4-anime

62 4 1
                                    

"Waaahhh! Go! Sige! Shoot mo yan!!"-sigaw ko.
Nanonood kasi ako ng anime na KNB habang nakain ng popcorn.
Eto ginagawa ko pampalipas oras.
*kring kring*
Natigilan ako nang biglang magring yung phone ko.
Well, slight na napangiti dahil si Alden yung tumawag.
Sinagot ko ito.
"Hi?"-pagsagot ko sa kabilang linya.
Puro naman kasi 'hello' ang sinasabi ng mga tao kapag sasagot ng tawag diba? Kaya ginawa kong 'hi' nalang yung akin para kakaiba. Haha.
"Uhh.. Ms. Mendoza?"-tanong niya sa kabilang linya.
"Ah.. Yes, ako nga. Bakit?"-tanong ko.
"May nahanap po kasi akong information about po sa inyo and sa lola niyo po, kung hindi ka busy, pwede bang pumunta ka sa office ko?"-tanong niya.
Kinabahan ako bigla...
Ano kaya iyon?
Ano kaya yung nahanap niya?
"Ah, sure. I will come. And please wag mo na akong i-'po', parehas lang tayo ng age. Sige, bye. See you na lang."-sabi ko and pinatay ko na yung tawag.
~*~
Naglalakad ako ngayon para humanap ng tricycle nang bigla akong nagutom.
Hinanap ko ang bilihan ng isaw na nakita ko dati.
Nagliwanag ang mata ko nang nakita ko ito.
Pumunta ako rito at bumili.
Nakita ko ang batang cute na lalaki na akala mo magsalita ay bata na, haha.
"Oh, ateng iniipon ang isaw sa loob ng bibig, ano ang kailangan niyo?"-tanong niya.
Napatawa na lang ako sa tawag niya sa akin.
"Pwede bang makabili ng tatlong isaw?"-tanong ko habang nakangiti.
"Intay."-sabi niya kaya tumango ako bilang sagot.
"Isang isaw."-pagsisimula niya ng pagbibilang at nilagay ang isaw sa plastic.
"Dalawang isaw."-pagpapatuloy niya.
"Tatlong isaw!"-pagtatapos niya at nilagay sa plastic ang mga isaw ko.
"Salamat! Oh, eto bayad ko!"-sabi ko sabay kuha ng mga binili kong isaw.
Tinanguhan niya lang ako at nagsimula na ulit akong maghanap ng tricycle habang iniipon ang isaw sa bunganga ko.
~*~
Nandito na ako sa office ni Alden at kinakabahan sa resulta.
Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at pumasok.
Nakita ko siya na nakasandal sa upuan niya habang minamasdan ang hawak niyang mga litrato.
I tried to look at the pictures pero huli na kasi nakita na niya akong pumasok.
"Oh nandyan ka na pala, di ka nagsasalita."-sabi niya and he offered me a seat which I agreed.
"Ah oo, haha. So ano ba yung sasabihin mo sa akin?"-tanong ko na tila kinakabahan.
"Ikaw ba toh?"-sabay lagay ng litrato na tinitignan niya sa mesa.
Tinignan ko nang mabuti ang litratong ibinigay niya sa akin.
"Hindi, hindi ako 'yan."-pag-iling ko.
Ang taba ko naman kung ako yan!
"Eh eto?"-sabi niya sabay bigay ulit ng litrato.
Tinignan ko iyon ng mabuti.
"Oo, ako yan."-sabi ko...
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga litratong iyan.
"Ok, based on my observation... Ampon ka nga."-pagsasabi niya sa akin ng diretso.
Tumango lang ako dahil naiiyak na ako.
Pinagpatuloy ko siya magsalita.
"Sabi, nagsusulat ka raw sa diary mo everyday nang inampon ka ng mga lola mo. And the last day was yung nagpunta kayo sa mall right?"-sabi niya ulit at tumango ulit ako.
He sighed.
"So, tama nga."-sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"That's the day kung kailan kayo nabangga and nagka-amnesia ka."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi guys! Just published a new story entitled 'love or die'! Sana po suportahan niyo rin na parang suporta niyo sa librong ito! Sana po suportahan niyo! Thanks po!
-iChee

Just A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon