MAIAH."Matulog ka kaya muna. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo." Nilingon ko ang nagsalita sa harap ng kotse at nagsisisi ako kung bakit ko iyon ginawa. Nakita ko kung paano hawakan ni Ced ang kamay ni Alexis. Hindi ako yung hinawakan pero sa palagay ko ang sarap sa pakiramdam na mahawakan ng taong mahal mo at syimpre yung mahal ka rin. Gaya nina Alexis at Ced. Naiingit ako habang tinitignan sila kaya napayuko na lamang ako. Binaling sa bintana ng kotse ang tingin at mapait na ngumiti sa kawalan. Hindi ko na talaga alam kung ano yung dapat kong maramdaman. Kung dapat ba talaga akong maging masaya dahil finally silang dalawa na o dapat akong maging malungkot sapagkat iisa lang ang ibig sabihin nito— na wala na akong pag-asa kay Ced. Hanggang kaibigan na lang ako.
Naalala ko pa yung nangyari kanina nung sabihin ni Ced na sila na nga ng babaeng mahal niya. He was so happy as always because of Alexis and wala akong kakayahan na baguhin iyon. I mean, hindi ko siya kayang pasayahin gaya ng ginagawa ni Alexis. Hindi pala, kahit wala namang gawin si Alexis ay masaya pa din si Ced. Naging masaya naman sina Tita lalo na si Tito at finally sinagot na ang anak niya. Sa palagay ko naman boto si Tito kay Alexis. Napabuntong hininga na lamang ako. Papauwi na kami sa Maynila at mukhang kailangan ko munang magpahinga dahil mahaba pa ang biyahe at isa pa pagod na ako, pagod na rin ang puso ko.
DARYLL.
Dalawang araw na. Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Maiah at sobrang miss na miss ko na siya. Para akong mababaliw sa kakaisip sa kanya. Kung bakit kasi sumama pa siya sa kaibigan niya. Sana hindi ko nararamdaman ang ganitong feeling. Yung tipong malayo na naman siya. Kung pwede ko lang siyang sundan ay ginawa ko na kaso hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko. Kailangan ko rin ito para sa future namin ni Maiah. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat. Kinuha ko ang guitar at nagsimulang tumugtog sa taas ng kama.
Now playing: Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby) 🎤
By: Orange & LemonLabis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa
Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita
Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti sa mga labi
'Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa, knock on wood
'Wag naman sana
Umuwi ka na baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita
Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
BINABASA MO ANG
Ever Love, Never Love (Not a lovestory)
Teen FictionApat silang nagmamahal, si Maiah, Cedric, Alexis at Daryll pero kailanman ay hindi sila magawang mahalin ng taong gusto nila. Kaya naman nilang gawin ang lahat para sa mahal ngunit sadyang hindi umaayon ang tadhana sa kanila. Mahal ni Maiah si Ced n...