Kiss 4.2 - A look-back of the past.

523 20 12
                                    

D.

"You must take these special tests kasi you're absent for a week since the first day of classes. Konti lang 'to kasi kakasimula palang ng topics ng bawat subjects kaya no need to worry. Besides, these are lessons you've taken last year. Stock knowledge lang yung kailangan. Go to the library. Dun ka mag-take." sabi ni Ms. Madrigal. Dami pang daldal. Pwede naman sabihin na sa library ako magte-take.





Tumango nalang ako tsaka lumabas at naglakad. Dala-dala ko ang mga sasagutan kong sheets. Nung nakarating na ako sa library. Dun ako umupo sa may sulok para wala talagang makasagabal sa akin. Hahaha.



After an hour...



"Uhm. Excuse me..."



Napaangat ako sa ulo ko nung may kumalabit sakin. Isang magandang babae, sosyalin, tsaka halatang anak-mayaman. Well, anak-mayaman rin naman ako.



"Hhmm?"

"May I sit? I promise I won't bother you. Magbabasa lang ako."


Siya? Magbabasa? Imposible. Unang tingin mo sa kanya, iisipin mo talaga na ang tanging hilig lang niya ay magpa-ganda. Pero di ko pwedeng sabihin kasi baka mainsulto siya or something.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagsagot sa testpapers ko. Madali lang naman. Pero what? Ba't may Mathematics? Ugh. Bobo ako dito eh. Pa'no na 'to? Sht. Trigo pa.

"Excuse me, are you okay?" biglang tanong sakin ng babae.



"Uhh yeah..." Kahit hindi naman.



Tumingin siya sa sinasagutan ko. "Are you taking a special exam? You were absent?" Tumango lang ako.

"Is that Trigo? Nahihirapan ka dyan? I can help you with that."



"Medyo pero okay lang. Kaya ko 'to." Tumawa ako ng mahina



She laughed, "Really? I noticed na kanina pa nakakunot yang noo mo while you're looking at your paper. You know, wag kang mahiya sakin. I'll help you."



Wala na akong nagawa kaya tinulungan niya na ako. Hindi naman niya sinagutan yung papers ko pero parang tinuturuan lang niya ako while I'm answering it.





After a few minutes, natapos na kami. Nasagutan ko lahat. Thanks to her.



"There, tapos na. Madali lang naman eh. Don't think na hindi mo kakayanin. After all, Math is the easiest subject. You just have to play with numbers." ngumiti siya sakin. Ang ganda niya talaga.



"Maraming salamat ah? Kung hindi dahil sa'yo, di pa ako natatapos hanggang ngayon. Pahamak kasi 'to eh. Pinanganak naman kasi akong bobo sa Math." napakamot ako ng ulo

"You're cute" she giggled. "Pag-aralan mo lang kasi ng maigi, baka in any time, matuto ka agad. You're intelligent. I can see it. By the way, what's your name?"



"Dylan Ford Montefalco." sabi ko sabay abot ng kamay ko. She reached out my hand and said her name.



"Sige. Alis na ako ah? Nice meeting you." sabi niya at umalis na.



She's really something.

A Nerd's First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon