"1st of all hindi ko kailangan ng opinyon mo sa mga bagay bagay.
2nd: lahat ng iuutos ko sa'yo gagawin mo kahit anong mangyari
3rd: do not EVER ask personal questions.
4th: kausapin mo lang ako kung kailangan at kung importante; pero kung nonsense lang naman ang ikukwento mo, don't bother.
And lastly,
Do not fall in love.
Hindi ko maassure na maiinlove din ako sa gaya mo kaya wag mo nang subukan at pigilan mo yang feels mo." he muttered then he sipped the coffee I made.
For real, hindi ko alam kung pano ba ako napunta dito. Parang pinagsisisihan ko na ang pagbalik ko sa Korea dahil sa lalaking gwapong gwapo sa sarili (kahit na masasabi kong, .... gwapo naman). PERO STILL, isa paring panloloko ang ginawa niya sakin.
Sinabi ko sa sarili ko na kahit may mapala akong maliit na bagay dito sa Korea ay okay lang. Pero ngayong nagiinarte ako ay dahil 'to sa tatlong bagay.
Una: pineke niya ang hiring na nakalagay sa email ko
"GOT & co. is Hiring for a female baker and barista."
Edi ako tuwang tuwa kasi same lang na company ang papasukan ko kaparehas ng pinasukan ko sa Ontario. Tapos ngayon, iba ang gagawin ko?
Pangalawa: Bibigyan niya ko ng rule rule rule na 'to na hindi related sa pagbebenta ng tinapay at paggawa ng kape?
Pangatlo: Aasahan niya kong pumirma sa kontratang 'to? Ano ako? BOBO?
Ako si Wendy Son, Son Seungwan sa Korea. Nanawa sa Canada, at lumipat ng Korea para sa panibagong buhay. Gusto kong magbaka-sakali ulit dito at magsimula ulit ng fresh at walang iniisip. Pero ngayong nandito na ko, hindi ko alam na dadatnan ko palang trabaho dito ay mampokpok ng lalaking hindi ko naman kilala.
Ang baker at barista na dapat magiging ako sa Korea,
Magiging Personal Assistant, Secretary, at Actress.
Oo actress, Dahil aarte ako bilang girlfriend niya.
Minatahan niya ako, sabay ngiti na para bang "proud" siya sa ginawa niya at pinagmamayabang niya yung rule.
"Sir kailangan niyo po ata ng Guidance sa buhay. Nahihibang ho ata kayo."
"No I'm not. Madami nang nagreject ng offer ko kaya--"
"See? Sino ba namang magaaccept nito? Gago ka ba?"
"250,000 Dollars every month? Deal?"
"No, Dignidad ko ang nakasalalay dito. Ayoko."
"Your parents have signed the contract already. Ikaw na lang ang pipirma."
"F-For real?" Teka, anong plinaplano ng nanay ko.
"Papasok ka lang naman sa lugar na sasahod ka, kahit wala kang ginagawa. It's just that simple. Follow the 5 basic rules will be enough. Nasahod ka na. It's now or never,
Aatras ka pa ba?"
BINABASA MO ANG
69 Shades of Mark [GOT7 Fanfic] (COMPLETED)
FanfictionAng mga tao, merong iba't ibang ugali. Pero paano kaya kung lahat ng nakakainis na ugali ipagsama-sama sa iisang tao? Masikmuraan ko kaya? Ako si Wendy Son. Nagtatrabaho sa lalaking anak ata ng isda sa sobrang langsa ng ugali. Tuklasan kung pano ko...