2-diary

72 6 0
                                    

Maine's POV

Mukha akong ewan ngayon na nakasalampak sa kama dahil sa hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa akin na kahihiyan.

Bubuksan ko sana tv namin pero hindi ko mahanap tsinelas ko.
Tinignan ko sa kabinet, wala.
Tinignan ko sa ilalim ng kama, wala.
Tinignan ko sa cr, wala.
Tinignan ko sa sulok ng kwarto, wala.
Tinignan ko sa may pinto, wala.

Tapos ngayon ko lang narealize, naglalakad na nga ako ng walang tsinelas eh pero hinahanap ko pa? Tsk.
Kukuha na nga lang ako ng bagong tsinelas sa kabinet.

Nang nabuksan ko na ito, hinahanap ko yung tsinelas na bigay sa akin ni lola.
Hindi ko ito madalas ginagamit dahil bigay nga sa akin ni lola iyon.
Aksidente kong nahigit ang aking damit at may nahulog na diary sa sahig.

Diary?
Sa pagkakaalam ko, wala akong diary na nilagay sa kabinet ko ah?

Binuksan ko ang unang pahina at nagsimulang basahin ito.

Dear Diary,
Alam mo ba, sabi nila may aampon daw sa akin. Natatakot nga ako eh kasi ito ang first time kong maampon. Halos hindi nga ako nakatulog kagabi sa sobrang takot eh. Malay mo, masama pala yung aampon sa akin. Tsaka napalapit na rin kasi sa akin ang mga tao dito sa bahay ampunan. Alam mo diary, sabi ni Manang Lora na isang matanda raw ang aampon sa akin. Mabait naman daw ito sabi ni Manang. Kalahati rin naman akong masaya kasi may aampon na sa akin sa wakas pero, mamimiss ko kasi mga naging kaibigan ko rito eh. Sige, aalis na ako diary ha. Tinatawag na ako ni Manang Lora eh, siguro andyan na yung mga mag-aampon sa akin. Bye, Diary. Hayaan mo, susulatan pa rin kita kahit nasa ibang bahay na ako.
Nagmamahal, Maine.

Habang binabasa ko ang nasa unang pahina, ramdam ko ang isang luhang kumawala sa kanang mata ko.
Anong ibig sabihin ng nabasa ko?
Bakit hindi ko ito matandaan?
Ampon lang ako?

Alam kong isang tao lang ang makakasagot sa mga tanong ko pero kasi natatakot ako sa magiging sagot ni Lola.
Binuksan ko ang sunod na pahina.

Dear Diary,
Alam mo ba yung nag-ampon sa akin, sobrang bait! Ang laki pa nga ng bahay nila eh! Alam mo ba pangalan niya diary? Si Lola Nidora. May mga kapatid pa nga siya eh. Lahat sila magaganda! Ayaw nga niyang tawagin siyang 'mama' kasi daw masyado na siyang matanda para doon. Laking pasasalamat ko nga dahil sa kanila ako napunta eh. Tsaka alam mo ba diary, papasok na raw ako sa school bukas! Namili na nga kami ng mga gamit eh. Sige, diary, maghahapunan na kami ah? Tatago muna kita sa bag ko.
Nagmamahal, Maine.

Patuloy-tuloy ang mga luhang nanggagaling sa mga mata ko.
Sana hindi ito totoo.
Pero kasi, sulat-kamay ko iyon noong bata pa ako.
Nagbasa pa ako, at puro positive na ang mga nakasulat roon, hanggang sa makarating na ako huling pahina. Nagulat nga ako eh dahil ang dami pang pages na natira pero walang nakasulat.
Sinimulan ko na ang pagbabasa.

Dear Diary,
Alam mo ba, pupunta kaming Manila ngayon! Ang saya-saya ko nga eh! Pero alam mo ba, parang kinakabahan ako eh. Pero binalewala ko na lang iyon dahil pupunta na kami sa Manila, eh hindi pa naman ako nakakapunta doon. Tsaka alam mo ba, sabi pa sa tv, madami daw makikita doon na magagandang places eh! Sige, diary, itatago na muna kita sa kabinet ha? Doon sa may damitan ko kasi baka may kumuha eh, hihi. Goodbye!
Nagmamahal, Maine.

Aaminin ko, nagulat talaga ako.
Ano kayang nangyari sa akin at bakit iyon ang huling pahina na nasulat ko?
Tsaka bakit wala akong maalala tungkol dito?
Grabe namang buhay toh!

*knock knock*
Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko kaya agad kong tinago ang diary na hawak-hawak ko.
"Pasok po."-sabi ko.
At nakita ko si Lola Nidora.
Napalunok ako ng malalim.
"Bakit ang tagal mo bago ako papasukin hija?"-tanong ni Lola.
Pwede ba magsinungaling kahit minsan lang?
Please, na oh.
"Ah, may ginagawa po kasi ako."-sabi ko.
Totoo naman na may ginagawa ako ah?
"Anong ginagawa mo?"-tanong nya pa.
"Ah, hinahanap ko po yung tsinelas ko, eh."-sabi ko.
Hinanap ko naman talaga eh. Hmp!
"Yung tsinelas mo? Diba nasa baba yun? Iniwan mo diba?"-sabi ni Lola.
Ay shete!
Oo nga pala!
Iniwan ko dun dahil pinalabhan ko!
"Ah sige po, kukuhanin ko na lang po."-sabi ko.
"Sige, bumaba ka na at maghahapunan na, ok?"-sabi ni Lola.
Tumango na at nagtungo pababa.
Bago ako pumunta dun sa dining area, kinuha ko muna ang tsinelas ko.

Nang kakain na kami, lahat sila masaya at nagkukuwentuhan samantalang ako, tahimik lang. Nagtaka nga sila kung bakit ako tahimik eh sabi ko busog na ako at tsaka ako pumunta ulit sa kwarto ko.

Pinag-iisipan ko kung bakit hindi ko matandaan yung sinulat ko sa diary.
Hayst.
----------------------------------------------------------------------

Vote kung vote!
Comment kung comment!
Share kung share!
Equals-thank you!

Other stories:
Mysterious girl
Mga kalokohan (jokes)
Cupid's Mistake (new story)

Sana suportahan nyo rin po! Salamat ng marami!
-Cchi. :)

Just A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon