Marahan kong pinikit ang aking mga mata para pakalmahin ng sarili. Pilit kong iniintindi ang nangyari, kung bakit hawak hawak ko ang pulang papel na to at kung bakit kailangan kong mag-stay dito sa school para linisin ang buong hallway. Kung di ko lang sana pinansin tong pangaasar at pambubulabog ng lalakeng to, di sana ako hahantong sa ganito.
Nagkaroon lang naman ako ng detention letter dahil sa mukhang unggoy na 'yon.
Marahas kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman ko ang presensya niya.
"Ano nanaman bang kailangan mo ha, Xander?" Pinanlisikan ko siya ng mata habang sinasabi ang katagang iyon.
"Galit ka na nyan?" Ginaya niya yung tono ng boses ko at parang baliw na tumawa.
"Pake mo ba?" Irap ko sakanya at tumungo na sa stock room ng campus para kumuha ng mga kagamitang panlinis.
Ramdam ko pa din yung presensya niya sa likod ko. Kahit kelan talaga, kulit ng lalakeng 'to. Dahan dahan akong lumingon sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Naiinis HAHAHAHA" Kita niyo. Kita niyo?! Masyado siyang sira-ulo. Di ko alam kung bakit ko pa naging kaibigan 'to.
Di ko na lang siya pinansin at sinimulan ng mag-walis sa hallway. Ma-lalate nanaman ako ng uwi neto mamaya.
"Kung hindi ka lang sana nangaway kanina, di ka sana mahihirapan ng ganyan e" Umupo siya sa may bench at nagpipigil tawa.
Kapal talaga ng mukha neto. Siya pang may ganang magsabi niyan?
-Flashback-
Nandito ako ngayon sa library, hinahanap ko kasi yung sinasabing libro nung kaklase ko. Hindi ko naman mahagilap kung nasaan.
At dahil sa pagka-dismaya, pumunta na lang ako sa isa sa mga bakanteng upuan na naroon at tumungo.
"Baby, do you miss me?"
Ng dahil sa gulat, napasigaw ako ng wala sa oras. What was that?! Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hinarap ko ang walang kwentang nagsabi non at dun ko nakita na si Xander lang pala iyon.
"ANONG BANG PROBLEMA MO?!" Pinandilatan ko siya ng mata. Nakakaasar!
"BOTH OF YOU! GET OUT! HINDI ITO PALENGKE OKAY?!" Inis na sigaw nung librarian saamin.
Nung makalabas kame. Hinampas ko na siya ng todo. Andito kami sa hallway at wala akong pake. Ano bang problema neto?!
"DELA CRUZ! ANO BA HA?! LAKAS NANAMAN NG TOPAK MO." Pinaghahampas ko pa din siya.
"Grabe, ang sweet mo naman" Niyakap niya ako at hinahaplos ang aking buhok.
"MANDIRI KA NGA!" Sigaw ko at pilit na kumakalas sa pagkakayakap niya.
"HAHAHAHA! Ang cute mo talaga" pang-aasar niya pa.
"TIGILAN MO NGA AKO DELA CRUZ! YOUR GETTING INTO MY NERVES." Sigaw ko at kinurot siya sa braso.
"Ouch! Oo, titigal na!" halatang nasasaktan siya pero dahil sa inis ko di ko parin siya tinigilan.
Pero wala sa isip akong napatigil sa pangu-ngurot sa kanya ng makita ko ang hawak niya.
"San mo nakuha yan?" tanong ko habang nakatingin dun sa librong hawak niya. Ayun yung hinahanap ko e.
"Why? Interesado ka dito?" Tinaas niya pa kilay niya. Ang kapal ng mukha. Pilit kong kinukuha yung libro mula sa kanya pero ng dahil sa mas matangkad siya saken, di ko iyon nakuha.
BINABASA MO ANG
What If?
Подростковая литератураPaano kung nagka-gusto ka sa taong malapit sayo? To be specific, sa kaibigan mo. Paano mo maitatago ang tunay mong nararamdaman sa tuwing magkasama kayo? Paano mo matatakasan ang bawat sakit na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mong nasasaktan siy...