Chapter 3

18 2 0
                                    

Jam's P.O.V.

"Jam! Tara na warm-up na tayo"

Nandito kami ngayon sa Sports Arena, may tune-up game kami against RHS FC. Sabi ni coach itetest niya daw ako kung kaya ko na daw lumaban sa ibang teams, so sinama niya ko sa first 11 players na lalaban. 11 aside yung game namin ngayon. Ako ang ginawa nilang forward or in other word, ako ang striker.

"Sige susunod nako." Sigaw ko kay Kim.

Ilang minutes nalang magstart na ang game kaya pinag warm-up na kami ni coach. Girls muna ang maglalaban, mamaya pa ang boys.

First time kong makakalaban ang RHS FC Girls. Sabi nila Majoy ang pinakamagaling daw sa kanila ay si Pau. Malakas daw sumipa si Pau kaya sorry ka nalang kapag natamaan ka ng bola na sinipa niya.

"Girls! Go to your respective position. The game will start in a bit." Sabi ni coach samin. Sakto kakatapos lang ng warm-up namin at stretching.

Gaya ng sabi ni coach, pumunta na kami sa mga positions namin. Nakapwesto na din ang RHS FC Girls. Nakita ko na si Pau, infairness maganda siya. Siya din ang striker ng team nila. Katabi naman niya si Glynnes, isa din sa pinakamagaling sa kanila. Member daw siya ng Philippine Team. Sa kanan naman ni Pau ay si Val, ang pinakabata pero isa din sa magaling.

Kung titignan mo silang tatlo, para silang mga lalaki kung tumindig pero babae ang pagmumukha. Magaganda sila lalo na si Pau.

Natigil ako sa pagmamasid sa tatlo nung pumito ang referee. It means start na ng game.

Samin ang bola-

Sinipa ni Majoy sakin yung bola at karipas ako ng takbo. Hinarangan ako ni Pau pero di ako natinag sa pagharang niya. Nakita ko si Asha sa kanan ko na nag aabang kaya ipinasa ko sa kanya. Pagpasa ko, tumakbo agad ako papuntang goal. Pinasa ni Asha kay Majoy yung bola at sinipa ni Majoy ng malakas papunta sakin. Pagdating sakin, agad kong sinipa papunta sa goal yung bola and-

"GOAL!!"

Yes Baby! Goal!!

"Wooo!! Ang galing mo talaga Jam!" Sigaw ni Jozelle na patalon talon pa.

Hahaha! Nakakatawa sila. Tuwang tuwa dahil nakagoal ako.

"Di ko yun magogoal kung hindi maganda yung pasa sakin ni Majoy. Kaya Majoy salamat!" Sabi ko kay Majoy sabay yakap.

"Nako! Kahit na! Magaling ka parin. Ang ganda ng tandem niyong dalawa!" Si Nina sabay akbay samin ni Majoy.

Natawa nalang kami ni Majoy sakanila.

Nagstart na ulit ang game pero this time nakascore si Pau. Pero di kami magpapatalo. Na kay Asha ang bola tapos pinasa niya sakin ng palobo. Chance ko na yun para magawa ko na yung 'Bicycle Kick' na pinapractice ko dati pa.

Tumambling ako sabay sipa sa bola tapos-

"GOAL!!"

Goal nanaman!! Wooot! Wooot!

Napapasayaw ako sa sobrang saya hahaha!!

Pumito na yung referee. Ibig sabihin time na at tapos na ang laban.

Panalo kami!! 2-1 !!

"Panalo tayo Guyss!!" Sigaw ni Kim.

"Ang galing talaga ni Jam. Biruin mo nakaya niyang gawin yung Bicycle kick. Sa TV ko lang napapanood yun eh." Si Jozelle na manghang mangha sa ginawa ko.

Hahaha! Nakakatawa talaga tong si Jozelle.

"Sobrang papuri na yan Guys! Nahihiya nako Hahaha! Lahat naman tayo magaling eh. Di ko magagawa yung goals na yun kung di niyo ko sinuportahan." Pag explain ko.

Afraid To Lose You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon