Kiss 3 - Meeting them.

1.2K 49 10
                                    

D.

Pagkatapos kong lumipat sa upuan na katabi ni Ms. Nerd, nagpatuloy na si Ma'm sa paga-announce ng seat plan namin.



Gusto ko sanang kausapin 'tong nerd na 'to pero parang ayaw ata akong maka-usap. Ayun, nagbabasa lang ng libro. Tsk'2, nerd talaga. Nako. Mahirap 'tong pakisamahan.





Pero bakit ko naman siya iniisip? Anong pake ko? Haynako.





"... And beside Mr. Montefalco, Ms. San Jose."







Aisst. Siya yung katabi ko?! Tss. At magka-klase pala kami? Di ko ata namalayan. Mang-iinis na naman ata 'tong flirt na 'to. Maganda sana, pero flirt.







Di ko type yang mga yan. Mas iisipin ko na lang na mag-aral ng mabuti kesa maging gf yung ganyang klaseng mga babae. Hay. Buti pa si Ms. Nerd..... Teka?! Anong iniisip ko? Si Ms. Nerd? Tsk'2.

Nako naman oh! >.<







"Oh, Dylan. Nice meeting you, again. How coincidental, we're classmates pala? Plus, seatmates pa tayo. Ano 'to, MTB?" Ok. Nagsisimula na siya. Tss. Ayokong kausapin 'to tas nakakairita rin yung pagE-English niya. Pasosyal.





"Hey Dylan, why aren't you talking to me?!" Tss. Seriously, nakakarindi na yung boses niya.





"PWEDE BA?!"





"MR. MONTEFALCO! LOWER DOWN YOUR VOICE!" Nako naman oh. Itong babeng 'to, pahamak!





"Sorry po Ma'm" sabi ko nang mahinahon.





"I was just trying to talk to you, then sisigawan mo ako like that?" bulong na naman nitong babaeng 'to.



"E sa ayokong makipag-usap eh. Pwede ba, Julia?"

"Fine. And it's not Julia, it's Julie. Julie Ann." Tss. Anong pake ko?



Hindi ko nalang siya pinansin at lumingon ako kay Ms. Nerd.





Hindi na siya nagbabasa, may sinusulat siya sa notebook niya. Ano kaya yun? Hay. Pansinin ko kaya 'to.





"*ehem* Hi Nerd!"





"..."



Hindi ako pinansin?





"Nerd, anong pangalan mo?"

"..."





Nagsusulat pa rin siya. -_-

Hindi niya ko pinansin. Kaya lumapit ako sa kanya.







"Ano yan?" titingnan ko sana kung ano yung sinusulat niya pero bigla niyang iniwas sa'kin sabay death glare. Tingnan mo, ayaw pa daw akong pansinin. Well, parang hindi naman talaga ako pinapansin nito kasi hindi pa rin siya nagsasalita.

Pipi ba 'to? Haynako. Nerd talaga...



"Titingnan ko lang sana eh. Patingin nga..." hahablotin ko sana yung notebook niya pero,

A Nerd's First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon