Runaway Jaejoong (CHAPTER 10-12)

82 3 0
                                    

CHAPTER 10

It's almost a week since their first encounter but Jaejoong felt like he's been in Yeye's place for a long time.

Anim na araw pa lang siyang tumitigil sa bahay ng dalaga. Pero pakiramdam niya,matagal niya ng kakilala ang mga ito.

Parang tunay na nanay na ang turing niya kay Nana Meding. Napakamaalalahanin at maalaga kasi ng matanda at hindi iba ang turing nito sa kanya.

Kung paano nito asikasuhin si Yeye ay ganoong din ito sa kanya.At mukhang higit pa. To think that he is a gatecrasher in their house.

Naikuwento ng matandang dalaga sa kanya na kung binigyan daw ito ng pagkakataon na magkapamilya,ang nais nitong maging panganay ay lalaki. Maybe perhaps in some way,he fullfilled his 'ahjumma's dream. Kaya ganoon na lang kung asikasuhin siya nito.

They already talked a lot,even personal matters during their 'afternoon siesta'. Lalo na pag nasa kusina si Nanay Meding.

Pero hindi pa talaga niya naikukuwento lahat. Maliban sa alam na ng mga ito na isa siyang musikero at miyembro ng isang banda,ay wala ng alam ang mga ito sa kanya.

Sasabihin din niya ang totoo in time. Baka magulat ng sobra ang mga ito. Ngunit naibahagi na din niya kay Nana Meding ang ilang totoong kuwento ng pamilya niya.

Parang nakatagpo naman siya ng big brother kay Tatay Carding. He thinks his 'ahjussi' is as cool as his other younger fellows.

Para silang magbarkada. Kahit hirap itong mag-ingles ay nagbibigay ito ng effort na kausapin siya.

Laging puno ng halakhakan ang kanilang hapunan dahil kay Tatay Carding.Innate ang talent nito na magpatawa at magpasaya ng tao.

Sa tingin niya,nawawala ang pagod ng dalaga kapag natikman na ang iniluto ni Nana Meding at matawa sa mga banat ni Tatay Carding.

Sa loob ng anim na araw ay naging habit na ni Jaejoong na hintayin ang pagdating ng dalaga galing sa unibersidad para sabay silang maghapunan.

Kahit madalas ay past seven na dumarating ang dalaga ay hinihintay niya pa rin. Kahit pinauuna na siya ng mga matatanda sa pagkain,mas gusto niyang maghintay para makasabay si Yeye.

Maybe he's only returning the favor. Tuwing umaga kasi ay sinisikap ng dalaga na magkasabay sila ng agahan.

Kahit umaga pa lang ay marami na itong obligasyon,hinihintay siya ng dalaga na magising para magkasabay sila.

He usually woke up 6:30 in the morning simula ng tumira siya dito. Very contrary sa gising niya before as 'Kim Jaejoong the hallyu star.' Bago sa kanya ang ganitong experience. Yung well rested at rejuvenated ang pakiramdam sa umaga. Walang iniintinding schedule for the day.

Pagkagising niya ay naghahanda na si Nana Meding ng mesa habang ang dalaga naman ay naghahanda naman para pumasok.

Nalaman niya kay Nana Meding na maaga kung magising si Yeye sa umaga. Ito kasi ang personal na nagbibigay ng bitamina sa mga alaga nito sa farm mula sa baka hanggang sa manok. Six pa lang daw ay nakagayak na ito sa pagpasok dahil aasikasuhin muna nito ang trabahong opisina ng farm.

But since andito siya ngayon,medyo na-disrupt ang routine ng dalaga.

So itong effort niya sa paghihintay sa hapunan is the least he can do for Yeye in exchange.

Bukod sa gusto niyang makita at marinig ang mga kuwento nito.

Animated kasing magkuwento ang dalaga. Para kang nanonood ng dramatic monologue.

"Naku 'nay 'tay,muntik na naman akong mapaaway sa school kanina. Laitin ba naman ang line of career na pinili ko. Bakit veterinary daw ang pinili ko eh mga hayop lang naman daw ang aalagaan ko?" inis na inis na kuwento ni Yeye kagabi pagkauwi nito. Nagbuhos ito ng sama ng loob habang kumakain sila.

Runaway JaejoongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon