Chapter 5 "Park"

7 0 0
                                    

P.o.v of Chelsea

What was that all about!? Am I imagining things?

Lanna: *tinapik ang brasoni Chelsea* Hoy! ayos ka lang ba? Kanina ka pa lutang...

Chelsea: *ngumiti* Oo naman... ang weird lang kasi ng nagyayari sakin these past few days...*huminto sa paglalakad* Sabihin mo nananaginip ba ako?

Lanna: *natawa* haha! Sira ka ba? Anong sinasabi mo? *pabirong hinamas ang braso ni Chelsea* Sigurado kang ayos ka lang?

Chelsea: *nag-simula na ulit maglakad* Hayst! feeling ko talaga may mali sakin?

Lanna: Hulaan ko kung ano... uhmm... una, maaga kang papasok ngayon; pangalawa, ngayon ka lang nag-ayang makipagdate sakin ng ganito kaaga *natawa*

Chelsea: Tss... Una sa lahat may naisipan akong gawin kaya maaga akong papasok ngayon. Pangalawa, hindi 'to date! Okay! Ano ka Lesbian?

Lanna: Nah~ kung magiging lesbian ako hindi kita papatulan F.Y.I lang.

Chelsea: Pwes ako ganun din kaya wag ka ng magtatanong dyan at maglakad na lang tayo.

Lanna: Okay.

Naglakad na nga kaming dalawa ni Lanna papunta sa park kung saan ko nakita yung batang may hawak ng lobo. Nakakakilabot man pero may nagsasabi sakin na pumunta ako rito ngayon. It must be my conscience para matahimik na siya.

Ilang minuto lang ang inabot namin ni Lanna sa paglalakad para puntahan itong maliit na park malapit sa school. Bukod sa park na pinuntahan namin ni Lanna kanina ay meroon pang isang park na malapit sa school at dito madalas tumambay ang mga "I have my own world" na tipo ng tao.

Nang makarating na kami sa park ay napansin ko agad ang kagandahan nito kahit na ba ang tahi-tahimik dito. Pinagmasdan ko sandali ang paligid at napansing wala pang tao rito marahil napaka-aga pa.

Agad lumapit si Lanna sa isang kahoy na upuan (bench) at niyaya akong umupo sa tabi niya.

Lanna: hayyyy! hindi ko ini-expect na nakaka-relax pala rito... *nag-stretch*

Chelsea: *umupo sa tabi ni Lanna* Ako rin...hindi ko akalain na ganito pala katahimik dito.

Lanna: *nag-iistretch* Ha-ha-ha nagpapatawa ka na naman. Anong hindi mo akalain? Ee ikaw po ang nag-dala sakin ngayon dito.

Chelsea: *napatingin sa maaliwalas na kalangitan* Sa maniwala ka't sa hindi, ngayon lang din ako nakapunta rito... Di ba nga tambayan 'to ng mga kauri mo?

Lanna: *nag-iistretch* Tss... duh~ F.Y.I lang Chelsea, Ang mga kauri ko ay sadyang gusto lang mapag-isa dahil iniisip namin ang future namin tsaka hindi pa ko pupunta rito dahil sa lagi na lang akong nasa Student Council.

Chelsea: *napatingin kay Lanna* Ay! Sorry President~

Lanna: Nah~ I don't need your apology, I just need your treat *pinandilatan si Chelsea*

Sabay kaming natawa ni Lanna.

Ansarap talaga sa pakiramdam ang umupo rito at pagmasdan ang kalangitan. Nakaka-relax~ sobra... feeling ko nga anytime now pipikit na ang mga mata ko.

Lanna: Hey! Chelsea! Wag mo kong tulugan~ *nag-ring ang phone* wait lang si Ma'am.

Chelsea: As if matutulog ako...

Lanna: *binaba na ang phone at nilagay sa bulsa* Chelsea.. I'm sorry pero babalik din ako agad may piapakuha lang si Ma'am sa Security guard. Don't worry babalik din ako kaagad.

Chelsea: Oo na... basta bumalik ka aa~

Lanna: Oo naman! Sige na *nag-wave*

Chelsea: *nag-wave back*

Hayyy~ it's just me and this park. Its odd dahil kanina lang takot na takot ako dahil lang sa flash vision ng kung anong pangyayari tapos bigla-bigla na lang nawala yung takot ko ng makarating ako sa park na 'to.

Napatingin ulit ako sa kalangitan ng bigla akong may napansing anino ng tao sa isang puno di kalayuan sa kinauupuan ko ngayon.

Hindi ako natakot at sa halip ay na-curious ako rito. Agad akong lumapit sa aninong aking nakita.

Tinawag ko ito mula sa kanyang likuran.

Chelsea: Excuse me lang estudyan~ *nanlaki ang mga mata ko*

Pagkaharap nito sa akin ay kamuntik na kong sumigaw sa sobrang takot dahil sa nakikita ko. Ang taong nasa harapan ko ngayon ay parang itsura ng mga napapanuod kong horor movies na kung saan duguan ito at maraming galos sa katawan.

Wala akong magawa sa mga oras na iyon dahil sa ayaw gumalaw ng katawan ko... Nakatitig lang ako sa kanya at ganuon din ito sa akin. Maya-may pa'y naglakad ito ng dahan-dahan papalapit sa akin.

Jusko! Ano na ang gagawin ko!?

Mga ilang hakbang na lang ang layo nito sa akin ng biglang nanghina ang mga tuhod ko. Timing naman ang pagdating ng isang lalaki dahil nasalo niya ko bago pa man ako mapa-upo ng tuluyan sa lupa.

Lalaki: Ayos ka lang?

Chelsea: *napatingin ako sa kanya* A-A~! *sabay turo sa taong kinatatakutan*

Nasaan na siya?

Lalaki: Ano yun?

Chelsea: A-andun! A! TAO...uhhh... duguan tapos maraming galos-

Lalaki: Teka lang. Huminahon ka muna...

Chelsea: *Lumayo sa Lalaki* S-sorry... *humawak sa sentido* Don't mind me...

Lalaki: I refuse.

Chelsea: *sigh*

Lalaki: Umupo muna tayo at sabihin mo sakin ang nangyari.

Chelsea: *tumango*

Bumalik kami sa kahoy na upuan at kinuwento ko sa kanya ang nakita ko. Ewan ko ba pero I feel comfortable when I'm talking to him even though stranger siya. Kinomfort niya ko at in-advice-san na sa susunod hindi na dapat pa ako maging masyadong curious sa mga bagay-bagay lalo na't first time ko pa lang itong makita.

Nakikinig lang ako sa kanya ng mapansin ko ang papalapit na si Lanna dala-dala ang napakaraming karton at plastic bag.

Lanna: Ano ka ba Chelsea? tulong naman *sabay abot nito sa ibang dala* Thanks!

Chelsea: Sus~ *tinulungan si Lanna* Nga pala Lanna may ipapakilala ako sayo si... Ano nga palang pangalan mo?-

Teka! Asan na siya?

Lanna: Sira ka ba? asan na yung papakilala mo?

Chelsea: Andito lang siya kanina...tinulungan niya pa nga ako ee..

Lanna: Hayyy~ Sige na may tumulong na sayo... mamaya mo na ikwento 'yan at tulungan mo na akong buhatin 'tong mga 'to sa Student Council room.

Chelsea: Pero totoo talaga yung sinabi ko!

Lanna: OO na nga. Ikwento mo sakin mamaya... tara na!

Sumunod na lang ako kay Lanna. Ano pa ba ang magagawa ko?

Pero sino ba yung lalaki na yun? hindi ko man lang naitanong yung pangalan niya tsaka bigla na lang siyang nawala...

~~~~~

End of Chapter

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

* My Secret Admirer is .....*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon