chapter 1

26 2 1
                                    

Tumunog ang alarm ni Aiya na nagpapatunay na alas 9 na ng gabi.
"oh God, grave yard na naman ako!", sabi nito sa sarili habang tinatamad na tumayo para maligo na. Pagkalabas ng banyo
"Oh my God, malalate na ako, ikaw kasi, ikaw kasi", habang tinuturo ko ang sarili sa salamin.
"Hay naku, para na akong sira, makaalis na nga!... ay teka mag gogoodbye muna ako sa aking honeypie at dream guy na si Luke.... Bye my honey Luke... mwaah...",  may malaki lang naman akong  picture ni Luke na nakadikit sa pinto sa loob ng cabinet ko. Nilagay ko dito para  walang makabuking sa akin.

"Kuyaaaaa! ihatid mo na ako... bilis kuya Aldrin"

"Oh sige bro, salamat sa tawag. Ito sumisigaw na naman, ewan ko ba nito parang bata pa rin kong kumilos... Hay sinabi mo pa bro", sabi ng kuya ko sa kausap niya sa cellphone.

Nakapameywang na akong naghihintay kay Kuya.

"Ikaw ha, kung makasigaw parang hindi babae... eh kasalanan mo naman kung malalate ka. Eh, kung gumising ka sana ng mas maa--"

"Ay kuya para ka namang si mama ang daming satsat, ihatid mo na lang kaya ako", putol ko sa sasabihin ng kuya ko.

Nakarating na kami sa pinapasukan kong Ace publishing. Isa akong team leader sa process namin bilang quality team. Kami ang taga sigurado na tama ang mga nagawang files namin bago mailabas ang products sa market.

"Hay, Yayang ang hirap naman magpark dito sa opisina niyo, punong-puno. Ganyan ba talaga kayo karami?"

"Oo naman no, Growing yata ang company namin. Dito mo nalang kasi ako ibaba at ng hindi ka na mahirapan"

"O sya, baba na", sabi ng kuya ko.
"Ay, sabi nga pala ni Luke, ano raw gusto mo kasi magpapadala siya ng package sa girlfriend niya at isasabay niya yung atin"

Natigilan ako, oh my naalala niya ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Himala kuya, naalala niya ako. Eh ikaw lang naman ang binibigyan nun", sabi ko na medyo nakasimangot raw. Pa drama effect na sabi ko na masaya naman kahit may epal na girlfriend.

"Shunga, naalala ka nun, kaya nga chocolate lang sayo", sabi ni kuya na nakangiti. Syempre aasarin na naman ako kasi alam niya na crush ko bestfriend niya. Yes, alam ni Kuya pero secret lang namin. Ayaw niya ipaalam kay Luke kasi nga raw baka masaktan lang ako pag nabasted. Close kami ni kuya kasi dalawa lang kami.

"Sige kuya, babosh!"

"Bye Luke girl!"

Pagdating ko sa cubicle ko. Andyan na sila Lolabelles, Jena, Shona, Kring2x at Marla. Sila ang mga pinakafriendship ko sa work.
"Hi, girls!... ang aga ah"

"Alam mo na, iwas muna sa memo dear", sabi ni Jena na malapit ng magbakasyon pag magka memo uli.

"Okay girls, back to work",  sabi ni Lolabelles na handa na para mag lay-out sa files niya. Habang sina Marla at Shona ay e checheck na kung tama ba ang pagkaka lay-out ng mga articles. Si Kring2 naman abala na sa pag checheck kung tama ba ang mga grammars.

Secretly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon