Chapter 5

17 0 0
                                    

"Anak dumating na pala ang package ni Luke", sabi ni Mama.

"matagal na pala tong napadala ni Luke, abay mag-tatatlong buwan din bago dumating", sabi ni Papa.

"Anak, di ba friend kayo ni Luke sa computer sabihi------"

"Anong computer? Fb kamo... naku matanda ka na talaga... walang alam sa uso ngayon...." putol ni Mama kay Papa.

"Aba Inday, alam mo namang sayo lang ako updated...", pakindat na sabi ni Papa kay Mama.

"Oy, kinilig si Mama", sabi ko kay mama. Naisip ko sana makatagpo din ako ng lalaki na mamahalin ako tulad ng pagmamahal ni Papa kay Mama.

------------
Pumunta ako kina tita, sa mama ni Luke upang ibigay ang para sa kanila.

"Ay, ikaw diay na iha, dali... taud-taud naman kang wala kaduaw ah", pabisayang sabi ni yaya Lucing na para na ring nanay ko ang turing sa kanya kasi dati noong bata pa ako, tuwing dinadala ako ni Kuya Aldrin dito ay si yaya Lucing yung palagi kong kausap at kasama, may sarili kasing mundo ang dalawa. Ang ibig palang sabihin ni Yaya ay "ikaw pala yan, halika, matagal-tagal na ring hindi ka napadalaw dito"

"oo nga po yaya kasi busy sa trabaho, si tita po ba andiyan?"

"Oo, nasa hardin, kinakausap yung mga bulaklak niya. Matutuwa yun pag nakita ka... Nabanggit ka nga niya kahapon at namimiss na daw niya yung taga kain ng mga niluluto niya na cookies"

"Ayun, puntahan mo na lang iha at ikukuha kita ng maiinom", sabi ni yaya at iniwan na ako. Pinuntahan ko si Tita at tinakpan ko yung mga mata niya ng mga kamay ko mula sa likuran niya.

"Ay palaka! sino to?", sabi ni tita.

"hmmm, parang alam ko ang pabangong ito ah.... Aiya?"

"Ako nga Tita... hehehe", at inalis ko yung mga kamay ko.

"ikaw ha, nagtatampo na ako sayo, mag-iisang buwan nang hindi mo ako dinadalaw", patampong sabi ni Tita

"Hayaan mo tita, babawi ako sayo ngayon", lumiwanag ang mukha ni Tita.

"Wala akong pasok ngayon, kaya... dito ako buong maghapon", nakangiting sabi ko kay Tita Rose.

"Talaga? pwes gagawa tayo ng paborito mong ulam at magbe bake tayo ng cake kasi birthday ni Luke bukas"

"Ay oo nga no!"

Tinulungan ko si Titang magdilig sa mga halaman niya hanggang sa hindi sinasadya ni Tita ay nabasa niya ako.

"Ay, sorry iha... naku po", pag-alalang sabi ni Tita.

"Okay lang Tita kasi----", at gumanti din ako kay Tita, kaya kaming dalawa na ang basang-basa.

"ganun ha!... gantihan nato...", sabi ni Tita. Para kaming mga bata.

Hinanapan ako ni Tita ng maliit na t-shirt ni Luke. Sa wakas nakapasok din ako sa kwarto ni Luke.

"Tita baka magalit si Luke pag pinakialaman natin yung mga gamit niya", pag-aalala kong sabi.

"Okay lang yun kay Luke iha, hindi naman niya ito ginagamit at saka maraming damit naman yun. Hindi ka naman iba na sa amin iha, kayo ng pamilya mo"

"O, eto iha, isukat mo... medyo maliit pa ang katawan ni Luke nito kaya hindi masyadong maluwang sayo"

"Okay nato Tita, gusto ko rin naman yung maluwang na t-shirt"

"Aba, ito talaga si Luke, tingnan mo yung nakasulat iha", turo ni Tita sa akin.

"Shut up & LOVE me", natatawa kong binasa.

"Bagay sayo iha lalo na ang kulay"

"Halika na, mang groceries na tayo"

Bago ako lumabas ay tiningnan ko uli yung buong paligid ng room ni Luke. Ang ganda, mas malaki sa room namin ni kuya, parang singlaki na ito ng sala namin.

Nag groceries kami ni Tita ng mga kakailanganin sa paggawa ng cake.

"Hi Rose! kamusta?", sabi ng babae na lumapit kay Tita.

"Oh, hello Jane! ang tagal na nating hindi nagkita ah... kailan ka pa umuwi?", sabi ni Tita

"Noong isang buwan pa, uuwi na nga kami bukas, sayang ngayon pa tayo nagkita"

"Kamusta na si Luke? Anak mo?", naka smile na tumingin sa akin yung babae.

"Hindi at nasa Australia si Luke"

"Ah, alam ko na... daughter in law mo?, ang ganda ha"

"Sana nga", pabirong sabi ni Tita.

"O sige, alis na ako... bye"

"Classmate ko yun sa college iha at nakapag-asawa ng amerikano sa New York", paliwanag ni Tita

----------
"Manong pakihatid na lang po sa loob nung iba, salamat", sabi ko kay Mang Domeng na asawa ni Yaya Lucing.

"Ayan iha, ang ganda ng cake natin", masayang sabi ni Tita nang natapos kami.

"Wow, parang ang sarap ng kainin... hehehe"

1 layer lang ginawa namin ni Tita pero malaki. Kulay blue at white yung cake na may lettering ng name niya na kulay red. Nilagyan din namin ni Tita ng figurin ng isang lalaking nakasuot nang cap na pang konstruksyon at may hawak na blue print.

"Eh di, kainin natin"

"Ano?"

"Oo, pagkatapos nating gumawa ng video para sa kanya"

"Teka e seset ko lang yung cam"

"Tita, akala ko nagpipicture ka lang, video pala yun?"

"Hahaha, o ayan na"

Kumanta kami ni Tita ng happy birthday song para sa kanya at nag bigay ng message si Tita sa kanya. Pinilit akong mag message din ni Tita, kaya ang nasabi ko lang ay "happy birthday Lukas! gurang ka na". Humalakhak si Tita sa sinabi ko kaya sinabihan siya ni Tita na bigyan na siya ng apo.

"Bye Tita, Tito", sabi ko ng paalis na ako kinagabihan.

"Bye iha, dumalaw ka ulit"

"Sure, hayaan niyo dumadalaw naman si Eve sa inyo di ba?"

"Naku isang beses lang yun pumunta dito... kalimitan sa labas lang kami nagkikita", sabi ni Tita.

---------
"Salamat Mang Domeng, ingat sa pag-uwi", sabi ko. Pinahatid ako ni Tita sa driver nila.

Masaya akong pumasok sa room ko.

"Makapag selfie nga kasi inlove ang lola"

"Fb Status : 'I'm just happy!', okay post", nakangiti kong sabi.







******************************
hi guys! kamusta?

wala pa rin akong comment o like na natatanggap... sana naman mapansin ang story kong ito....
Sige na guys oh, comment naman dyan basta huwag niyo lang akong awayin.... hehehe
para naman maging ganado pa ako sa pagsulat. First time ko kasing gumawa ng story.

Meaning pala sa word na bisaya na ginamit ko kanina:

gurang - matanda na

#saranghaeyo

♥♥♥

Secretly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon