Runaway Jaejoong (CHAPTER 7-9)

93 5 4
                                    

CHAPTER 7

"Ginabi ka na sa pamimili 'Ye ah.Ang dami mong sigurong

pinamili," bungad ng Tatay Carding niya sa kanya pagkababa niya sa kotse.

Kasunod niya sa pagbaba si Jaejoong sa kotse. Bahagyang yumukod ito pagkakita kay Tatay Carding bilang paggalang.

"Pati boypren nakabili ka rin ah," nanunuksong dugtong pa ng matanda ngunit mataman nitong tinititigan ang kasama niyang lalaki.

Nagmano siya sa kanyang Tata.

"Tay si Mr. Kim Jaejoong, nadisgrasya ko po," pakilala niya sa lalaki.

Gulat na gulat ang matanda sa sinabi niya. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa ang binata. Parang nagpakilala lang siya ng kaibigan ang dating ng tono ng dalaga. Parang di kapanipaniwala.

"Nagbibiro ka ba Ye?Kaya ba ito may mga benda?"

"Mahaba pong kuwento 'tay. Sa loob ko na po ipapaliwanag. Pakipasok na lang po yung mga pinamili ko," parang tumakbo sa fun run ang pakiramdam ni Yeye.

Kahit gulantang pa rin ay sinunod ni Tay Carding ang sinabi ng dalaga. Hinarap ng matanda ang 'buhay' na bagaheng dala niya.

"Anneonghaseyo! I'm Kim Jaejoong sir," nakangiting pakilala ng binata sa matanda habang inaabot ang kamay niyang di nakabenda kay Tatay Carding sabay bahagyang pagyuko katulad ng ginawa niya kanina.

"Imported pa pala itong bitbit mo Yeye. Mukha namang mabait. Akalain mo tinatanong agad kung ano daw ang akin," nakatawang sabi ni Tatay Carding.

Muntik ng humagalpak ng tawa si Yeye sa sinabi ng tata niya.

"Hindi tay. Greetings po yun sa kanila sa Korea. Anneonghaseyo!" paggaya niya sa ginawa ni Jaejoong kanina.

Napakamot ng ulo ang matanda habang nangingiti. Akala niya tinatanong ng binata kung ano ang kanya.Hahaha.

"O siya pumasok na kayong dalawa ni Mr. Kim para masimulan mo na ang pagpapaliwanag, ikaw na bata ka oo," pagpapasok sa kanila ni Tatay Carding.

Iginiya niya ang binata papasok sa kanyang bahay. Medyo nakaalalay siya rito baka kasi bigla itong mahilo sa paglalakad as side effect sa pagkakauntog nito.

Nasa bandang kaliwang siya nito na tulad ng isang attentive na nurse na nakaalalay sa kanyang pasyente. Kaya ba niyang buhatin ito kung sakaling mahilo nga ito? Parang singtigas pa naman ng adobe ang muscles ng binata.

Pagkapasok ay pinaupo niya muna ito sa sofa. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng makakain at maiinom.

At para na rin ipaalam sa Nana Meding niya na may 'bisita' siya.

Inilibot ni Jaejoong ang paningin sa kabuuan ng sala. Hindi ito kalakihan ngunit nagmukhang napakaluwag dahil sa pagkakaayos ng mga gamit. Light colors ang motiff ng sala. Moss green ang kulay ng sofa at ang kurtina ay mint green. Bumagay ang kulay sa plain white na kulay ng pader.

Parang extension ng farm ang kabuuan nito. Mas tamang sabihin para siyang nasa green house. Very relaxing ang ambience ng sala and he really liked it. Close to nature.

"Where are her parents?" he asked himself. Akala nya kanina ay 'appa' na ni Yeye ang sumalubong sa kanila pagkababa sa kotse.

Kahit di niya naiintindihan ang mga sinabi ng tinatawag na tatay Carding ng dalaga, dama niya na mabuti at masayahing tao ito.

Bumalik si Yeye sa sala na may bitbit na pitsel ng juice kasama ang isang matandang babae na bitbit ang isang tray na freshly baked breads. Sa tantiya niya ay matanda lang ito ng kaunti sa kanyang 'omma.'

Runaway JaejoongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon