Chapter 4

5 0 0
                                    

"hi beautiful!", sabi sa texts ni Theo sa akin.

"hello 4!", pabirong reply ko sa kanya. Yan yung itinatawag ko sa kanya kasi kapangalan niya yung bida sa Divergent na movie. Naging close na kami kahit sinabihan ko na siyang wala talaga syang pag-asa kasi may mahal na ako. Tinanggap naman niya yun kaya friends na lang daw kami.

"pwde mangligaw... hehehe"

"Asa ka pa! move on.... hehehe"

"Aray, sakit naman... hehehe"

"sige ka, hindi ka papasa kay Lollabeles pag ganyan ka"

"Naku, talagang hindi ako papasa sa babae na yun, eh parang man hater yata yun... hehehe"

"huwag mo kasing inisin pag nagkita"

"Ang sarap kasing inisin.... hehehe"

"O, sya... matulog ka na, o di kaya siya ang etext mo ngayon...:)"

"Tenitext na nga, kaso inaway ako... :( "

"Sige, lang ipursige mo lang yan ... may e chachat pa ako"

Nag-open ako ng Fb sa phone ko.

"may message sa akin si Luke"

"Hi ugly princess!

How's your day?

I'm so lonely here... I have no one to chat to....

yung girlfriend ko naka offline... :(

3 weeks ng offline... hindi man lang sinagot ang mga messages ko...."

"Baka busy lang gf mo", sabi ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihing, baka may pinagka abalahang iba.

"hintayin mo na lang"

"Alam mo princess, nagpunta ako sa Queensland... kararating ko nga lang kaninang tanghali"

"Anong ginagawa mo doon?"

"Pinuntahan ko yung kliyente namin na gusto akong kunin upang mag design sa ipaparenovate niya na bahay bakasyunan"

"may gusto lang siyang ipabago pero kailangan yung pagka vintage ng bahay niya ay andoon pa rin"

"Wow, sikat ka siguro na architech dyan no?"

"hindi naman masyado... sadyang pinagkakatiwalaan lang yung mga engineers sa kompanya namin :)"

"Ang yabang! :)"

"Maganda din ang lugar na yun, first time kong magpunta doon. Matagal na ako dito sa Australia kung saan-saan na ako nagpunta pero never akong napadpad sa Queensland. Mainit doon di katulad dito na lumalamig na"

"buti ka pa,naranasan mo ng makatira diyan sa ibang bansa"

" eh, Mag-isa naman ako dito... maswerte ka pa rin kasi kasama mo pamilya mo"

"andiyan naman tatay mong kano ah"

"Magkalayo yung bahay namin ni Daddy. Bumukod ako noong pagka graduate ko ng college kasi may sarili din siyang pamilya"

"Ah, ganun ba... eh kung umuwi ka na lang kaya dito"

"Hindi pa time Princess, marami pa akong aayusin lalo na sa company ng Daddy ko. Pinaubaya na sa akin ni Daddy ngayon ang pamamahala sa company... kasi raw matanda na siya"

"Ginagabayan na lang niya ako pa minsan-minsan"

"So paano kong nag-asawa ka na?, san ka titira?"

"iniisip ko nga rin yan... gusto ko sanang dito muna kami tumira pansamantala hanggang sa may mapagkatiwalaan ako na mamalakad ng maayos habang wala ako, para e checheck ko na lang from time to time"

"Eh, kaso pinagtalunan na namin minsan to ni Eve... ayaw niya dito... gusto niya pag naikasal kami diyan lang kami manirahan sa Dumaguete"

"Sinasabihan na nga niya ako na mas importante pa daw sa akin yung trabaho ko kesa sa kanya"

"Naku! mahirap yan"

"Kaya nga, parang sarado yung utak niya pagdating sa trabaho ko"

"Eh di buksan mo... lol :)"

" sira ka talaga! siguro pag ikaw nag-asawa walang problema ang magiging asawa mo kasi mukhang hindi sarado pag-iisip mo"

"Maliban na lang sa pagka maldita at kapangitan mo... hehehe"

"Ay ganun?... eh kung sakali ba namang super gwapo  ang maaasawa ko tulad ni Henry Cavill,  abay, suportado talaga... kahit saan siya, sasamahan ko talaga para mabantayan ko.... hehehe :)"

"eh kung kasing gwapo ko? hehehe"

"Ay sorry, sinong nagsabi sayong gwapo ka? ", sabi ko na sa totoo naman kinikilig ako. Medyo naging close na rin kami ni Luke sa chat pero ewan ko lang pagkaharap ko na siya. Baka mahalata pa nun na may gusto ako sa kanya. Palagi siyang nag- iiwan ng message sa akin. Nagkukwento tungkol sa trabaho niya at mga adventures niya. Kaya inspired ang beauty ko.

Secretly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon