Kiss 2 - The Thief

1.4K 65 14
                                    

D.





"Sige po, manong Guard. Male-late na po ako. Kwentuhan tayo ulit soon."





"Geh iho, ang bait mo. Hindi ka nag-aalinlangan na makiusap sa'kin. Di ka kagaya nung ibang estudyante dito na ang sama ng ugali kahit first day pa ngayon."





"Haha. Ganun talaga yung mga iba, mga walang respeto. Sige po, alis na ako."





Nag-smile na lang sa'kin si manong at umalis na rin ako. Ako pala si Dylan Montefalco. Oo, gwapo ako, matangkad, lahat na. Pero hindi ako kagaya nung mga nakilala niyo sa ibang stories na heartthrob tsaka mayabang. Simple lang ako. Aamin ko, I know I have the looks pero hindi ko yan pinagmamayabang. Lovelife? Nagka-crush na ako, ilang beses na. Pero hanggang dun lang iyon. I never had a girlfriend. Oy oy oy, hindi ako bakla ha. Sadyang hindi lang ako basta-basta na nakikipag-commit sa mga babae. Hindi ako playboy. Period. Case closed.





Transferee pala ako dito sa school na 'to, Buenavista University. Hindi ako dito nag-highschool. Sa states ko tinapos ang HS ko after an incident. Tsaka madali rin naman ako nakapasok dito eh, kaibigan daw kasi ni Mama yung may-ari. Ewan ko kung sino. Di ko pa nakikita eh. Hindi ako sumasama kay Mama kapag nagkikita sila.





Tinignan ko ang first schedule ko, ang layo ng room. Kaya't nagmamadali ako papunta sa room namin. Wag kayo, may utak rin ako. Hindi lang ako gwapo, matalino rin. Teka, mayabang naba? Sorry. Hahaha. Pero pagdating sa Math, ang bobo ko. Hahaha. Ewan ko bakit. Hindi ko lang trip yung mga numero na iyan.





Sa paglalakad-takbo ko, hindi ko namalayang may nakabungguan akong babae.





"Ouch! Mag-ingat ka nga. Tignan mo tuloy, nadumihan yung damit ko! Arghh! >,<"





Tss, ang arte naman nitong babaeng 'to. Hindi ko nakikita yung mukha niya dahil nakayuko siya at pinupulot yung mga books niya. Syempre, tinulungan ko na rin siya. Mabait pa rin ako kahit ang arte niya. Tss.





Unti-unti siyang humarap sa'kin. Maganda siya, matangkad, pero hindi ko type 'yan. Tsaka mukha ring spoiled brat kung titingnan. Napansin kong natameme siya sa'kin at nawala yung inis niya sa mukha. Ganun ba talaga ako kagwapo? Hahaha.





"Miss? Ok ka lang? Uhm. Miss?" sabi ko sabay snap sa tapat ng mukha niya. Natauhan na rin siya nung ginawa ko yun.





"Huh? Ahh. Uhmm. Hi."





"Sorry pala, di kita napansin kanina."





"No, it's ok. Natarayan nga kita kanina. Nabigla lang kasi ako. BTW, I'm Julie Anne San Jose but you can call me Japs. And you?"





"Dylan." sabi ko. Oo, yun lang. Medyo naiinis na rin ako. Nagmamadali na kasi ako tas etong babaeng 'to, mukhang gusto pang makipag-flirt. Tss. Hindi ko type 'to. Binigay ko na sa kanya yung mga libro niya. Hindi ko na rin napigilan at tumakbo nako, for sure, late na talaga ako nito. Narinig ko pa siyang tinatawag ako. Tss. Hindi ko na lang pinansin. Ang ayoko sa mga babae, yung nagiging sobrang friendly na sila at nagmumukhang flirt.





Eto na yata yung room ko, yun yung nakalagay sa sched ko eh. Pumasok na ako sa room. Wew! Hindi ako late! Yes. Hayy salamat. Umupo na ako sa upuan na nasa front row. Takte! Yun na lang yung natira. Ayoko pa naman sa harapan kasi masyadong malapit eh. Mas gusto ko sa gitnang row o kahit saan, wag lang sa harapan. Naman oh, pag sinuswerte ka naman. Di bale, hindi pa naman ito ang arrangement naming. Panigurado, hindi ako dito. HAHAHA.





Dumating na rin yung guro namin. Babae. Ayos! Mukhang hindi strikto. Ginawa na naming yung the usual na ginagawa kapag first day; Introducing the R&R, GTK, etc. At nung GTK na, dun na ako nakinig. Gusto ko rin kasi makilala yung mga classmates ko, syempre. Transferee kaya ako dito.





Napansin ko na turn na ng isang babae. Nerd siya, wala naman siyang braces. Nerdy glasses lang yung meron siya. Straight yung buhok niya, morena ... Ayy teka--- ba't naman yun ang pinapansin ko. Tss.





"I'm Karissa Manuel." Yun lang ang sinabi niya at umupo na siya. Tsk'2. As usual, nerd nga kaya mahiyain. Siguro dati palang, dito siya nag-aaral. Mukhang kilala na siya eh. I mean, nobody cares to listen to her. Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig hanggang namalayan ko na turn ko na. Tumayo na 'ko.







"Tignan mo girl, ang gwapo oh."



"Oo nga, ang gwapooooooo"



"Transferee ata siya, ngayon ko lang nakita eh."





"Shems! Ang gwapo niya talaga!"





K. The usual bulungan na naririnig ko kahit sa past school ko. Ganun naman talaga eh.





"I'm Dylan Ford Montefalco. I finished highschool in States. You can call me Dylan." At umupo na ulit ako. Nagbubulungan ulit sila pero hindi ko na pinakinggan. Bakit pa? Pinag-uusap lang naman nila lagi yung 'kagwapuhan' ko DAW.





Nagpatuloy lang ako sa pakikinig hanggang natapos na yung GTK namin. Kapagod, pero ok lang, half-day lang naman ngayon eh kasi first day pa.





"Ok. Now you know one another. I will re-arrange your seating arrangement." sabi ng adviser namin. Hayy, sana hindi na ako dito sa harapan *crossfingers*



















"Now, on the 2nd row. Mr. Gil, dun ka umupo." sabi ng guro namin sabay turo dun sa isang upuan. "and Ms. Schnittka, sit beside him." Si Johanna pala tsaka si Earl yung tinawag, Si Johanna lang ata yung ka-close ni Ms. Nerd. Ewan ko.





"...And Ms. Manuel, sit beside Ms. Schnittka." Medyo lumiwanag yung mukha ni Ms. Nerd nung narinig niya yun. Magtataka pa ba ako? Syempre kasi si Johanna lang yung ka-close niya dito. Hahaha. Nerd talaga. Tsk'2. Teka --- ba't ko ba pinagtutuunan ng pansin yung Nerd na yun? Paki ko ba?





"And Mr. Montefalco, beside Ms. Manuel." Ayos! Hindi na talaga ako sa harap. W-wait... teka? Katabi ko si Ms. Nerd. Tsk'2.







This is going to be fun.

A Nerd's First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon