Dedicated to alyloony. Godbless po Idol :)
MAIAH.
"May aaminin sana ako sayo." Pagkasabi ko sa kanya nun ay humarap siya sakin na may ngiti sa labi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nun pero sana ako iyon. Ito na ang tamang panahon para aminin ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Gusto kong malaman niya na mahal ko siya. Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko. Ayoko na ng ganito. Lagi na lamang akong nasasaktan dahil sa pagtatago ko ng feelings. Kung ano man ang mangyari. Handa akong tanggapin kung sakaling sabihin niya na hindi mutual ang nararamdaman namin-- na ako lang ang nagmamahal sa kanya at hindi niya ako mahal. "Ano yon?" Sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na baka maging tama ang hinala ko. "Mahal kita." Sabi ko. Wala akong nakitang gulat na ekspresyon sa mukha niya. Hindi ko alam. Kinakabahan ako kung ano ang susunod niyang gagawin. Mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. "Briella mahal kita." Nag-iba ang itsura niya. Hindi ko mapaliwanag.
"Ms. Trinidad." Napalingon ako sa taong tumawag sa apilyedo ko. Si ma'am Garcia pala, librarian. Andito ako sa library. Wala akong klase kaya naisipan kong dito na muna magpalipas ng oras. Tahimik kasi dito kaya mas magandang magbasa dito. "Ano po iyon ma'am?" Isinara ko ang libro at nilapag sa table. Nabitin ako. Sobrang exciting na dahil finally nagawa na ring umamin ni Allard kay Briella. Tumayo ako at nilapitan si ma'am Garcia. "May ipinapahanap kasing libro si Mrs. Rivera. Pwede mo bang hanapin?" Sabi niya at ibinigay sakin ang isang papel kung saan nakasulat ang mga librong hahanapin. "Sige po." Kinuha ko sa kanya ang papel at naglakad na papunta sa bookshelves. Apat na libro ang hahanapin ko at sa rami ng libro dito mukhang matatagalan ako. Ginagawa ko ito minsan dahil scholar ako dito sa school at kung ano man ang ipapagawa ng school ay pinipilit kong gawin kapag libre ang oras ko. Gaya nito.
Sinimulan kong maghanap sa Chemistry books. Habang naghahanap ako ay may narinig ako sa kabila na nag-uusap. Pamilyar ang boses kaya sumilip ako sa pagitan ng mga libro. Nakita ko sina Cedric at Alexis na masayang nagkukwentuhan. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo sila ng kunti sakin. Bawal naman kasi dito ang maglakas ng boses kung ayaw mong mapalabas. Tinitignan ko lang sila at para hindi nila ako mapansin ay umarte ako na naghahanap lang ng libro. Tinitignan ko si Ced. Sobrang saya niya talaga kapag kasama si Alexis. Halos umabot na sa tenga ang ngiti niya. Nakakainggit silang tignan.
"Hoy, sino tinitignan mo?" Muntik ko ng matulak ang bookshelf dahil sa pagkagulat. Nakita ko si Sadie sa likod ko. Tinitignan kung sino ang tinitignan ko. Napatsismosa talaga. Mabuti na lang talaga at hindi ako nananapak. Si Sadie ay classmate ko na lagi kong kasama sa classroom. Parehas kami ng schedules kaya siya lagi ang nakakausap ko. "Ano ba. Nakakagulat ka." Reklamo ko at hinila siya palayo doon. Baka makita pa kami nina Ced. Mabuko pa ako na nagnanakaw ng tingin sa kanila. "Aray ha. Ang sakit mong makahila." Pilit niyang in-stretch ang kamay niya. Mahina lang naman yung pagkakahila ko. "Ang ingay mo kasi." Umupo kami sa sahig. Malinis naman kaya walang problema sa amin na baka madumihan ang mga suot namin. Mamaya ko na lang hahanapin ang ipinapahanap ni Mrs. Rivera. "Paano ba naman kasi, nakatingin ka na naman dun sa bestfriend mo na sekreto mong minamahal." Tinakpan mo agad ang bibig niya. Kung anu-ano ang sinasabi baka may makarinig sa kanya. Maliban sa kanya ay wala na akong ibang sinabihan tungkol sa secret na ito. Alam ko kasing mapagkakatiwalaan si Sadie kaya hindi ako nagdalawang-isip na magsabi sa kanya ng tungkol kay Ced.
"Matagal ka ng ganyan. Bakit di ka umamin. Subukan mo kaya. Wala namang mawawala sayo kapag umamin ka." Tinignan ko lang siya. Nasasabi niya lang naman yan dahil hindi niya alam ang nararamdaman ko. Wala siyang alam sa sitwasyon ko. "Ayoko. Natatakot ako." Aniko. Takot ako na baka mag-iba ang turingan namin sa isa't isa. Baka hindi kami parehas ng nararamdaman. Halata naman kasi yun. Alam kong may nililigawan siya kaya impossibleng mahal niya ako. Mahal niya lang ako bilang kaibigan. Nangako kami noon na hindi dapat kami mahulog sa isa't isa. Mas mabuting maging friends na lang daw kami forever dahil dun lang kami magtatagal. "Bakit ka naman natatakot? Matakot ka kung habang buhay ka na lang masasaktan ng ganyan dahil diyan sa pagtatago ng feelings mo. Ilabas mo yan kung ayaw mong magsisi sa huli." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kaibigan ko si Sadie pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ang malubhang dahilan kung bakit natatakot ako na sabihin sa kanya na mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
Ever Love, Never Love (Not a lovestory)
Teen FictionApat silang nagmamahal, si Maiah, Cedric, Alexis at Daryll pero kailanman ay hindi sila magawang mahalin ng taong gusto nila. Kaya naman nilang gawin ang lahat para sa mahal ngunit sadyang hindi umaayon ang tadhana sa kanila. Mahal ni Maiah si Ced n...