SHOW ME THE TRUE MEANING OF LOVE
--This is an uncorrected proof. Please refer to the final copy. Grab your own copies available for 275php in all National Bookstore and Powerbook outlets nationwide. THNKSSS --
BAGO KA LUMANDI, PWEDE BANG ALAMIN MO MUNA 'YUNG MEANING? ATAT KA MASYADO EH!
The true meaning of a certain thing is always in reference to its context. Walang solid na meaning ang isang bagay, at ang kahulugan nito ay laging nakaayon sa sitwasyon.
Like paglalandi. Napakaraming kahulugan ng paglalandi but it's still up to the viewer as to what meaning she will believe in or hold on to. Nakadepende sa kanya kung alin sa mga kahulugang 'yon ang 1.) Paniniwalaan niya, 2.) Ia-apply niya, 3.) Gagamitin niyang pangsagot sa slamnote questions, o 4.) Gagamitin bilang life's motto, o kahit na 5.) Kakabisaduhin lang para maisagot sa mga essay-type assignments ng mga teacher na hindi naman binabasa ang laman, pahabaan lang ang labanan.
Narito ang iba't ibang kahulugan ng paglalandi mula sa iba't ibang punto de vista:pag•la•lan•di
/'pag-lá-læn-dēē/
verb / noun
1. isang natural phenomenon na gustong-gustong gawin ng mga tao.
2. pagpapakita ng kaswal na interes ng isang tao tungo sa isa pang tao.
3. anumang uri ng aksyon na nagpapahiwatig ng malalim na pagnanasa at pagnanais sa isang tao kagaya ng pagi-istalk, pagkindat, pagngiti at pagkaway 24/7, pagbibigay ng love letters (at death threats sa mga karibal).
4. pagpunta sa isang lugar kung saan naglipana ang mga naggugwapuhang nilalang.
5. isang mahalagang elemento sa pagmamahalan.
6. isang uri ng diversion lalo na kung purgang-purga ka nang mamuhay nang malungkot!
lan•di•an
/lán-dēē-'an/
noun
1. isang nakakaunay, nakakainis, nakakaburyo, nakakairita, nakakabanas, at nakaka-urat na tagpo kung saan magkatabi sa masikip na upuan ang lalaking gusto mo at ang babaeng ipinapanata mong unang mamatay kapag nagunaw na ang mundo habang sila'y nagtatawanan, magkalapit ang mukha at nakakandado ang mga lintik na daliri sa kamay ng bawat isa.
2. isang gawain na nagbibigay ng higit na saya lalo na kung alam mong may taong ipinapanatang mauna kang mamatay kapag nagunaw na ang mundo. At least, may ka-holding hands ka sa masikip na upuan.
lan•di
/lán-dēē/
noun
1. isang hindi maipaliwanag na enerhiya na nararamdaman ng isang tao na sumisipa sa kanyang matres o sa kanyang lapay sa tuwing tumatama sa kanya ang paningin ng lalaking natitipuhan, o 'di kaya naman ay tuwing sumasabay sa simoy ng hangin ang samyo ng pabango at pawis ng lalaking iyon.
2. isang nakakakuryenteng kung ano na kumikiliti sa alak-alakan o kaya'y sa apdo ng isang tao na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Nagaganap ito sa tuwing nakikita ng isang tao na nakangiti ang lalaking gusto niya (kahit hindi siya ang nginitian nito), o kung narinig niya iyong nagsalita (kahit na hindi siya ang kausap nito) o nakita niya iyong kumaway (kahit na hindi iyon para sa kanya).
3. dito nag-uumpisa ang lahat ng love story na narinig mo (at ito rin kadalasan ang sanhi ng pagtatapos ng mga ito).
ma•lan•di
/mâ-lán-dēē/
adjective
1. isang taong nagtataglay ng katangian ng paglalandi (see paglalandi above)
2. isang taong nagkakaroon ng nobyo kada tatlong oras at pitong minuto nang walang nakakabuking.
3. isang taong maabilidad pagdating sa pag-ibig at matematika (bakit matematika? Dahil alam niya kung ilan ang nilalandi niya, ilan pa ang lalandiin niya, ilan na ang nalandi niya at alam niya rin kung gaano na katagal ang bawat paglalandi at kung kailan ito eksaktong magtatapos).
