Chapter 5

952 18 0
                                    

Follow me on facebook:
Zerroww Montenegro

Dedicated to: blue_maiden 💙

ALEXIS.

Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse. Sinusulit ang magagandang tanawin na nakikita ng mga mata ko sa dinadaanan namin. Sobrang payapa ng mga puno. Napakagreen ng paligid kaya ang ganda tingnan. Mapapangiti ka na lang bigla. Naaalala ko si mom sa mga tanawing ito. Hilig niya kasi ang mamasyal-masyal sa mga ganitong lugar. Yung tanging mga berdeng dahon at mga damo lang ang nakapaligid sa kanya at ingay ng ibon ang maririnig. Sobrang presko ng Hangin. Namimiss ko si mommy. "Alex, okay ka lang?" Narinig ko si Cedric na nagsalita. Ngumiti ako sa kanya. "Wala. May naalala lang ako." Sagot ko. Papunta kami ngayon sa bahay nila Cedric. Kahapon ay tinawagan niya ako na kung pwede ay samahan ko siyang bumisita sa bahay nila. Nagdalawang-isip man ako dahil hindi naman kami, paano na lang kung ipapakilala niya ako na nililigawan niya.

Nakakahiya pero hindi ako nakatanggi. Umasa na lang ako na ipapakilala niya lang ako bilang kaibigan. Kasama rin namin si Aya na natutulog sa likod. Katabi ko si Cedric na nagdadrive ng kotse. Sinabi niya na nagpadala daw ang mom niya ng tauhan nila para ihatid dito ang kotse para may masakyan kami papunta sa bahay. Kinakabahan ako dahil hindi ko namemeet ang parents niya. Ngayon pa lang. "Matulog ka muna. Malapit na tayo." Tumango ako at ipinikit ang mata. Madaling araw pa kaming bumiyahe at ngayon mag-sisix am kaya madali akong nakatulog.

"Alex." Nagising ako sa isang yugyog. Pagdilat ko ng mata ay nakita ko si Cedric na sobrang lapit ng mukha sakin kaya agad akong nag-ayos at inilayo ang mukha sa kanya. "Andito na tayo." Sabi niya at lumabas ng kotse. Pagtingin ko sa salamin ng kotse ay mukhang andito na nga kami. Nakita ko ang sobrang laki ng bahay. Nakita ko rin si Aya na gising na at lumabas na ng kotse. Pinagbuksan ako ni Cedric. "Salamat." Malayo ang byinahe namin pero mukhang sulit naman dahil sa laki ng bahay nila Cedric. Sobrang yaman pala nila.

"Ma'am andito na po sila Sir!" Narinig ko ang pagsigaw ng isang babae na sobrang cute ng boses. Isa pala ito sa mga katulong. May lumabas na isang magandang babae kasunod ang isa ring gwapong lalaki. "Mom, dad!" Yumakap si Cedric sa dalawa. Parents niya pala ito. Hindi halata dahil sobrang bata pa nila.

"Good morning po." Nagkasabay pa kami ni Aya sa pagbati kaya nagkatinginan kami. "Good morning din iha." Akala ko ay ako ang lalapitan ng mommy ni Cedric para yakapin pero nagkamali ako. Kay Aya siya lumapit at yumakap. Siguro kilala niya na talaga si Aya. Napahiya naman ako dun. Ang laki pa naman ng ngiti ko. "Mom, si Alexis nga pala. Yung sinasabi kong surpresa ko." Tinignan ko si Cedric na may halong pagtataka. Anong sinasabi niyang surpresa. "Siya ang babaeng mahal na mahal ko. Nililigawan ko pa lang siya." Nakangiting sambit ni Cedric. Bigla akong namula. Bakit niya sinabi yun sa harapan ko pa mismo.

"Oh. Hi iha. Nice meeting you." Yumakap sakin ang dad niya. "I hope makita mo na ang tamang oras para sagutin ang anak ko." Sabi niya. Ngumiti lang ako dahil medyo naiilang ako. Bigla akong napressure dahil sa sinabi niya. "Let's go inside. Naghanda kami ng breakfast para sa inyo." Sabi ng mom niya at pumasok na sa loob hila-hila si Aya. Napansin ko na hindi niya ako tiningnan man lang. I guess, mukhang hindi niya ako gusto.

"Tara?" Tumango lang ako kay Cedric. Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko din namang tinanggal. "Sorry." Paghingi niya ng tawad. Hindi ako komportable na di ko pa nga siya sinasagot ay naghahawak-kamay na kami. Pagpasok namin ay mas lalo akong namangha dahil sa ganda ng loob. Maraming mga mamahaling bagay ang nakadisplay--mga paintings, scupture at iba pa-- na lalong nagpapaganda sa loob ng bahay. Nakita ko rin ang isang malaking frame na nakasabit sa isang wall kung saan makikita ang Family Picture nila Cedric. Nag-iisang anak lang pala siya. Ang cute niyang tingnan. Siguro mga high school pa lang siya ng kinunan itong photo.

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon