chapter 7

24 0 0
                                    

"Aiya, asan ka na? andito na kami sa pantalan. Bilisan mo naka pila na kami sa ticketing office", sabi ni Jenna sa cp.

"on the way na kami ni Kuya"

"Ah, siya ang naghatid sayo?",

"Hindi, sumabay siya kasi may susunduin daw siya na kleyente nila"

"ah, okay... mabuti naman at hindi nakikiapid sa lakad natin ang gong-gong na yan!... o sya, bye..."

Pagdating sa pier. Nagpaalam na ako kay papa.

"Oh, Aiya mauna na ako sayo", nagmamadaling sabi ni Kuya at umalis na nga.

"Guys!!! andito na ako", pasigaw kong sabi.

"Ay ang babaeng ito, kung makasigaw akala mo kung napaano na", sabi ni Kring2x

"Oh nasan na ang kuya mo?", pa cute na sabi ni Lolabelles.

"Umalis na kasi may kleyente yun"

"Ay sayang, akala ko pa naman sasama si Papa Aldrin ko.... hindi niya makikita ang pagka Pia na body ko na naka 2 piece", malanding sabi ni Lola.

"naku, ikaw na bakla ka, asa ka pa kahit kailan hindi ka papatulan nun no!", pabirong sabi ni Kring2x.

"Excuse me!?! sa ganda kong ito... tutulo ang laway ni Papa Aldrin....", paarteng sabi ni Lola at nagpalakad-lakad pa sa gitna na parang Ms. Universe.

"Kahit ano pang gawin mo... baog ka pa rin!", patawang sabi ni Shona....

"o sige na! kayo na...kaibigan ko nga kayo! hmmp!", pairap na sabi ni Lola.

"oy ang Lola, nagalit.... paano na ang beautiful face natin....", sabi ko kay Lola. Oo, si Lola ay isang babaeng na trap sa katawan ng lalaki... hahaha...

"Tama na yan, inaasar niyo na naman si Lolapalooza", saway na sabi ni Kuya na bigla na lang sumulpot sa likuran namin.

"Ay, Papa Aldrin ko!... buti pa si loveydo ko... bleeeh!!!", malanding sabi ni Lola na naka hawak na ngayon sa braso ng kuya ko.

"Anong ginagawa mo dito Kuya?"

"Ticket niyo pala", sabay abot sa amin ni Kuya sa ticket.

"Kinunan mo na kami????", sabay naming sabi.

"ay hindi!?!!", paasar na sabi ni Kuya.

"So libre lang?", tanong ni Shona

"Oo libre lang yan.... basta mga gwapong tao, mabait talaga", payabang na sabi ni Kuya.

"Naku, huwag kayong maniwala may kapalit yan!", pairap na sabi ni Jenna.

"Okay lang yan Jenna, ayaw mo pa nun, nakatipid tayo", masayang sabi ni Marla.

"Handa kong ibayad ang sexy kong katawan Papa Ald...", malanding sabi ni Lola.

"Tumigil ka ngang baklita ka!", natatawang sabi ni Kring.

"O, tayo na", yaya ni Kuya.

"Teka Kuya, di ba sabi mo may kleyente kang susunduin?"

"Nagbago na isip ko, yung isa ko na lang kasamahan ang pinasundo ko.... sasama na lang ako sa inyo", pangiting sabi ni Kuya.

"Ang bait talaga ni Lord!... ito na ba ang chance na ibinigay mo Lord?", sabi ni Lola

"Sira!!!", sabay naming sabi at binatukan namin si Lola....

---------------

"Mommy!!!", sigaw ni Lola. Ang parents niya mismo ang sumundo sa amin sa pier ng Larena, Siquijor.

"ang beautiful kong anak", nakatawang sabi ng Mommy ni Lola.

"Hello po Tita, Tito!", sabay naming sabi.

"mabuti naman at bumisita kayo mga iha... sino tong gwapong kasama niyo?", tanong ng mommy ni Lola.

"Ma, ang magiging son in law niyo", sabi ni Lola.

"ha???", sabi ng papa ni Lola.

"Naku, Tita si Aldrin po kapatid po ni Aiya", sabi ni Jenna.

"sos, Ginoo, abi naku ug tinuod na jud", sabi ng papa ni Lola na parang na himasmasan.

"Tayo na Papa Ald... tabi tayo sa upuan...", sabi ni Lola.

"Tssssk! ang harut talaga ng anak mo Lucia", sabi ng papa ni Lola.

"Tita, ang ganda talaga pala ng lugar niyo dito", sabi ko.

"Oo day, lalo na ang mga beaches dito", sabi ni Tita Lucia.

"Tita, ngayon lang tayo ulit nagkita", sabi ni Marla

"Oo nga, hindi na ako nakaluwas sa Dumaguete kasi busy ako sa pagpaparenovate sa bahay namin", sabi ni Tita Lucia.

"Kamusta naman ang biyahe?", tanong ni Tita sa amin.

"Okay lang po, hindi masyadong maalon", sabi ni Kring2x.

"May hinanda akong pagkain na sigurado akong magugustuhan niyo", sabi ni Tita

"Talaga Tita?", sabi ni Jenna.

"Yeheey!!!!", sabay naming sabi.

*****************************

Anneong haseyo!

Pasensya na, ngayon lang naka update kasi medyo busy sa work....

#saranghaeyo

♥♥♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon