"CARAAAA!" nagising ako dahil sa malakas na tawag sakin.
Sinubukan kong imulat yung isa kong mata at nakita ko namang si Frances yun. Yun nagtanong kay Chase kagabi.
Umupo siya sa tabi ko at sinundot sundot yung tagiliran ko. Problema neto?
"Hindi ka ba kinilig kagabi? Whaaaaaa! Ikaw haaaa!" Ang aga aga naman. Umiling nalang ako. Hinila niya yung kamay ko kaya napaupo ako.
"Gising na Cara, Ikaw nalang hinihintay sa baba. Bilisan mo ha. Nag-aantay na si Aar-- este kami." Napailing nalang ako sa kakulitan ni Frances.
Last day na ngayon ng outing namin at nakikita ko namang nagiging close na din kaming lahat. Inayos ko na yung sarili ko at tumungo na sa lamesa. Hindi pa din naman ako nakakalakad mag-isa pero kaya naman ng pa-ika ika.
Halos lahat sila nag-good morning sakin maliban kay Chase dahil nginitian niya lang ako. Umupo ako sa tabi niya at binati siya.
Nang matapos yung umagahan namin ay magkakaroon daw ulit ng laro at base sa kalagayan ko ay hindi ako makakasali.
Andito ako sa duyan sa ilalim ng puno, nakaupo. Magandang tumambay dito dahil mahangin. Pinapanood ko lang yung mga naglalaro at tuwang tuwa naman sila. May kanya kanyang team na kasi ngayon. Hinanap ng mata ko si Chase pero hindi ko naman makita. Asan 'yon?
May umupo sa tabi ko at paglingon ko ay si Chase 'yon.
"Hindi ka ba sasali?" Ang saya kaya sumali tapos ayaw niya lang? Umiling lang siya sakin.
"Bakit?" dapat pala palit nalang kami ng kalagayan pero syempre joke lang 'yon.
"I prefer to take a good care of you" uminit naman yung pisngi ko. Hindi naman yun pick up line ah?
"Bakit naman?" Good mood ba to? Bakit hindi siya masungit?
Ginulo niya lang yung buhok ko. Gandang ganda ng ayos tas biglang guguluhin.
Natahimik naman kami saglit. Awkward naman. Tinignan ko siya.
"Why are you staring at me like that?" kalmado niyang sabi. nakikita niya ba ko? hindi naman siya tumingin sakin ah?
"Ano ka ba Chase, hindi naman kita tinitignan a" totoo naman e, hindi tingin ang tawag don pagchecheck kaya. Chinecheck ko lang kung may nagbago sa mukha niya.
"Tss" sabi na ahas talaga 'tong si Chase.
"Aerith" tawag niya sakin, galit ba siya? Pag galit lang kasi niya ko tinatawag ng ganyan.
"Caradean" pagtutuloy ko. Susunod naman yung De Guzman hehe.
"Huh?" siya 'tong may pa tawag tawag sakin tapos siya pa yung mag-ha-'huh'
"Isa, stop teasing me." pagbabanta niya. Di ko alam kung galit ba 'to o ewan.
"Dalawa?" may halong tanong yung pagkasabi ko. "Hey, I'm not teasing you" napapasubok tuloy ako ng english dahil dito kay Chase tsk tsk.
"Will you please stop this nonsense?!" siya nga nag-umpisa tapos nonsense pa, gulo naman niya.
"You started it" naka-pout kong sabi.
BINABASA MO ANG
What If?
JugendliteraturPaano kung nagka-gusto ka sa taong malapit sayo? To be specific, sa kaibigan mo. Paano mo maitatago ang tunay mong nararamdaman sa tuwing magkasama kayo? Paano mo matatakasan ang bawat sakit na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mong nasasaktan siy...