Runaway Jaejoong (CHAPTER 4-6)

119 4 2
                                    

CHAPTER 4

"Oh my God," yun na lang nasabi ni Yeye pagkakita niya sa lalaking nakahandusay sa hinuhukay na bahagi ng kalsada.

Mababaw lang ang hukay ngunit dahil sinisimula na nga itong tibagin kaya maraming nagkalat na malalaking tipak ng bato sa paligid.

Nilapitan niya ang lalaki at dinaluhan. Nakita niyang wala itong malay at may dugo sa noo nito.

'Patay na ba siya?' takot niyang naisip. Hindi niya malaman ang gagawin at natataranta siya. Tila lumipad sa hangin ang utak niya at nakalimutan niya ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon.

Dumating na ang ambulansiya at pulis. Naisakay na sa stretcher ang lalaki.

"Buhay pa ho ang biktima at nawalan lang ng malay dahil sa pagkakauntog. Isasama namin kayo sa ospital" anang isa sa mga rescuer.

Doon lang natauhan si Yeye. Sa sobrang kaba niya, di niya namalayan na napatulala siya.

Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. 'Sana okay lang siya,' piping dalangin niya.

Parang gusto tuloy niyang sisihin si Korina; ang baka niyang manganganak.

Tumawag ang Nana Meding niya at sinabi sa kanya na manganganak na nga ang baka nila.Nasa palengke siya noon at namimili ng supplies sa bahay at vitamins ng kanilang mga alaga.

Kaya hayun, para siyang midwife na nagmamadali sa pag-uwi. Iniisip din kasi niyang magandang practicum ito para sa kurso niyang medisina. And most importantly, super excited siya at inaabangan niya talaga ang pangangnak ng kanyang baka.

Nakabunggo tuloy siya.

Dinala na sa pinakamalapit na ospital ang 'biktima' niya. Doon na rin siya kinunan ng salaysay ng mga pulis.

"Ayon sa mga nakakita, hindi mo nabunggo ang lalaki ngunit dahil sa gulat ay na-out of balance ito kaya nahulog sa hukay. Ngunit hindi ibig sabihin nito na wala ka ng pananagutan Ms. Mariano. Depende pa rin sa naaksidente mo kung sasampahan ka niya ng kaso," mahabang litanya ng pulis.

Kahit paano ay nakahinga ng kaunti si Yeye dahil sa sinabi ng pulis. Ngunit di pa rin siya abswelto.

Hindi naman kasi magugulat ang lalaki kung di dahil sa biglang pagsulpot ng sasakyan niya. Di sana ito nalaglag at nauntog. Di sana ito nasa ospital ngayon.

Para makasigurado siya na nasa mabuting kalagayan ang 'biktima' niya ay ipinakuha niya lahat ng dapat na tests para dito.

Mula blood tests, x-ray, ultrasound at kung meron pa ngang ct scan sa nasabing hospital pati yun ipapagawa niya.

"Normal naman lahat ng tests result niya. Normal din ang x-ray at ultrasound niya sa head. Wala rin siyang tinamong major injury sa ibang parte ng kanyang katawan," pagbabalita ng doktor.

Yeye sighed with relief. Mabuti at ligtas ang kalagayan ng lalaki.

But the doctor added," But we have to immobilize his right arm. Medyo na-dislocate ang kanang kamay niya. Marahil naitukod niya ito ng nalaglag siya. Kailangan nating sementuhin and it will stay for 3 weeks."

Overwhelming feeling of guilt invades her. Dahil sa actions niya ay may nasaktang iba.

Napakaliit ng tsansa na tanggapin nito ang sorry niya. Hindi naman grabe ang sinasabi ng doktor but the fact still remains that she is the reason of his casted right arm. Na nalamatan niya ito.

Nailipat na sa private room ang pasyente niya. Wala pa rin itong malay.

Namanhid na ang utak ni Yeye sa kakaisip ng paraan kung paano hihingi ng sorry pag nagising na ito.

Runaway JaejoongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon