Chapter 3

1K 23 1
                                    

Dedicated to marielicious. Idol, I love your stories po. Mwa!

ALEXIS.

Simula bata ako ay wala na akong kinilalang ama. Nasaksihan ko kung paano kami iniwan ng walang kwenta kong ama noon. Siguro mga seven years old ako nun. Nalaman ni mom na may kabit si dad. Sobrang nasaktan si mom dahil sa ginawang pangangaliwa ni dad sa kanya. Mas pinili ni dad ang Kabit niya. Halos hindi na siya noon kumakain. Parang wala ng buhay. Para siyang mababaliw noon na lagi lang nakakulong sa kwarto. Pakiramdam ko nawalan din ako ng ina. Sa murang edad naranasan ko ang pagiging ulila sa pagmamahal ng magulang. Kami lang ni Kuya Alexus ang natira. Kahit naman kasi kasama namin si mom ay parang wala din naman. Awang-awa ako noon kay Kuya dahil imbes na mag-aral siya ay inaalagaan niya kaming parehas ni mom. Doon nagsimulang bumuo ang galit ko sa ama ko. Dahil sa kanya, nagkalitse-litse ang buhay namin-- ni mom, ni Kuya at ako. Lagi akong binubully sa school dahil wala nga akong mom and dad na naghahatid sundo sa school. Laging si kuya lang. Sobrang sakit at dahil ito kay dad. Pinangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko ng may ama ako.

Lumipas ang ilang taon, habang unti-unti akong nagkakaisip at lumalaki kasabay rin nito ang paggaling ni mom mula sa pagkakadepressed at trauma. Gumagaling na siya at para sa amin bilang anak ay sobrang saya namin dahil finally nakalagpas na rin siya sa hamon ng buhay. Palagay ko tuluyan na niyang nakalimutan si dad at gaya namin ni kuya ganun din ang nangyari. Wala na kaming amang kikilalanin. Kaming tatlo na lang. Sisiguradohin naming magiging masaya kami.

Pero mukhang paglalaruan ulit kami ng tadhana. Kung saan masaya na kaming pamilya, nagkaroon ng isang malubhang sakit si mom. Isang leukemia na unti-unting nagpapahina sa katawan niya. Bigla-biglang nagkakaroon ng pasa sa katawan at pagkawala ng timbang. Malaki ang pinag-iba ni mommy. Sobrang awang-awa ako sa kanya dahil halos hindi na siya makatayo at makalakad kaya lagi kaming nakabantay sa kanya. Bumalik man sa skwela si kuya ay tumigil ulit para mag-alaga kay mom. At sa mga panahong iyon, hindi namin inaasahan ang pagbabalik ng taong binaon na namin sa limot. Nakalibing sa kahon ng isang masamang alaala.

Bumalik ang walang kwenta naming ama. Kaya halos kaladkarin namin siya ni kuya palabas. Hindi namin kailangan ng isang pabayang ama. Nabuhay kami ng wala siya kaya hindi namin siya kailangan. Bakit bumalik pa siya. Dahil ba nabalitaan niya na may sakit si mom at nakonsensya siya kaya babalikan niya kami. Ang kapal ng mukha niya. Gusto ko siyang saktan para maramdaman niya kahit papano ang sakit na dinulot niya nang magdesisyon siyang piliin ang kabit kaysa sa amin na pamilya niya. Ayaw man naming tumulong siya ay wala kaming nagawa nung si mom na mismo ang humiling sa amin na hayaan na lang si dad. Alam ko kahit hindi niya sabihin, umaasa pa rin si mom na babalikan siya ni dad. Mahal niya pa rin ang sumira sa buhay namin.

Nagkaroon nga ng mga oras na bumibisita si dad sa hospital kung saan nakaconfine si mom. Kahit ganun man, hindi pa rin namin siya kinikibo. Hindi namin siya kinakausap. Andito pa rin ang sakit na iniwan niya. "Anak, nagmamakaawa ako. Kung ito man ang huli kong araw ko sa mundo. May gusto sana akong hingin sayo." Sabi ni mom. Hinawakan niya ang kamay ko. Di ko mapigilang mapaluha. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ni mom. Alam ko mabubuhay pa siya ng matagal kaya hindi dapat siya nagsasalita ng mga ganung bagay. "Ano ba mom. Huwag kang magsalita ng ganyan. Mabubuhay ka pa mom. Magsasama pa tayo." Umiiyak na ako. Ang sakit kasing isipin na nawawalan na ng pag-asa si mom. Alam niya namang nandito kami lagi sa kanya kaya sana hindi siya mawalan ng pag-asa. Di namin kakayanin na mawala siya. "Anak. Gusto kong magkaayos na kayo ng dad mo." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ito na naman tayo. Pinipilit pa rin ni mom na magkaayos kami ni dad kahit alam niyang impossibleng mangyari yun. Sa tagal ng panahon na kailangan ko siya, wala siya tapos patatawarin ko siya ng mabilis. Hindi bato ang puso ko pero may nakatanim pa ring galit dito. Umiling ako. "Mom, impossible namang mangyari yang sinasabi mo. Hindi ko pa kaya mom. I'm sorry."

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon