"Chase" mahinang sambit ko atsaka siya nginitian.
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko magawang gumalaw sa kinauupuan ko. 13 years old kami nung huli ko siyang nakita. Ang daming pinagbago, mas lalo siyang tumangkad at gumwapo. Me and Chase are childhood bestfriends. Grabe, namiss ko siya ng sobra. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, sobrang higpit.
-Flashback-
Andito kami sa garden nila Chase, nakaupo sa damuhan.
"Cara, aalis na kami. Mamimiss kita ng sobra." niyakap niya ako at hinaplos ang aking buhok.
"Magkikita pa naman tayo Chase eh. Ang bading mo talaga." pagloloko at pag-chicheer up ko sa bestfriend ko. Ako din naman e, mamimiss kita ng sobra.
"Bading agad? Hindi ba pwedeng mamimiss ko lang talaga yung bestfriend ko?" medyo nagtatampong tanong niya.
"Bumalik ka agad ha? Magbabake pa tayo ng cookies." ganting sagot ko sakanya. Lagi kasi kaming pinagb-bake ng mommy niya ng cookies, at minsan tinuturuan niya kaming mag-bake 'non.
"I'm not sure kung makakabalik kami agad, but I promise, babalik ako." nakangiti niyang sabi at marahan na ginulo ang buhok ko.
"Mag-iingat ka palagi ah? Wala na ako para ipagtanggol ka" grabe naman mag-habilin tong si Chase!
Sasagot pa sana ako kaso bigla siyang tumayo. "Sandali lang." bigla siyang tumakbo papasok sa bahay nila.
Sana hindi mo ako kalimutan, Chase.
"Arf Arf!" nakarinig ako ng tahol ng aso sa likuran ko kaya napalingon ako.
"Wow. Ang cute naman!" niyakap ko yung aso dahil nanggigigil ako dito.
"Para sayo 'yan" narinig kong sabi ni Chase.
"Seryoso ka?" agad kong tanong dahil hindi ako makapaniwalang bibigyan niya ako ng ganto.
"Oo. Siya yung magbabantay sa'yo habang wala ako." mahabang litanya nito. "And oh, by the way, Chao yung pangalan niya" dagdag pa nito.
"Salamat, Chase!" niyakap ko siya na para bang hindi na ulit kami magkikita.
"Aaron! C'mon buddy! Ma-lalate na tayo sa flight" narinig kong tawag ni Tito. Tumayo na kami at naglakad na palabas ng bahay nila. Siya nalang pala yung iniintay. Lumapit sakin si mommy at daddy at nagpaalam na din sila kela Tito at Tita.
"Bye Cara. Babalik ako, hintayin mo ako ha?" nakangiti niyang saad bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kanilang sasakyan.
Hindi ko na mapigilang maging emosyonal. Mamimiss ko talaga siya. Sobra.
Wala na yung kasama ko sa kalokohan, wala na akong taga-tikim ng cookies na ib-bake ko na lalaitin lang din naman 'yon, wala na akong kukulitin tuwing umaga, wala na akong kasamang humabol dun sa naglalako ng taho sa'min. Wala na siya.
"Bye, Chase"
-End of Flashback-
"Ms. De Guzman. It's your turn" Ng dahil sa sobrang pag-iisip, ngayon ko lang napansin na tinatawag pala ako ng prof ko.
"Po?" inosenteng tanong ko, nakita ko si Xander na nagpipigil ng tawa sa likuran ko. Mamaya ka sakin Dela Cruz.
"It's your turn to introduce yourself, Ms. De Guzman." bakit may magpapakilala pa kami? Tinignan ko si Chase at seryoso siyang nakatingin sakin. Tumayo na ako at nagsalita.
BINABASA MO ANG
What If?
Teen FictionPaano kung nagka-gusto ka sa taong malapit sayo? To be specific, sa kaibigan mo. Paano mo maitatago ang tunay mong nararamdaman sa tuwing magkasama kayo? Paano mo matatakasan ang bawat sakit na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mong nasasaktan siy...