Chapter 26

37.6K 644 27
                                    


Uwi ka na, galit ka pa ba?

Ahmira's POV

Maaga akong nakatulog kagabi dahil sa pagod at kakaiyak. Sasamahan ko pa sana si Bhambie sa paghihintay kay Zack pero hindi ko na natiis 'yong antok ko.

Hindi ko nga maintindihan ang dalawang iyon kasi palipat lipat. Minsan nasa condo sila Zack o di kaya sa bahay ng parents ni Zack at syempre dito sa bahay ni Bhambie na pinagawa niya talaga para sa pamilya niya kaso ayaw iwan ng parents niya ang buhay sa probinsya kaya silang dalawa na lang ni Zack ang tumira.

Mabuti na lang at sakto ang hula ko kahapong nandito siya.

Pagkagising ko naramdaman ko kaagad ang pamamaga ng mata ko. Hindi ko kasi mapigilang di umiyak tuwing naiisip ko si Adam, buwisit talaga ang mokong na 'yon hindi man lang ako sinuyo. Kahit isang text o tawag wala! Gusto niyang maayos kami pero hindi naman siya gumagawa ng paraan, hmm!p bahala siya sa buhay niya.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto para sabihan sana si Bham na sa bahay na lang ako magbebreakfast pero napansin ko kaagad na sobrang tahimik.

Pinuntahan ko 'yong kwarto nila at kumatok ng ilang beses pero walang nagbukas o sumagot man lang. Doon ko lang napansin ang isang maliit na papel na nakadikit malapit sa doorknob.

Bhessy sumabay na 'ko kay Zack may pupuntahan kasi ako eh, pinagluto kita ng breakfast kaya kumain ka kung hindi okay lang pangit naman ang lasa niyan hahah xD Magsosorry na ko kasi pakialamera ako ^______^ malalaman mo rin kung bakit.... take care!

Napangiti ako sa sulat niya, pareho kasi kaming MAGALING magluto kaya nagkakasundo kami sa ganoong bagay. Nagtaka naman ako sa huling sinabi niya, ano naman kaya ang ginawa nun? Medyo kinabahan ako doon hindi naman kasi magsosorry 'yon kung alam niyang gusto ko ang gagawin niya.

Pababa na 'ko ng hagdan ng may mahagip ang mata ko sa living room.

O.O si Adam? Nakatayo ito at parang hinihintay ako. Umiling ako ng ilang beses habang pinipikit ang mga mata ko.

Hindi..naghahallucinate lang ako. Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko.

I took a deep breath at mabilis na tumalikod para pumunta ng kusina pero naka ilang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Huhu nababaliw na yata ako, ngayon boses naman ni Adam! Nagpatuloy lang ako at nagkunwaring walang narinig.

Agad akong kumuha ng tubig at tuloy-tuloy na ininom 'yon. Pagtalikod ko ay isang matigas na bagay ang humarang sa harap ko. Hinimas ko 'yong noo 'kong tumama sa dibdib niya.

"A-Ahmira...." He said softly. Sandali akong natameme at halos di makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Adam -_____-" Sabi ko na hindi man lang makatingin sa kanya.

Sana nga imagination ko na lang lahat dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Humanda talaga si Bhambie, hindi man lang ako nakapagprepare!

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon