Kiss 1 - Ms. Nerd

2.1K 75 10
                                    

K.

Ang gwapo niya, ang tangkad, ang tangos ng ilong. Who is this? Hindi ko maaninag ang mukha niya. Ewan ko kung nasaan ako ngayon. Parang....... parang nasa garden ako kasi ang daming bulaklak sa paligid.








At napansin ko rin na naka-gown ako. Ang ganda ng suot ko ngayon. At yung lalaki? Ang gwapo niya talaga sa suot niya. No, let me correct that, mas gumwapo siya sa suot niyang tuxedo ngayon. His jawline, his deep eyes and that crooked smile. Damn that smile. Men in suits really do give an impression.








Unti-unti siyang lumalapit. Hanggang sa isang metro na lang ang layo niya sa akin.







"You look too lovely tonight, Ms. Nerd." wika niya sa isang baritonong boses




Hindi ko alam ang sasabihin ko. Aaminin ko, kinilig ako. Iba ang dating sakin ng bawat bigkas niya ng salita. Hindi ako sanay na pinupuri at may nakakapansin sa akin. Hindi ko alam kung may dapat ba akong isagot sa sinabi niya. Hindi naman tanong yun diba? Ano ba ang pakay niya? Oo, hindi ko maipagkakailang gwapo nga siya. He's got the looks, and that manly figure.





Sa kakaisip ko, hindi ko namalayang mas lumapit pa siya sa akin at ramdam ko na ang bawat hininga niya. Damn, peppermint. He's staring at me. Completely staring at me with his deep set eyes. 







Is he going to kiss me?

Is this going to be my first kiss?

Will he be worth it?




Di ko na namalayan na nagsimula nang lumiwanag ang aking paningin at unti-unti ko nang naririnig ang maingay na tinig ng babaeng nasa tabi ko lang pala.





"Risa!" nakakabinging pukaw ni Johanna ang sumalubong sakin. "Gumising ka na! First day na first day, hindi ka parin maaga nagising. This will be our last year in college! Nako naman oh!" 



"5 minutes bes. Ang ganda ng panaginip ko." at sinubsob ko ang mukha ko sa unan.





"Iba ka rin eh noh?, mas inaalala mo pa yung magandang panaginip mo kesa sa pasok ngayon. Hay nako." di ko na mapigilang ngumisi sa kakadaldal nitong bestfriend ko. Bumangon na ako at sumandal sa headboard.


"Ang ganda na kasi, andun na sana eh. Ayun na yun eh, Kahit panaginip yun, kikiligin ako." dagdag ko pa.





"Naman oh, nagda-drama pa. Tandaan mo, bestfriend mo 'ko. Ginigising nga kita kasi ayaw kitang ma-late. At ikaw pa ang tinatamad bumangon diyan? Sino ba ang tinaguriang nerd daw sa ating dalawa?"





A Nerd's First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon