ID

44 0 0
                                    

Baclaran Station

Sa bulusok ng tao ako ay nahilo. Pagod sa maghapong trabaho at mabubulang sabon ng amo.

Marahang tinungo ang bakanteng pwesto sa may sulok ng cabin. Gusto kong maidlip. Sa dulong istasyong naman ako.

Buendia Station

Nagising ako sa aking pagkakaidlip. Biglang uminit. Maraming ng tao. May lumalabas, may pumapasok, may naghihilahan. At may nangungusap na parang alien. Nawala ang antok ko ng may babaeng nagmura matapos matapakan ang kanyang paa. Maraming napapatawa medyo kaboses kasi siya ni Annabelle Rama.

Carriedo Station

Lumabas na ang mga negosyante. Pumasok naman ang mga sexy. Naaliw ako. Nawala lalo ang antok ko. Naenjoy ko magmasid sa mga nasa paligid ko. May estudyante sa tapat ko na nag-aaral pa rin kahit uwian na. Sa gilid ko naman ay ang dalawang magdyowa. Super PDA. hinahalikan sa kamay. sweet! hinalikan sa batok. sweet! hinahalikan ang hair. sweet. Pilit kong sinilip ang mukha ng babae. Hindi ako nabigo. Humarap siya. Horror. Natawa ako. Tumungo na lang ako para hindi mapansin..

D Jose Station

Puno na ang tren. Walang nais lumabas. Pumasok ang mga estudyante. Puro babae ang nasa harap ko. Nanatili akong nakatungo. Patay malisya ako. Ayaw ko tumayo para ioffer ang seat ko.

Blumentritt Station

"Kung nababasa mo ito tinitigan mo ako." wika ng isang estudyante. Pamilyar sa akin ang linyang iyon. Tama. Iyon ang nakatatak sa sout kong T-shirt. Hinanap ko kung saan nagmula ang tinig. Sa estudyanteng nasa harap ko.

"WoW," bulong ko sa sarili ko. Maganda ang chick. Hindi man siya sexy tulad ng gusto ng maraming lalaki pero angkop sa taste ng mga lalaking ang type ay chubby. Napatawa pa siya nung tumingin ako. Mamula-mula ang kanyang pisngi. Nagdasal ako. Sana makilala ko siya. Hiniling ko sa Diyos na bigyan n’ya ako ng sign kung siya na. Kung hindi naman. siya na lang please..!!

R. Papa Station

Naubos ang tao. Parang hinipan lang na alikabok. Naupo ang chick sa tabi ko. Hindi ko alam kung magrereact ako. Kikilos ba ako palayo? Baka mahalata na affected ako nung binasa n’ya ang shirt ko. Dinukot ko ang cellphone ko. Tiningnan ang oras. Tulad ng gawain ng karamihan, ini-on ko ang camera. Buo sa isip ko na kunan siya ng picture. Click!

"Anak ng asul na baka! Baket hindi ko nai-off ang flash?"

Nagulat ang babae pero hindi man lang nagbitiw ng salita o puna sa kalokohan kong ginawa. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagpaapekto. Mamaya ko na lang titingnan ang resulta.

Monumento Station

Last Station na. Sa sobrang hiya ko, naiisipan ko muna na hindi tumayo. Minasdan ko na lang ang bawat hakbang na chicks. Ilang minuto pa, tatayo na sana ako. Napansin ko ang isang ID sa tabi ko. ID ng katabi kong chick. Napaluhod ako sa sahig.

"Lord, is this the sign?" masayang sabi ko. Agad akong tumakbo palabas para habulin ang chick.

"Miss! "Miss! "Miss! "Miss!" sigaw ko. Hindi n’ya ako marinig o ayaw lang talaga n’ya humarap. Sumakay siya ng bus. Sumakay din ako. Nakapwesto agad siya sa unahan. Habang ako naiwang nakatayo sa gitna ng bus.

Hindi ako makagawa ng move. Marami tao. Maraming harang. Ninais ko munang manahimik. Natatawa ako sa itsura ko. Kaharap ko pa kasi ang isang lalaking nangangaral ng mabuting salita.

Tumigil ang bus. Hindi ko inalis ang tingin ko sa chick ramdam kong bababa na siya. Kumilos ako. Sumigaw ng ubod ng lakas.

"Miss! "Miss! "Miss! "Miss!". Hindi ako marinig. Bingi ba siya?

Natawa lang ako. May pangalan nga pala ang ID. Bobo ko naman. Miss Realiza D. Gonzaga!!!! malakas na bigkas ko ng kanyang pangalan. Parang isang sundalo na umikot ng 180 degrees ang babe.

"Kilala ba kita,kuya? Bakit mo ako tinatawag?"

Hindi ako nagsalita. Bagkus ipinakita ko ang ID n’ya.

"Hay, naku kuya salamat nahulog pala ang ginto kong ID. Teka hindi ba ikaw yung katabi ko sa LRT?" habang itinuturo ang tatak sa T-shirt ko.

"Ako nga. Naiwan mo kasi ang ID mo kaya sinundan kita." nakangiting sabi ko.

"So salamat kuya. Una na ako"

"Ah eh, sabay na tayo. same din naman tayo ng way," pakiusap ko sa kanya habang iniaabot ang ID.

"Same ng way? taga North ka?" takang wika n’ya.

"Hindi. Sasabay lang ako papaunta sa inyo. Para alam ko kung san ko ihahatid ang ID mo kapag naiwan mo ulit," pabirong wika ko.

"Ang Chessy mo. Huwag na. Halika. Magkwek kwek muna tayo. Makabawi man lang ako sa sa’yo….

[Repost]: Kwentong LRT (Love and Relation Transit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon