Asha's P.O.V.Nandito kami ngayon sa school dahil sa program. Foundation day ng school namin kaya may program and some stuffs.
And balita ko may mga magpeperform sa stage, isa na dun ang pinakamamahal kong si Jam—HAHAHA!Ang landi mo nanaman! Hmmp! Di ka naman mahal nung tao!
Mahaderang utak ka! Di kita kinakausap!
Che! Totoo naman sinasabi ko!
Wapakels! Shut up!
Patuloy parin ako sa pakikipagtalo sa mahadera kong utak ng may tumawag sakin.
"Uy Asha! Okay ka lang?" Si Kim pala. Di ko napansin na tinawag niya ko dahil sa mahadera kong utak.
"U-uh...Oo, okay lang ako."
"Sure? Para kasing nakikipagtalo ka sa sarili mo haha!"
Eh? Pansin pala niya?
"A-ah..H-hindi noh! M-may iniisip lang ako."
"At sino namang iniisip mo ha?"
Ano daw? Wala naman akong sinabi na tao ang iniisip ko ha.
"Anong sino? Eh wala naman akong sinabi na tao ang iniisip ko?"
"Tama bang sagutin ng tanong ang isang tanong?"
"Ah-eh...H-hindi! Pero kasi para kang sira! Di naman tao iniisip ko noh!"
Hindi na nga ba??
CHE!
"Okay sabi mo eh. Tara na! Hinihintay na nila tayo sa harap ng stage."
So ayun nagpunta na kami sa may harap ng stage. Nandun na nga sila Majoy, nakaupo. Wala pang tao sa stage. Siguro naghahanda palang sila sa Function room.
Maya maya pa nagsimula na yung program. Nakita ko yung grupo nila Jam na paakyat ng stage. Sila pala unang magpeperform. At eto nanaman yung puso ko na parang nakikipagkarera sa bilis. Lalo na nung humarap siya samin at ngumiti kahit hindi siya sakin nakatingin, parang tumigil yung pagtibok ng puso ko nung ngumiti siya. Ang ganda niya!!
Nagsimula na silang tumutog tas kumanta na si Jam. Kung anong ginanda niya ganun din kaganda yung boses niya. Ang sarap pakinggan.
Habang kinakanta niya yung 'Ngiti' napaisip ako. Sino kaya yung gusto ni Jam? Wala kasi akong nababalitaan na may gusto siya. Ang alam ko lang sa tuwing may dadaan or makakasalubong siyang magandang babae, nag-360 yung ulo niya dun sa babae. Sabi nga ni Majoy, babaero daw si Jam pero hindi halata sa itsura niya. Mukha siyang anghel na hindi makakagawa ng masama.
Pagkatapos nilang kantahin yung una, nagpalakpakan yung mga tao, syempre pati kami. Sunod naman nilang kinanta ay 'The Man Who Can't Be Moved', tilian nanaman yung mga tao lalo na mga babae. May narinig pa kong group of girls na nag uusap.
"Ang ganda talaga ni Jam!" - girl 1
"Sobra! Crush ko na siya!" - girl 2
"Feeling ko BI siya, naku kung BI siya may chance nako! Wiiii!" - girl 3
"Hoy! Anong chance ka dyan?? Akin si Jam!" - girl 1
"Hindi siya sayo! Akin siya!" - girl 4
"Akin lang si Jam! Siya magiging asawa ko. Tapos bubuo kami ng pamilya at kasama ko siya sa pagtanda!" - girl 2
Nakakaloka naman yung mga babaeng yun. Pinag awayan ba naman si Jam. Makapagsalita si Girl 2 kala mo naman close sila ni Jam at makapagsabi na magiging asawa niya si Jam. Eh kung batukan ko kaya siya?? Hindi ako papayag na mapunta kahit kanino si Jam noh! Akin siya!! Mga panget na yun kala mo kegaganda para agawin sakin si Jam. Over my dead body!!!
BINABASA MO ANG
Afraid To Lose You (gxg)
AlteleSi Asha ay matatakutin sa multo. Kapag nadadaan siya sa madilim, iniisip niya agad na may multo. Si Jam naman ay matapang na tao. Wala siyang kinatatakutan maski alien pa ata. Pano kapag nagkrus ang landas nilang dalawa? Isang matatakutin at matap...