CHAPTER 25
" Nay,'tay!" Tawag ni Yeye sa dalawang matanda pagkababa niya sa hagdan.
Natagpuan niya si Nana Meding na nasa lababo habang nagsasalok ng tubig sa mga baldeng nasa tabi nito. May tatlong balde pa ang nakahilera rin at wala pang laman.
" Ano po bang nangyari?Naputulan po ba tayo ng tubig? Bayad naman tayo ngayong buwan," nagtatakang sabi niya.
" Pinaaayos ng Tatay Carding mo ang linya ng tubig para sa irigasyon at pinalalagyan niya rin ang mini greenhouse mo para di ka na daw mahirapan sa pagkuha ng tubig."
" Bakit kailangan pa pong patayin pati ang linya rito sa bahay? Wala tuloy tayong magamit."
" Eh sabi nung gagawa ng tubig kailangan daw para mabilis nilang magawa ang pagkakabit ng bagong linya. Saka para raw maiwasan na masira itong linya papunta dito sa bahay." Walang anuman na pinagpatuloy lang ni Nana Meding ang paghahanda sa lulutuin nito.
" Kanina pa po ba sila nagsimula? Aalis po kasi ako. Hindi pa 'ko nakakaligo at walang tubig sa banyo ng kuwarto ko."
" Ganun ba? Dito ka na lang maligo sa ibaba at nang maipag-igib ka ng tubig."
Oo nga pala. Sino ang nag-iigib ng tubig ngayon dito sa bahay?
Tiningnan niya ang mga balde sa tabi ng nana niya. Sino ang nagpupuno ng mga ito?
Nasagot ang tanong niya nang pumasok si Jaejoong mula sa pinto sa likod ng kusina, bitbit ang dalawang container na puno ng tubig.
Dire-dirteso ito sa mga baldeng wala pang laman sa tabi ng nana niya at isinalin ang laman ng container sa isa sa mga balde.
Nakamaang lang siya sa binata habang kumikilos ito. Hindi rin nito pansin na naroon siya.
Kung hindi lang nai-set ni Yeye ang isip simula ng mag-usap sila ni Trisha, malamang hindi niya mapipigilan ang sarili na masdan si Jaejoong ng buong paghanga.
Nakakahalina naman talaga ang nakikita niya ngayon.
Pawisang nagsasalin ng tubig si Jaejoong at bakat sa puting sando nito ang matipunong dibdib.
Parang na-magnet ang tingin niya sa mga braso nito na naka-tense dahil sa pagbubuhat at pagsasalin. Tumutulo ang pawis nito mula sa noo pababa.
Yummy!! Yun sigurado ang maririnig niya kay Trisha kung nakikita lang nito ang nasa harap niya ngayon. Plus may kagat-labi pa yun for sure.
Eh ikaw?Yun din naman description mo for sure. Yummy talaga siya 'noh? singit ng makulit na munting tinig na yun sa kanyang isip.
Bahagyang umiling-iling si Yeye. Medyo hindi niya gusto ang tinatakbo ng isip niya.
" Jaejoong salamat ng marami. Pasensiya na talaga sa abala anak at naging taga-igib ka ba.Maaring makisuyo ulit 'nak? Pakiigiban mo naman ng pampaligo si Yeye. Dito na lang sa banyo sa ibaba. Huli na 'to Jae pwede ba?" pakiusap ni Nana Meding sa binata.
" No problem ahjumma," sabay ngumiti ng pangclose-up smile si Jaejoong habang hinahawi nito basang buhok nito pataas.
Muntik ng malalag si Yeye sa kinauupuan dahil sa nakita niya. Kung hindi lang niya alam na totoong pawisan si Jaejoong dahil sa pag-iigib, iisipin niyang nagpopose ito para sa isang men's magazine.
Ano 'te?Kaya mo pa bang i-resist ang charm niya? Go'rah ka pa rin sa oplan: avoid Jaejoong? pang-aasar ng isip niya.
" Heh! Tumigil ka nga!" wala sa sarili niyang naibulalas.
Napalingon ang dalawa sa kanya. Biglang gumuhit na naman ang killer smile ni Jaejoong pagkatingin sa kanya.
Iniiwas niya kaagad ang tingin rito.
BINABASA MO ANG
Runaway Jaejoong
FanfictionThis is a fan fiction inspired by Kim Jaejoong (of DBSK, JYJ). A mixture of comedy and romance which will give every fan girl a chance to dream how does it feel like to be loved by Kim Jaejoong. That love knows no boundaries. Even he is from Korea...