3-isaw

63 4 0
                                    


Maine's POV

Nakasalampak ako sa kama dahil iniisip ko pa rin talaga kung ampon ba talaga ako.

Wala eh, Shunga ako. Nakita na nga sa  diary na sulat-kamay ko yun tapos hindi ako maniniwala? Aba matinde!

I hired an private investigator tungkol dito. Well, siya pinili ko kasi siya yung crush ko. Hahahah de joke. Siya pinili ko kasi maaasahan naman daw yun at mabilis makakuha ng kaalaman sa mga tao.


Speaking of crush, siya lang naman si Alden Richards.

Yup, kahit ako nagulat.

Siya yung nasa starbucks.

Nakarecover  na ako sa pangyayaring iyon. xD

Kaya pala siya nasa starbucks, may inaabanagan siyang tao roon. It's part of his job. May pin-private investigate raw sya roon. Nalaman ko na lang na private investigator siya dahil sa friend ko.

Pero hindi siya nag p-private investigate sa mga taong masasama ang mga intensyon noh!

Makatayo na nga! Ang sakit na ng likod ko kakaupo at kakahiga eh.

~*~

Nandito ako ngayon sa park para magpahangin nang bigla akong nakakaamoy ng something na mabango.

Inamoy ko iyon ng inamoy.

Halos lahat nga ng mga tao nakatingin na sa akin eh. Paano ba naman, nagmumukha na akong aso kakamoy eh!

 Kuminang ang mga mata ko sa nakitang pagkain.

ISAW!

Tumakbo na agad ako sa tindahan ni manong at bumili ng isaw.

"Kuya, magkano po limang isaw?"-tanong ko kay manong.

"Ah bale Php 5 isa edi Php 25 lahat-lahat."-sabi ni manong.

"Hoy, Alfredo! Kailan ka ba natutong magcompute?"-tanong ng kapatid yata ni manong.

"Nakow, nakow, lola naman.  Syempre nandito ang superhero ng lahat!"-sabi ng isang bata. Ang cute nga eh!

"Hoy Otap! Balik sa bahay!"-sabi nung kapatid yata ni Manong Alfredo.

"Nakow, nakow! Lola, ang kj mo pa rin ha! Uso humanap ng lovelife!"-sabi ni Otap at pumasok na nga ng bahay. Natawa na lang ako.

"Ate Ganda, eto na po isaw niyo. Balik po kayo ha!"-sabi ni Manong.

"Oo naman po!"-maligayang sabi ko at umalis na roon sa isawan.


Otap's POV

Nakow, nakow!

Batang-bata pa ako eh binibigyan agad ako ng POV  ni author.

Asan ang awa sa storyang ito?!

Ok, balik tayo sa storya.

Kj naman kasi ni lola eh.. Ang bitter.

Tsaka lalaki po ako ha!

Umalis muna ako sa bahay at nakita ko ang isang babaeng mukhang may hinahanap.

Superhero Otap, to the rescue!

"Bakit miss?"-tanong ko sa maangas na tono.

Naks!

"Nawawala kasi yung calculator ko eh!"-sabi ni miss.

Nakow, nakow! Andaming burara talaga ngayon...

Teka..., baka ito yung kinuha ko kaninang calculator ah!

Tinulungan ko pa kasi si Lolo na magcompute hehe.

Kinuha ko sa bag kong barbie yung calculator ng babae.

Oo, barbie.. kalalaking tao barbie ang bag... Wala na kasing stock sa palengke kaya pinagtiisan ko na itong barbie na ito.

"Sayo ba toh miss?"-sabi ko sabay turo dun sa calculator na kinuha ko kanina.

"Oo, akin nga yan! Salamat bata!"-sabi ni miss at binigay ko na sa kanya yung calculator.

"Nakow, nakow... Okay lang yan miss, basta mag-ingat next time. Tandaan, kung may batman, superman, andito naman ang Otap ng bayan. Bye miss!"-sabi ko sabay takbo.

Napahinto ako nang may makita akong babae na nagsabi na.. "hay, ang ganda ko!"

Nakow,nakow...

Nilapitan ko si babae at sinabing "Fil-Am ka ate?"-sabi ko kay babae.

Tumingin sa akin yung babae.

"half-filipino, half-american?? Halata ba sa ganda?"-sabi ni ate.

Haluh, ano daw yun? Hindi ko nga alam kung ano yun eh.

"Hindi miss, ang ibig kong sabihin, Half-FILingera, half-AMbisyosa! Bye miss, masama maging feeling!"-sabi ko sabay takbo.

Nakow, nakow...

Nang pinagod ako, umupo muna ako sa malapit na upuan.

Pinagmasdan ko ang ang paligid at nakita ko si miss ganda na bumili sa amin ay nakain ng isaw.

Nakow, nakow...

Kadiri kasi si ate kumain eh.

Iniipon yung pagkain sa loob ng bibig.

Ano na kayang lasa nun?

Malamang lasang laway niya na yun.

Parang hindi nakakain ng isang taon.

Nakow, nakow.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

TO BE CONTINUED...









Just A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon