Asha's P.O.V.
"Awooooo!"
"Waaaa! Multo!!!!"
OmyG! Nakakatakot, dapat di na talaga ako sumama kila Jane dito sa Horror train nato!
"Jane! Ayoko na! Labas na tayo dito!" Sigaw ko kay Jane sa sobrang takot.
"Hay nako! Asha masyado kang matatakutin! Tao din sila na nakacostume ng multo. Hahaha!" ABA! Tawanan ba naman ako ng bruha. Nakakainis na talaga tong babaeng to!
"Eeehh! Kahit na! Natatakot parin ako. Labas na tayo!" Di ko na talaga makakayanang magstay pa dito ng isang minuto pa.
"Baliw ka ba? Kita mong umaandar pa yung train. Di ka pwedeng bumaba dito. Antayin mo nalang matapos." Sabi ni Jane. Tsk! Mamamatay nako dito sa sobrang takot.
"Ayoko!! Basta aalis nako dito" Akmang bababa nako ng biglang may nang gulat sakin sa may pinto ng train.
"WAAAAAAA!!!" Sigaw ko sa sobrang gulat. Pinagtatadyakan ko yung multong nang gulat sakin. Susuntukin ko na sana siya kaso hinila ako nila Jane. Napaupo tuloy ako sa sahig.
"Asha! Tama na!" Sigaw sakin ni Jane. Halatang nagulat sila sa ginawa ko. Eeh bakit ba?? Nagulat ako eh!
"Dapat lang sa kanya yan! Tsss." Sigaw ko din. Bumaba nako ng train nayun. Sakto tapos na yung pag andar. Sumunod naman sila sakin. Nakakainis talaga!
"Asha! Wait nga!" Sigaw ni Jane. Pansin ko lang sigaw siya ng sigaw ngayon.
Tumigil muna ko at humarap sa kanya. Nakita ko siyang tumatakbo habang nasa likod naman niya sina Drixx at Keane.
"Ano?? Tsaka bakit ba sigaw ka ng sigaw?? Kanina ka pa ha." Tanong ko kay Jane. Hingal na hingal siyang tumigil sa harap ko.
"Bingi ka kasi. Kanina pa kita tinatawag. Ang bilis mo pang maglakad." Sabi niya habang nakakunot ang noo.
Mabilis ba kong maglakad?? Parang wala pa nga sa isang metro yung nalalakad ko.
"Mabilis ka dyan. Di pa ko nangangalahati sa paglalakad eh. Sabihin mo di mo lang ako naabutan kasi maliit yang biyas mo." Asar ko sa kanya. Maliit kasi si Jane. Mas matangkad ako sa kanya. 5'2 ako, siya nasa 4'8 lang hahaha!
"Ang yabang mo ha! Porket mas matangkad ka sakin. Atleast di ako matatakutin gaya mo." Sabi niya sabay dila sakin.
"Ang tangkad mong tao pero matatakutin ka" Dagdag niya.
Eh kasalanan ko bang pinanganak akong ganto? Inborn na kasi yung pagiging matatakutin ko.
Matapos ang mahaba haba naming pagtatalo ni Jane, we decided to eat in a restaurant malapit sa arcade kanina.
Pagtapos namin kumain, naglibot-libot muna kami sa mall ng may makabangga akong matangkad na tao. Mas matangkad sakin.
"Oww...Sorry" Sabi ko sa kanya ng nakatungo. Pag angat ko ng mukha ko. Nakita ko siya na seryoso lang at nakatingin sakin.
"Sa susunod kasi titingin ka sa dinadaanan mo para di ka nakakabangga." Sabi niya pero seryoso parin. Poker face lang siya.
Magsasalita pa sana ko kaso bigla siyang umalis.
After that incident, umuwi na kaming apat. Nakakapagod din yung mga nangyare ngayong araw. Lalo na yung sa horror train. Di na talaga ako babalik dun. Halos mamatay nako sa takot kanina.
Pagdating ko sa bahay nagpaalam nako kila Jane. Hinatid lang nila ko kasi di ko dala yung kotse ko. Kaya kotse ni Drixx yung ginamit namin.
Pagpasok ko naabutan ko sila mama na nanonood ng movie kasama sila papa at kuya. Mahilig silang manood ng movie lalo na si papa. Nagmano nako kila mama at papa at nagpaalam na aakyat na ko sa room ko. Tinanong pa ko ni mama kung kumain na ko sabi ko oo.

BINABASA MO ANG
Afraid To Lose You (gxg)
De TodoSi Asha ay matatakutin sa multo. Kapag nadadaan siya sa madilim, iniisip niya agad na may multo. Si Jam naman ay matapang na tao. Wala siyang kinatatakutan maski alien pa ata. Pano kapag nagkrus ang landas nilang dalawa? Isang matatakutin at matap...