CHAPTER 19
"Te!," tili ng taong bumungad sa pintuan ng opisina ni Yeye. Napaangat siya ng tingin mula sa mga binabasang dokumento.
"Bakla ka,na-miss kita!Ang tagal nating di nagkita.Saan ang booking mo 'te?" biro niya kay Trisha. Tatlong linggo rin silang di nagkita.
"Pagoda akey 'te. Mega-fly ako sa manila sa para i-sub for awhile yung on-leave naming chief med.tech. Alam mo naman utos ni pudra kaya agad-agad gumorah ako pa-manila. Ni hindi na ako nakadaan para magpaalam," maiksing kuwento nito.
Registered Medical Technologist si Trisha at may dalawang malaking laboratory na pagmamay-ari ng pamilya nito na may branch sa kanilang lugar at sa manila.
Medyo nagtataka siya lately kung bakit walang nanggugulo sa kanya nitong mga nakaraang linggo. Lalo pa't alam nito na may bisita siyang 'yummy.' Knowing her friend, baka makitira pa ito sa bahay niya.Nasa manila pala ang lola niya kaya wala pang maingay sa paligid.
"Kumusta yung alaga mo?Magaling na ba?" tukoy nito kay Jaejoong.
"Ayos na siya. Wala ng cast ang kanang kamay niya. He's in good shape," masayang balita ni Yeye.
"Bakit may pakiramdam ako na may kakaiba ng nangyari nung wala ako?" taas-baba pa ang kilay ng bakla habang nagtatanong.
Kunwaring napakunot-noo siya at walang kamalay-malay sa sinasabi nito. Bilib talaga siya sa pang-amoy ng ateng niya. Alam agad nito na may 'something is going on' sa kanilang dalawa ni Jaejoong,lalo na sa part niya.
"Inocente de ti ang peg 'te?Alam ko na yang mga ganyang drama mo. Wag mag-deny,don't tell a lie bakla ka. I know there is something malansa," pinanlalakihan pa siya ng mata nito.
Wala talaga siyang maitatago kay Trisha. Bawat kilos niya,alam na alam nito ang ibig sabihin. Matalik na kaibigan niya nga ito dahil mas higit na kilala pa nito ang totoong siya kaysa sarili niya.
"Ang lakas talaga ng pang-amoy 'te. Wala akong mailihim sa'yo," napapalatak na sabi niya.
"Naman! Ako ang iyong konsensiya remember?" nakapameywang pa ang bakla.
"Ano na?Nanligaw na ba?Marunong ba?Dyowa mo na ba? Kailan mo sinagot?Saan?" niratrat siya ng usual Trisha's armalite inquiry.
Sa kabila ng dami ng tanong ng kaibigan niya, ironic na wala siyang masagot kahit isa sa mga yun.
Ano na nga ba sila ng binata?Tanong niya rin yun sa kanyang sarili.
Nahalata naman ng ateng niya ang pagkalito at 'lost' expression niya.
Napapitik ito sa ere at napapadyak pa na akala mo hinayang na hinayang ito.
"Ano ka ba 'ye? Chance mo na 'to na ma-break ang record mong NBSB. Na sa 'yo lahat ng chance 'te. Grab it!" emotional pa ang pagkakasabi ni Trisha. Aakalain mo kung anong seryosong bagay ang pinag-uusapan nila.
'Bakit hindi ba importante ang happiness mo?" bulong ng kanyang other side.
"Ikaw naman kung makapagsalita ka ganoon lang yun kadali. Babaeng Filipina ito 'te. Saka baka mamaya hindi naman ako nun type,mapahiya lang ako."
"Paano mo rin nasabi na hindi ka type nun?Halos isang buwan na siya sa inyo di ba? Ano ang mga pangyayari sa halos isang buwan na yun?" tanong nito.
Ikinuwento niya lahat ng interactions nila ng binata. Mula sa unang beses na paghawak nito sa kamay niya,pagbibigay nito ng plastik na bulaklak at paghahatid nito sa kanya sa school. Lahat-lahat pati conversations nila.
Kahit siya nagulat sa kanyang sarili dahil kabisado niya ang bawat detalye ng moments she shared with Jaejoong.
"Te walang halong charot,gusto mo siya di ba?" Trisha directly asked her.
BINABASA MO ANG
Runaway Jaejoong
FanficThis is a fan fiction inspired by Kim Jaejoong (of DBSK, JYJ). A mixture of comedy and romance which will give every fan girl a chance to dream how does it feel like to be loved by Kim Jaejoong. That love knows no boundaries. Even he is from Korea...