Yung tipong ayaw mong matuloy ang gala or what kaya hinihiling mo na sana umulan ng malakas.
Mark: You're going to come?
Me: Ang ginaw eh.
Mark: come on. The weather is nice. Alam kong ayaw mo kasi nahihiya ka.
Sa party kasi ng mga mayayaman, kapag sinabi ng nagiimbita na kami kami lang, madami pa din pupunta. Pag dating kasi saming mahirap lang, pag sinabing kami kami lang, literal na kung sino lang sa bahay, yun lang.
Oo mahiyain akong tao. Pero hindi lang naman hiya ang dahilan kung bakit ayokong pumunta.
Takot po.
T A K O T.
Yung tawa palang ng nanay niya, kagimbal gimbal na sa parte ko. Kulang na lang maglagay kayo ng thunderstorm Special Effects sa gilid habang natawa ang mommy niya.
Me: Mark. Fine. Okay. Pero sasaglit lang ako.
Mark: SURE. HAHAHAHA soot mo na ah?
Me: ang?
Mark: yung pinadala ko sa'yong damit.
Me: saan?
Mark: sa may front desk ng apartment mo.
Me: Mark, wala kaming front desk. Baka si ate yun. Yung landlady. Mark iba ang front desk sa landlady.
Mark: oh. O kung sino man siya, dun mo kunin. Hahahahaha see you at 6.6?! Puta ano 'to, prom?! Samin ang handa ng bertdey ay hapon. O kaya tanghale. O minsan paggising. The hell.
Hindi na ko nagreply sa text niya dahil alam kong busy siya. Gayunpaman, nakakaramdam din ako na hindi ako mao-OP doon dahil for sure, andun sina Jaebum at iba pangCEOs. Masaya konti sa part ko kasi kahit papano, makakaleave ako sa boring hour ko sa apartment or dorm na 'to.
Tinext ko si Irene-eonni na PASS muna ako sa gala nilang dalawa ni Joy.
-Groupchat-
Wendyhehe: GUYS HINDI AKO MAKAKAPUNTA. MAY PARTY YUNG KUMPANYA.
Irene_ganda: eh. Kami naman ay reunion. Grabe, busyng busy na tayo. Di na tayo makapaggala. Next time na lang Joy.
Joy_masmagandapasananaymo: Okay langs. May date din kami e.
Sige, susulitin ko na ang gabing 'to dahil may mga ginagawa din ang mga kaibigan ko.
Magaalas-singko na ng tinext ko si Seulgi para tanungin kung naghahanda na ba siya para sa party. Mga ilang segundo lang ay nagreply na siya na 'oo' at napagdesisyunan kong kuhanin na ang damit kay ajumma at magpalit na. Chineck ko ang loob nung isang paper bag at isang magandang navy blue dress ang bumungad sakin. Simple lang iyon pero mukhang sobraaaannnngg mahal 'to. Sinunod ko ang sapatos. Terno ito pero as usual, doll shoes. Eh? Hindi mo ko mapapagsoot ng heels. Buti naman alam niya din ang hilig ko.
Pahubad na ko ng damit ng biglang pumasok si Mark sa loob ng pintuan at sa gulat ko, napatili na lang ako.
"PUTANGINA.ANO BA PARA KANG HUNYANGO NAMAN DIYAN." Hunyango. Well, chameleon in english.
"Wala naman makikita sa'yo e. Flat."
"Wowwwww!!!" Inirapan ko na lang siya dahil hindi ako yung taong maghahamon na ipakita ang suso dahil sinabihan ng flat. Nagmadali akong pumasok sa C.R para dun magbihis. AGAD AGAD SIYANG NANDITO?! 5pm palang naman. Sabi niya see you at 6. Sobrang early bird lang?!
Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung pano ko haharapin ang lahat ng tao sa bahay ng nanay niya. Nakasoot na siya ng formal suit samantalang ako, hindi pa nakadress. Hingang malalim. Hingang malalim.
Simple etiquette lang na tinuturo sa'yo nung elementary, Wendy.
Sumakay na siya sa isang pang wattpad na kotse na ineexplain na lagi ng mga authors sa wattpad kaya kung daily reader kayo, siguro naman alam niyo na kung anong klase ng kotse ang tinutukoy ko.
Mamahaling kotse na mas mahal pa ata sa buhay ko, kotseng mas makintab pa sa career ko, at ang loob na mas malinis pa sa ugali ko. Wow. Kung icocompare ko 'to sa tao, masasabi kong "GOALS" ang isang 'to.Pumasok ako sa loob. Doon nagpatugtog ang isang classical music. Winter wind ni Chopin. Lalong natetense ang katawan ko dahil sa mga notang tinitira ng kamay ni Chopin. "Hello po ma'am." ay masyadong casual. "Good evening po ma'am" ayun perfect. Teka, 6pm na ba para good evening? Ano bang sasabihin pag may araw pa? Still evening parin diba?
HAYYY UTAK GUMANA KA NAMAN.
Tumigil si Mark sa pagmamaneho sa harap ng isang venue. Hindi ko alam kung resort ito pero sa tingin ko resort nga ito. "Mark Tuan." Pinakita niya ang I.D niya sa may guard sa gilid at tumango na siya.
Nakita ko ang pag ngisi ni Mark sa salamin sa harap. Ito na nga iyon.
Mga ilang minuto ng pasikot sikot sa magandang resort na 'to ay sa wakas at huminto na kami sa mismong venue. Sa pagbukas ng pintuan, sumalubong sakin ang isang red carpet na may mga petals na nakakakalat sa paligid nito. May ikakasal ba? Salo salo lang 'to eh mukha namang PROM. "Seryoso ka ba dito Mark?"
"Why?" Hinawakan niya ang braso ko at ipinilipit sa braso niya. Sa sobrang kintab niya, nagmumukha akong basahan. :---)
Ang nakakapagtaka lang, ang konti ng ilaw. Hindi naman siguro kulto ang pupuntahan ko diba?
"Mom likes night. Sa gabi siya nakakapagfocus." Oh kaya siguro biniyayaan ka ng magandang pangil? So Twilight ang bagsak ko mga ganun?
Sa paglalakad namin, nakita ko na ulit ang mama niya, ineentertain ang mga bisita. Doble ang kintab niya, NAKAKASILAW.
Napagdesisyunan kong lumapit at mauna nang magapproach. Ayokong magmukhang snob since na wala pa naman akong nararating na magandang career. "Good evening po ma'am." Nangangatal kong sagot.
Ngumiti siya sakin in return. Since na hindi ako marunong bumasa ng expression, di tulad ni Mark, hindi ko tuloy alam kung genuine ba ang ngiti niyang iyon o hindi. "Wendy!" Nakipagbeso siya sakin katulad ng mga mayayaman sa party.
Ilang saglit lang ng pagikot ikot ko sa venue ay nakita ko na rin sa wakas ang table nila Seulgi. Doon ako naupo at nakahinga ng maluwag kasama ang mga CEO na nakaformal attire. "Grabe hindi ako nainform na ganto kadami yung 'salo-salo' at 'kami-kami lang'."
"What do you expect from Tuans? Mala wattpad story ang buhay nila. Yung bigla na lang yaman." Singit ni Bambam.
"Well, it's not like na biglaang sulpot ang yaman nila. Si Mrs. Tuan, ibang iba kay Mark." Sabay lagok ni Jackson ng wine. "Napakahumble ni Mrs. Tuan. Which is opposite ng anak niya."
Natatahimik akong nakikinig sa kanila dahil kada kwento na sinasabi nila saming dalawa ni Seulgi, lalo akong nanliliit sa sarili ko. Naiihi na ata ako sa ginaw at kaba.
Nagexcuse muna ako panandalian at pumasok sa C.R na mas malaki pa sa tinitirhan ko. Pumasok ako sa isang cubicle at matapos umihi ay lumabas na din para maghugas. Narealize ko na nagfefade na ang lipstick ko kaya't kinapa ko sa bag iyon.
Teka, nawawala.
"Sht bakit ngayon pa fck."
Isang babae ang pumunta sa gilid ko para maghugas ng kamay. Wala akong paki sa kanya. Basta nawawala ang lipstick ko at siguradong patay ako. AYOKONG MAMUTLA SA HARAP.
"Lipstick?" Ang boses na iyon—
Nagbibiro ba kayo??
Hindi ako lumilingon nang inilagay niya sa tabi ng kamay ko ang isang mamahalin na lipstick.
Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko sa paghahanap at tumingin sa salamin.
Ang babaeng nakangiti habang naghuhugas ng kamay.
"IRENE?!"
"WENDY?!"—
BINABASA MO ANG
69 Shades of Mark [GOT7 Fanfic] (COMPLETED)
أدب الهواةAng mga tao, merong iba't ibang ugali. Pero paano kaya kung lahat ng nakakainis na ugali ipagsama-sama sa iisang tao? Masikmuraan ko kaya? Ako si Wendy Son. Nagtatrabaho sa lalaking anak ata ng isda sa sobrang langsa ng ugali. Tuklasan kung pano ko...