Bakit ba may malalandi? Malandi ba ako? Baka mahal ko na siya agad? Nalulungkot ako! Ano nang gagawin ko! Magmu-move on na ba ako? Pero paano kung may chance pala kami? Posible kayang gusto niya rin ako? Pero pa'no ko malalaman? Nade-depress na ako! ARG! Tulong!
Malandi ba ako? Kung malandi ako, masama na ba akong tao? Gusto ko kasi siya, pero gusto ko rin 'yung isa pa, andami kong gusto. Pero may isa talagang pinakagusto ko, siya. Nilalandi niya ako kaya nilalandi ko rin siya. Kakakilala lang namin pero parang angtagal na naming magkakilala. Mahal ko na ba siya? Eh promise namin landian lang eh? Pa'no na 'yan, nahulog yata ako? Eh mukhang wala siyang planong saluhin ako?
Gusto ko siya, matagal na. Pero may gusto siyang iba, masakit, sobra, pero wala akong magawa, mahal ko siya eh, kahit hindi niya ako kilala.
Andami kong manliligaw, sasagutin ko ba lahat? Sige na nga, pero walang ibang dapat makaalam nito ah! Lalo na't hindi naman 'to totoo.
Single ako ngayon, wait, single ako simula pa dati! Bakit ba gano'n? Umpisahan ko na bang maglandi kahit sino na lang d'yan? Siguro?
Angsakit naman no'n! Ano 'yung mga pinakita niyang kabaitan sa 'kin? Bakit ang-sweet niya sa 'kin? Bakit akala ko gusto rin niya ako? Bakit niya pa ako tine-text hanggang madaling-araw? Kung wala naman pala siyang gusto sa 'kin! Paasa kang hayup ka!
Bakit anghirap lumablayp? Pangit ba ako? Oo, mas maganda siya, mas maputi, mas mayaman, pero gano'n ba ako kawalang kwenta kaya siya ang pinili niya?
Hindi ako okay. Pa'no ako magiging okay eh wala ka sa 'kin!
Anghirap naman pumag-ibig! Anghirap lumandi!***
Pagod ka na ba? Naguguluhan ka na ba? Nahihirapan ka na ba?
Ang sagot sa mga tanong mo ay nasa susunod na mga pahina, kaya tara na, 'wag ka munang sumuko, kaya mo pa 'yan! Tiwala lang 'teh!
BINABASA MO ANG
Ang Maglandi Ay 'Di Biro
HumorMalandi ka ba? Syempre OO, kaya nga kinuha mo ang kopyang 'to sa estante ng bookstore, kasi nang makita mong tungkol 'to sa paglalandi, naalala mo agad ang sarili mo. Tapos nang makita mong para 'to sa mga one-sided lovers eh bigla mong naalala 'yun...