4. isang katangiang hindi naman masama ngunit hinuhusgahan ng karamihan.
ORIGIN: unknown origin
WRONG synonyms: maharot, malantod, pakangkang, makati, hitad, talipandas, higad, simutyang, paronda, pokpok, kerengkeng, ariba, agogo, pukengkay
RIGHT synonyms: normal, mapagmahal, palakaibigan, sociable, neverloner, masiyahin, confident, lapitin, SOBRANGMAGANDAMASYADO.***
The truth is, gaya nga ng intro ko, walang standard meaning ang paglalandi, o kahit na ano pa mang salita sa Earth. Nagbabago ang kahulugan ng bagay depende sa taong nasa sitwasyon-kung paano niya 'yon ginamit o nakita. Both negatively and positively.
Isa nang social stigma ngayon na ang babaeng 1.) maraming kaibigang lalaki, 2.) laging may kasamang lalaki, at 3.) mas malapit sa mga kalalakihan ay malandi. I repeat, MALANDI. Agad-agad! Wala nang patumpik-tumpik pa. Kapag nakita ka sa kalye o sa mall o kung nasan ka man, basta may kasama kang lalaki o mga lalaki, BOOM! Isa ka nang ganap na malanding nilalang. Welcome to the club. And unfortunately, that's how people generally see paglalandi.
Hindi naman 'yan maiiwasan lalo na't umaapaw sa mga judgmental people ang bansa (at aminin natin na karamihan nga naman ng mga babaeng may kasamang lalaki ay technically, malalandi. But take note, karamihan lang, hindi lahat, at ang iba sa malalanding ito ay wala namang ginagawang masama). The only thing we can do is to care a little less. Mas hindi pinapansin, mas masaya ang buhay. Ipagpatuloy ang paglalandi dahil walang maidudulot na pag-unlad ang pagpatol sa taong sarado ang utak..
After all, wala namang masama sa paglalandi. Lalo na kung hindi ka naman talaga naglalandi. At kung naglalandi ka man, what do they care? I mean, who else is not flirting? Everybody is. Ganern!REASONS WHY IT'S NEVER A BAD THING TO FLIRT
1. Walang batas sa 1987 Philippine Constitution ang nagbabawal sa paglalandi. Wala ring lumabas na memorandum galing sa DOH at WHO na nagsasabing nakasasama ito sa kalusugan ng tao.
2. Dahil ang Pilipinas ay demokratikong bansa. You can do what you want!
3. Kung naglalandi ang iba, ba't hindi ka rin maglandi? Bawal ka bang magsaya?
4. Kung single ka at single din ang nilalandi mo. Why not maglandi?
5. Kung gusto mo naman 'yang paglalanding ginagawa mo, push lang ng push. Sabi nga nila, ginusto mo naman 'yan eh.
6. Kung walang ibang nadadamay sa paglalanding 'yan (like mama ng nilalandi mo, kumare ng mama ng nilalandi mo, papa mo, papa ng papa ng kaibigan ng kapitbahay ng papa mo, o kahit na sino pa. Hangga't walang natatapakang sinuman, makasisigiradong wasto pa ang paglalandi mo.)
7. You both know your limitations (physical, emotional and moral limitations) Eherm.There is this one notion that we have to see clear about flirtation though. That flirtation is not always shallow. That flirtation can also be deep. Hindi por que landian lang eh ibig sabihin na niyan eh mababaw lang na relasyon, o laro lang, o wala lang just because everybody thinks it is. Pwede rin itong maging malalim.
Tandaan, ang paglalandi ay isang uri ng energy. At ayon sa Law of Conservation of Energy: energy is never created nor destroyed. It just changes from one form to another. Kaya alalahaning hindi nawawala ang paglalandi, nag-iiba lang ng anyo, ng kahulugan, at ng manipestasyon. And above all, tandaang ang paglalandi ay hindi masama basta nasa tama. Flirt moderately ika nga.
BINABASA MO ANG
Ang Maglandi Ay 'Di Biro
HumorMalandi ka ba? Syempre OO, kaya nga kinuha mo ang kopyang 'to sa estante ng bookstore, kasi nang makita mong tungkol 'to sa paglalandi, naalala mo agad ang sarili mo. Tapos nang makita mong para 'to sa mga one-sided lovers eh bigla mong naalala 'yun...