Jam's P.O.V.Ano ang iyong pangalan?
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y wala
Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O kay ganda o binibini
Oh ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan at di ka papabayaan
Pagkat ikaw sakin ay Prinsesa
"Jam! Nagdadrama ka na naman dyan!" Sigaw ni Mama. Kahit kailan talaga istorbo si mama.
"Ma naman eh! Nagpapractice lang ako mag gitara. Di ako nagdadrama." Sabi ko.
"Oo na basta bumaba kana pupunta tayong mall." Sabi ni mama at umalis na.
Kahit labag sa loob ko sumunod nalang ako kay mama. Tinabi ko na yung gitara ko at naligo. Pinatuyo ko muna yung buhok ko at nagbihis na. Pagkababa ko nakaayos na sila mama at ako nalang ang inaantay.
Nagpunta kami sa mall na di kalayuan samin. Kapag nakakotse mga 30 minutes lang yung biyahe, depende kung traffic.
Nagyaya si Kyle na pumunta sa arcade. Dahil bunso sinunod siya nila mama. Ako ang panganay, dalawa lang kami ni Kyle na anak.
Naglaro lang sila Kyle ng kung ano ano kasama sila Mama. Ako nakaupo lang dito sa bench. Nanonood ng nagjujust dance. Infairness magaling sila ate. Tatlo silang nagsasayaw at di nakaligtas sa mata ko si ateng maganda Hahaha. Nakita ko siyang tumingin sakin sabay kindat. Nginitian ko lang siya.
Tama ang hinala niyo. BI ako, minsan naaattract ako sa boys pero madalas sa girls. Ayoko kasi sa mga lalaki, mga manloloko lang sila.
Busy ako sa panonood ng biglang may kumalabit sakin.
"Ate tara na daw sabi nila mama." Si Kyle pala.Nagugutom nako kaya niyaya ko sila mama sa restaurant malapit sa arcade. Habang naghahanap ng mauupuan, may nakabangga akong babae.
"Oww...Sorry" sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya pero siya nakayuko. Natatawa ako kasi obvious na nahihiya siya sakin.
Pang angat niya ng ulo niya. Bigla akong naging seryoso kunwari.
"Sa susunod kasi titingin ka sa dinadaanan mo para di ka nakakabangga." Sabi ko with serious face pa din. Natatawa nako pero pinipigilan ko lang.
Magsasalita pa sana siya pero umalis nako. Tinawag na kasi ako ni Papa, lilipat nalang daw kami ng kakainan.
Pagkatapos kumain at mamasyal, umuwi na kami kasi may pasok pa daw bukas. Pagdating ko sa kwarto nagpractice ulit ako maggitara. May program kasi sa school sa susunod na araw. Ako ang inassign na mag intermission number. Kahit labag sa loob ko pumayag nako. Di kasi ako sanay na kumakanta sa harap ng maraming tao.
Pagkatapos kong magpractice naisipan ko ng matulog. Inayos ko na yung gitara ko at nahiga. Maya maya pa ay nakatulog narin ako.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Kinabukasan-
BINABASA MO ANG
Afraid To Lose You (gxg)
De TodoSi Asha ay matatakutin sa multo. Kapag nadadaan siya sa madilim, iniisip niya agad na may multo. Si Jam naman ay matapang na tao. Wala siyang kinatatakutan maski alien pa ata. Pano kapag nagkrus ang landas nilang dalawa? Isang matatakutin at matap...