Chapter 39

36.3K 497 51
                                    


Strawberry

Ahmira POV

Pagkaalis ni Adam, hindi na natahimik ang isip ko dahil sa pag-iisip ng mga nasabi ko sa kanya. Alam ko namang hindi ko dapat sinabi sa kanya ang tungkol kay Bryan. Nadala lang ako ng galit kaya nasabi ko ang mga salitang 'yon.

Totoong sinabi ni Bryan na gusto niyang akuin ang bata para iligtas ito ula kay Dad pero alam kung hindi maniniwala 'yon, he's one of the smartest guy I've ever known.

Kahit anong gawin ko si Adam pa rin ang tatay ng baby ko at wala akong balak na ipagkait sa kanya 'yon, nasa kanya na kung gagawa siya paraan para ipaglaban kami.

"Ahmira, sorry talaga kung nasabi ko kay Adam ang tungkol sa baby, huhu sobrang nag-alala lang kasi ako.." Nakokonsensyang sabi ni Bhambie habang tinutulungan akong maglipit ng gamit. Pinayagan na 'ko ng doktor na umuwi kaya sinundo niya ko. Nandito pa rin naman si Bryan pero sinabihan ko siyang hintayin ako sa labas dahil may pag-uusapan kami ni Bhambie.

"Ano pang magagawa 'ko, nangyari na..." Malungkot na sagot ko.

"Hala...sorry talaga best.. Naging mabuti naman ang bunga nun diba? Nag-effort si Adam na puntahan ka dito?....Nagkaayos na ba kayo?.."

Napayuko na lang ako at napailing..

"So anong balak mo? Naku dapat niyong pag-usapan iyan para hindi na lumalala..." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang balikat ko.

"Alam mong hindi ganun kadali 'yon Bham.." Agad niya kong niyakap sabay hagod sa likod ko.

"Naiintindihan kita, pero sana ayusin niyo talaga ang problema niyo para sa magiging baby niyo..." Natahimik na lang ako dahil hindi ko alam kong ano ang isasagot ko. Paano namin maayos 'to kung sunod sunod ang problemang dumadating sa'min.

Biglang tumayo si Bha!bie at nagpalakad lakad sa harap 'ko.

"Alam mo Ahmira, kung may dapat mang sisihin dito, si Therine 'yon eh... Ang landi ng babaeng 'yon, for sure pinlano niya ang lahat para hindi kayo matuloy ni Adam.." Galit na sabi niya.

Hindi na 'ko magtataka kung bakit nagawa ni Therine ang bagay na 'yon, she desperately wanted to have Adam again. Pero ang ikanagagalit ko, bakit nagawa ni Adam na unahin ang baliw na 'yon kaysa sa'min.

"Huwag na muna nating pag-usapan 'yan, gusto ko nang umuwi" Sabi ko at mabilis na tumayo, nabuntunginininga lang si Bhambie at sumunod sakin.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon