Chapter 4: Importance

39 2 0
                                    

Day 2 namin ngayon dito sa resort. At natutuwa naman ako kasi parang mas nakikilala na naming lahat yung isa't isa.

Andito kami sa isang table, nakain. Nilagyan ko ng space yung upuan na katabi ko para kay Chase. Pero mula kanina hanggang ngayon ay hindi ko parin siya makita.

"KAINAN NAAA!" sigaw ng mga kaklase ko. Lumingon lingon ako sa gilid para hanapin si Chase.

Bago ako kumain ay may tumabi na sakin. Si Chase na pala. Pinagpatuloy ko yung pagkain ko at ng makalingon ako sa gilid ko ay nakita ko yung kwintas na binigay ko sakanya na suot niya.
Napangiti tuloy ako.

"Wag kang ngumiti" hindi ko siya sinunod at lalo pa kong ngumiti. Buti naman sinuot niya.
Pinagpatuloy ko yung pagkain ko. Nasa harapan ko pala si Xander, ng mapatingin ako sakanya ay bigla siyang kumindat. Nasamid tuloy ako. Err. Kapal!

Kumuha agad ng tubig si Chase at inabot sakin. Kinuha ko naman agad 'yon.

"Ayos ka lang?" tumango ako at narinig ko naman siyang nagsabi ng 'tss'. Naks! May care din pala sakin 'tong si Chase.

Yieeeee!

Nabigla ako ng biglang may tumamang tubig sa mukha ko. Napatingin ako sa direksyon ni Xander at nakita kong may hawak siyang water gun.

"Hoy! Tigilan mo ko Xander!" inis na sigaw ko sakanya pero imbis na tigilan ako, ay mas lalo niya pa akong ginulo.

"Hoy ano ba! Hindi ka titigil? HA?!" iritado kong kinuha yung isa pang water gun at ginantihan siya. Sakto namang naubos na yung tubig sa kanyang water gun kaya agad agad akong nakabawi ng todo sa kanya.

"HAHAHAHAHAHA! Buti nga sayo!" pangaasar kong sumbat sakanya.

"Kumain na lang kayo, pwede?" inis na sambit ni Chase sa'min.

"Sorry" mahinang sambit ko at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay ako yung naatasan na maghugas ng pinggan. Nakita ko naman yung iba na nagsisilangoy na sa dagat, umagang-umaga naman.

Nang malapit na ko matapos ay nakita kong dumaan si Chase kaya kahit hindi pa ko tapos ay tinawag ko siya.

"Chaaaase!" hindi niya ko liningon.

"Aaroooon!" hindi pa din siya tumigil.

Madali ko ng hinugasan yung mga plato at tumakbo palapit sa kanya. Hindi muna ako lumapit dahil alam kong may gagawin siya. Naglakad siya papunta sa ilalim ng puno at may tinawagan.

"I'm fine" narinig kong sabi neto. Sino kaya kausap 'non?

"Tss" ang original line ni Chase.

"I don't miss you anymore" wait, what? I don't miss you anymore daw? Sino ba kausap niya?

"Fine. Bye" nagtago naman ako sa puno. Sana hindi niya ko makita.

*Cross fingers*

Tinignan ko kung nandoon pa siya pero mukang wala na kaya lumabas na ko sa pinagtataguan ko. Bigla namang may nagsalita sa likod ko.

"Nakikinig ka ba sa pinag-uusapan namin?" as usual, walang expression yung mukha niya. Kaya mas lalo kong nakikitang attractive siya.

"H-ha?" hala ano sasabihin ko?

"Hindi ah! Nanghuhuli ako ng lamok. Hehe" pagpapalusot ko. Alam kong lame, pero sana naman gumana.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon