NHOVELLE

33 0 0
                                    

Kasabay ng pagbasak ng mga dahon ay ang paglipas ng panahon pero singkit pa rin ang mata ng mga tao sa Singapore. Sa isang bahay na pag-aari ng kompanya sa Woodlands ako nakatira. Kakikitaan ng karangyaan ang lugar. Hindi yata uso dito ang mahirap. Kahit ang askal yata nila ay sosyal. Ang mga tao naman ay nakakatwang pagmasdan kasi nagagawa nilang magbasa ng dyaryo habang naglalakad. Ayaw nila maaksaya ang oras hindi uso ang salitang tambay. Para silang robot na kumikilos ayon sa trabaho. Halos wala silang sosyal life.

Hindi ko akalain ng dahil sa trabaho ko ay makakarating ako ng ibang lugar at hindi rin akalain ng mga officemate ko na hindi ako marunong magmaneho ng kotse. Hindi ko lang siguro naging interes ang magmaneho dahil wala naman akong auto.

Tanging si tito Rey lang nakakusap kong pinoy dito. Siya ang asawa ni tita Chit. Kaming dalawa lang ang nagyayabangan, nag-iinuman, nag-aasaran at higit sa lahat ang aking mentor kung paano hindi maging malungkot or home sick. Sa kanya rin ako nakakuha ng balita tungkol kay Realiza. Naputol na kasi ang aming communication. Kwento pa ni Tito Rey ay ilang araw umiiyak si Realiza mula noong umalis ako. Umaasang magbabalik agad ako. Kaya noong huli kaming nagkausap sa telepono nagkasundo muna kaming hindi mag-usap para walang masaktan.

Isang sabado ng umaga, minabuti kong sumakay ng MRT papunta sa Jurong. Sa tinitirahan ni Tito Rey. Hahamunin ko ng siya ng inuman. Napapangiti ako sa byahe dahil nagbabalik ang mga araw na magkasama kami ni Realiza sa loob ng tren. Naging sariwa sa aking alaala ang samyo ng kanyang buhok, ang matatamis niyang ngiti, ang malakas niyang yabag at ang nakakairitang niyang boses. Malaki talaga ang epekto sa pagkatao kapag may bagay na magpaalaala ng isang tao lalo na kung madalas itong nakikita.

"Maaga pa naman para mag-inuman," bulong ko sa sarili. Nilibot ko muna ang Jurong. Hindi naman ako mahilig mamasyal sa mga parke pero nakita ko na lang matipuno kong pangagatawan sa Jurong BirdPark. Siyempre ibon ang laman ng park wala nga lang uwak at tagak. Sabi ni Tito Rey marami daw pinoy dito pero wala pa akong napapansin. Inilipat na siguro sila ng kulungan.

Tumunganga na lang ako sa harap ng talented na parrot. Hindi ko man naiiintindihan ang kanyang sinasabi alam kong kinakausap niya ako. Habang abala ako sa pakikipagharutan sa ibon isang babae ang lumapit sa aking pwesto. Naagaw niya ang aking atensiyon hindi dahil sa mukha siyang parrot sa kanyang suot kundi alam kong pinay siya. Una, hindi siya chinita, pangalawa ang kutis niya ay katulad ng sa mga pinay at pangatlo malaki ang tiwala ko sa instinct ko.

Likas akong mahiyaan kaya hindi ko maitanong kung pinay nga siya. Wala rin akong naiisip na paraan para kausapin niya ako.

"Natatandaan mo pa ba, Nang tayong dalwa’y ang unang nagkita ,Panahon ng kamusmusan" Bakit pa ako magtatanong kung pwede siya ang magtanong sa akin. Naiisip ko kung kakanta ako ng tagalog malalaman niyang pinoy ako kung hindi siya magreact mali ang hinuha ko. "Sa piling ng mga bulaklak at halaman."

"Excuse me! Pinoy ka pala." Putol niya sa kagila-gilalas kong performance.

"Ah. Na-obvious pala. Tinuturuan ko kasing kumanta ang ibon."

"Hindi ka niyang maiintindihan intsik yan. So, anong ginagawa mo dito?" usisa niya.

"Watching the birds. I think?" sabay ngiti para mapansin niya ang pamatay kong ngiti ay ang ipinagmamalaki kong dimples.

"Funny. Ibig kong sabihin anong ginawa mo dito sa Singapore. Tourist ka ba?"

"May project kasi ang company namin dito, ako ang ipinadalang representative." Humarap muli ako sa parrot ng magpakita siya ng stunt. "Anong name mo?"

"Nhovelle," wika niya.

" Nhovelle. Napakagandang pangalan ng parrot di ba?"

"Hoy lalaki! Ako si Nhovelle hindi ang parrot!" maktol niya.

[Repost]: Kwentong LRT (Love and Relation Transit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon