Chapter 3

8 0 0
                                    

"Aiya!", tawag ni Mama.

"Po?"

"Baba ka dito may bisita ka"

Nagmadali akong bumaba at ang bisita ko pala ay si Theo, ang bago kong manliligaw. Nakilala ko siya sa Robinson ng minsan ako'y mang groceries. Tinulungan niya akong abutin yung item na di ko maabot. Nagpakilala sya sa akin at naging friends kami sa Fb. Nagpaalam sya sa akin na pupunta sa bahay upang manligaw.

"Hi!", bati niya sa akin.

"Sana okay lang na dumalaw sa iyo"

"Okay na lang, andito ka na eh", patawa kong sabi sa kanya.

"Ay flowers pala", sabay abot sa akin ng bulaklak.

"Wow, ang mahal nito ah, big rose at pink pa ang kulay. Nakakahiya naman", sabi ko sa kanya na totoo namang natutuwa ako sa kulay.

Marami kaming napagkwentuhan. Minsan tungkol sa trabaho ko, minsan naman trabaho niya at kung anu-ano pang napag usapan namin. Si Theo ay isa palang Accountant dito sa Dumaguete City.

"Dito ka na lang maghapunan", yaya ko sa kanya.

"Salamat pero wag na. Sa susunud nalang kasi dadaanan ko pa ang kapatid ko."

Inihatid ko na si Theo sa labas. Pagka alis niya ay kinantiyawan kaagad ako nila Mama at Papa.

"Siya na ba anak", nakatawang sabi ni Papa.

"Pa naman, unang bisita pa lang siya na kaagad"

"Nasaan pala si Kuya bat di natin siya kasabay?"

"Tumawag ang Kuya mo at sabi mauna na lang daw tayo kasi kina Nancy na siya maghahapunan", sabi ni Mama.

Si Nancy ay girlfriend ni Kuya simula pa noong college at kaibigan din ito ng girlfriend ni Luke na si Eve. Nang dahil kay Nancy kaya sila nagkakilala ni Luke nung minsang umuwi ito sa graduation ni Kuya. Naging long distance relationship silang dalawa.

"Hay Luke bat kaya hindi mo napansin ang beauty ko", kausap ko sa sarili habang nakahiga sa kama.

"Ay teka, matingnan nga kita sa Fb", sabay abot sa laptop ko.

"Ma search nga kita sa friends list ni Kuya, ang arte kasi nito hindi man lang ako na add sa fb niya"

"Ayun, aba, ang gwapo na talaga niya!", sabi ko na kinikilig.

"Ma save nga tong pic nato para maisama sa scrapbook kong gagawin para sa kanya"

"Ginawa pang cover pic tong picture nilang dalawa... 3 years ago pa to ah, I still remember this, ito yung pinagbakasyon niya sa Austalia si Eve"

"Ang saya nilang dalawa, nakakainggit! grrrrh!... eh masmaganda pa ako dito sa babaeng ito"

"Hoy babae ka, magkamali ka lang kahit isa at kukunin ko sayo ang Luke ko", sabi ko habang tinuturo-turo ang picture sa laptop.

"Oh, please God, be good to me at paghiwalayin mo silang dalawa", sabi ko habang naka cross finger.
Biglang tumunog ang laptop ko.

"Ay, may nag friend request... OMG! Si Luke ko, gusto akong e add", sabi ko na tumibok ng malakas ang puso ko at tuwang-tuwa.

"Anong gagawin ko?... e a accept ko na ba ngayon?.... hmmm... ay bukas ko na lang e add para naman hindi masyadong mahalata na atat na atat ako"

"Goodnight my dear Luke"

Kinabukasan, inspired akong pumasok sa work.

"Blooming ka ngayon Aiya", sabi ni Marla.

"Oo nga, nagniningning ang mga mata", sabi naman ni Shona.

Secretly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon