Asha's P.O.V.
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung nagpunta kami ng sports arena. Naalala ko din yung nilibre ako ni Jam ng ice cream. Mabait din pala yung asungot na yun. Kala ko puro kalokohan lang alam.
Sa totoo lang natutuwa ako sa kanya kasi kahit inaasar niya ko, lagi naman niya akong tinutulungan, pinapatawa at nililibre. Simula nung tinulungan niya ko nung nakulong ako sa CR, naging magaan na ang loob ko sakanya. Pero may kakaiba akong naramdaman nung nalaman kong gusto rin ni Nina si Jam. Oo, tama kayo ng nabasa. Gusto niya si Jam. Di ko nga akalaing magkakagusto si Nina sa kapwa niya babae.
**FLASHBACK**
"Guys punta tayo ng Ministop." Yaya ni Clarisse.
Nandito kami ngayon sa labas ng school. Uwian na namin at nagyayaya silang maggala muna. Anim lang kami ngayon, wala si Jam. Di namin mahagilap eh.
"Tara! Kain tayo ng ice cream." Sabi ko. Favorite ko kumain ng ice cream lalo na kapag cookies 'n cream ang flavor.
So ayun, pumunta na kami sa Ministop. Tambayan namin to minsan kapag galing kami ng training or kapag natripan lang namin tumambay.
Pagdating namin agad kaming nag agawan ng upuan. Onti lang kasi yung upuan sa isang table. May tao kasi sa kabilang table. Pero umalis din sila bigla. Kaya kinuha nanamin yung mga upuan. So ganto yung pwesto namin..
Kim-Jozelle-Nina
Ako-Majoy-Clarisse
"Ano bibilhin niyo?" Tanong ni Nina.
"Sakin ice cream lang." Sagot ko.
"Ambagan tayo! Bili tayo ng PicA tsaka Tempura." Suggestion ni Jozelle.
Nag ambagan na kami at bumili ng PicA at Tempura tapos tubig na malaki. Pagkabili, sinunggaban agad namin yung PicA. Busying busy kaming kumain nung magsalita si Kim.
"Guys bigay naman kayong topic. Ang tahimik eh, di ako sanay." Sabi niya.
"Ano naman gusto niyong pag usapan natin?" Tanong ni Clarisse.
"Kahit ano."
"Si Jam nalang. Tutal wala naman siya dito." Sabi ni Majoy.
"Osige. Okay narin yun. Oh what about Jam?" Si Jozelle.
"Anong masasabi niyo kay Jam?" Tanong ni Majoy.
Hmmm?? Ano nga ba? Makulit siya, mapang-asar, puro kalokohan alam, minsan masyadong seryoso...
Pero minsan s-sweet at maaalalahanin.
"Ako, masaya siyang kasama. Tapos idol siya, ang galing magfootball." Comment ni Kim. Sumunod naman ako.
"Ang masasabi ko sakanya, kahit mapang asar siya, makulit at magulo minsan, may tinatago parin siyang kasweetan sa katawan." Sabi ko na natatawa.
Promise natatawa ako kapag nagiging sweet si Jam. Di kasi bagay sakanya hahaha!
"Oo nga eh Hahaha. Kakaiba din yung si Jam eh." Si Jozelle.
"Isa lang masasabi ko kay Jam, ang Cool niya." Sabi ni Majoy.
Oo, tama si Majoy. Sobrang cool ni Jam. Kahit ganun ugali niya ang dami niyang talent. Magaling siyang kumanta, sumayaw, magdrawing, maggitara, lahat na. Pano ko nalaman?? Inistalk ko siya. Joke lang! Hahaha. Sinabi sakin ni Majoy. Sabi niya pa na ang hot daw sumayaw ni Jam. Tapos kapag kumanta naman, nakakainlove.
"Ako naman, nakucutan ako sa kanya kapag tumatawa siya kasi nawawala yung mata niya. Tapos gaya ng sinabi ni Kim, ang astig niyang magfootball." Sabi ni Clarisse.
BINABASA MO ANG
Afraid To Lose You (gxg)
De TodoSi Asha ay matatakutin sa multo. Kapag nadadaan siya sa madilim, iniisip niya agad na may multo. Si Jam naman ay matapang na tao. Wala siyang kinatatakutan maski alien pa ata. Pano kapag nagkrus ang landas nilang dalawa? Isang matatakutin at matap...