"Namiss din kita, Cara" sa mga simpleng salitang yan ay hindi ko nagawang gumalaw. Tama ba yun narinig ko? Namiss niya ko? O baka biro lang iyon? Pero kyaaaaa!
Nakayakap pa din siya sakin ngayon, hindi ko magawang yakapin siya pabalik dahil hindi ako makagalaw. Kumalas siya sa yakap at tumingin sakin. Pinagmasdan niya ko, feeling ko nga sasabog na ako sa sobrang kilig eh.
"Akala ko hindi mo na ko kilala kanina, natakot tuloy ako Chase" nagtatampong litanya ko sakanya.
"Tss" yun lang yung sinagot niya sakin. Pero napangiti naman ako dahil sumagot pa din sya.
"Sasama ka bukas, Chase?" tanong ko sa kanya pero nakangiti pa din ako. Tumango siya sakin bilang sagot.
"Hindi ka ba papasok sa loob?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya at naglakad palayo.
"Bye Chase! See you!" bati ko ng hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi.
Alam ko siya yung sinasabi nila mommy na dadating. Dahil hindi naman yun sasabihin nila mommy kung hindi importante. Pumasok na ko ng bahay, wala pa din pala sila mommy dito. Kaya naisipan kong umakyat nalang sa kwarto ko. Tumakbo palapit sakin si Chao at umupo kami sa kama.
"Chao, alam mo ba, dumating na si Chase!" alam kong hindi niya naiintindihan yung sinasabi ko pero gusto ko lang ng kausap ngayon dahil hindi ko ata kakayaning kung kikimkimin ko lang tong kasiyahan ko.
"Namiss ko siya ng sobra at sabi niya namiss niya din daw ako" pagpapatuloy ko sa kwento ko kay Chao na nagkakalkal ng kung ano-ano sa sulok. Ngunit tahol naman siya ng tahol na parang naiintindihan niya ako.
Maya-maya'y naisipan kong mag-ayos na ng gamit ko para bukas. Ilang days kaya kami dun? Sana makapagbonding din kami ni Chase. Kinuha ko yung maleta kong kulay violet at doon na nilagay ang mga kakailanganin ko. Nang matapos ko ng maayos yung mga gamit ko ay naisipan kong maligo.
***
"Princess?" may kumakatok sa pintuan ko at alam kong si daddy iyon kaya agad kong binuksan ang pinto.
"Hi Daddy!" masiglang bati ko kay daddy at niyakap siya.
"Hmm. Ang energetic ng princess ah" saad ni daddy at umupo kami sa kama ko. Magpapaalam na din siguro ako para bukas.
"Dad. Bumalik na po si Chase" malawak na ngiti ang bumubuo saking labi. Nakita ko naman na masaya din si daddy. "Dad, bukas po pala may outing na magaganap" nag-cross finger ako at tinago 'yon sa aking likod.
*Sana pumayag. Sana pumayag. Sana pumayag*
"Para saan naman 'yon princess?" nakikita ko sa mata ni daddy na papayag siya. Pero kailangan pa ng konting push para magkatotoo ang aking hinala.
"Team Building po para sa prom namin. Payagan mo na ko daddy please" nakita kong nagdadalawang isip pa si daddy pero sa huli pumayag naman siya basta daw kasama ko si Xander o kaya si Chase.
"Hmm? Daddy, ano po palang meron?" nagtataka ako kasi bigla nalang kumatok si daddy. May importanteng bagay siguro siyang sasabihin.
"3 weeks kasi kaming mawawala, princess. Bussiness trip sa abroad, nasabihan na namin ang Kuya mo at pati narin si Chase para bantayan ka at sumang-ayon naman sila" paliwanag sakin ni daddy. Sumang-ayon si Chase?
BINABASA MO ANG
What If?
Teen FictionPaano kung nagka-gusto ka sa taong malapit sayo? To be specific, sa kaibigan mo. Paano mo maitatago ang tunay mong nararamdaman sa tuwing magkasama kayo? Paano mo matatakasan ang bawat sakit na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mong nasasaktan siy...