakit.

*beep*  *beep*

I winced slightly. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

 "Xander, gising ka na? Babe?"  a voice asked.

"Joey?"  I asked. Pagdilat ko, agad-agad nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.

Si Bonnie, her head was near my legs at yung kamay niya nakahawak sa kama ko. She was sitting right beside me.

I cleared my throat. Para kasing nag-iba yung timpla niya nang marinig niya yun.  "Bonnie, babe I'm so sorry. I-i just-"

"Xander, it's okay."  she weakly smiled at me. Alam ko naiintindihan niya.

I was about to speak again nang magsalita siya.  "So, how are you feeling? Paano nangyari to?"  she asked me.

I sat up slightly.  "Wala na kong masyadong maalala sa mga nangyari. Ang naaalala ko lang ay yung mga lalaking bumugbog sakin at yung.."

I cut myself off. Hindi pwedeng malaman ni Bonnie na 'nakita' ko si Joey. Kung si Joey nga yun, pero imposible. Wala na siya, matagal n-

"Yung ano, Xander?"  she asked me. I only shook my head.

"W-wala."  sabi ko naman. Hinawakan niya ang kamay ko after that.

"Anong nangyari sakin?"  I asked her. Her eyes softened again.

"May mga lalaking bumugbog sayo sa labas ng club. Mga lasing daw, akala iniinsulto mo sila nung nagtagalog ka. Pero don't worry nahuli na sila."

I nodded.  "Pero paano mo ko nahanap?"

"Nasa bulsa mo yung phone mo, luckily nakita ka ng isang model sa labas, duguan. Kinuha niya agad ang phone mo at tumawag sakin and sa ambulance. It's a good thing okay ka na. Tapos na yun."  she said, smiling.

I smiled back.  Kahit kailan talaga nandyan palagi para sakin si Bonnie.

"Pero, paano yung mga relatives mo?"

Let's Play Defense. (Sequel to LPP KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon