LET THE LOVE BEGIN
---This is an uncorrected proof. Refer to the final book. Grab your copies now for 275 Php in all National Bookstore and Powerbooks outlets nationwide. THANKSSS--
***
Isang tanong. Isang sagot.
MASAMA BANG MAGLANDI?
Para sa'kin: HINDI.
Para sa mga nanay na gumigising ng alas tres ng madaling-araw para maipaghanda ng masarap na almusal ang mga unica hija nila para ganahang mag-aral para makapagtapos nang may flying colors para may makuhang magandang trabaho para maiahon ang pamilya sa hirap: OO! Masama ang maglandi.
Para sa mga taong hinasa ng karanasan at panahon, mga praktikal at may mga malalalim na pag-iisip: DEPENDE.
Para sa Google: Error 404. Answer not found. Try again later.
Para sa 'yo? MASAMA NGA BA? Lalo na't sawang-sawa ka nang malungkot mag-isa?***
Siguro naman malinaw sa 'yo kung tungkol saan 'tong binabasa mo 'diba? Dahil kung hindi, ay 'teh, iba na 'yan!
Kung may hinahanap kang ibang libro at na-disappoint ka dahil hindi ito ang hinahanap mo, 'wag kang tanga! And'yan ang Customer Sercice, magtanong ka!
OK. Serious na. Hingang malalim... buga! Hephep, 'wag munang huminga ulit, hayaan munang mawala ang amoy.................................. Ayan!
Halos araw-araw yata nagagamit ang salitang Paglalandi. Sa classroom habang nag-aaway si classmate A at si classmate B dahil sinulot ni classmate B 'yung boyfriend ni classmate A. O kaya sa mga Grand E.B. ng mga clan, dahil inagaw ni AccUxx cXxi m!Xzs rH4pHaEll4 MaxZsun6!T o013 si bh0XszX blAckHaRtt Mhu4PhagMahAl kay lh4Dhy mH4LdiTtAh phUuY4tTsxzkeE. O kaya naman sa bahay n'yo habang nagbubulyawan sa labas si kapitbahay X at si kapitbahay Y dahil nahuli ni kapitbahay X 'yung asawa niyang natutulog sa kama ni kapitbahay Y. Kahit sa paglalambingan ng mga mag-jowa, o kahit sa simpleng usapan ng mga magkakaibigan, magkumare, magkatabi sa bus, magkasabay na naghihintay ng jeep, magkasunod sa pila ng NFA. Nagagamit ang salitang 'to.
At ngayon, oras na para gamitin mo na rin nang madalas ang salitang 'to. Kahit one-sided lover ka. Kahit alone ka. Kahit wala kang jowa. Kahit depressed ka. Kahit brokenhearted ka. Kahit tuod ka pa o kahit na ano ka pa. Dahil may karapatan kang lumandi! YES! May karapatan kang sumaya! At kung KJ ka, 'wag ka na! Dahil dito, bawal ang sad, dapat happy! (Manalig ka kay Ryzza Mae Dizon, sinasabi ko sa 'yo!)
Ang librong 'to ay hindi lang tungkol sa paglalandi (pero malaking porsyento nito ang tungkol do'n, mga 73.321756%). Ang librong 'to ay tumatalakay sa malawak na mundo ng paglalandi at pag-ibig in general, kasama ng lahat ng bagay na kaakibat nito-sakit, saya, hirap at sarap.
Sa librong 'to, malalaman mo kung ano ba talaga ang definition ng paglalandi, kahalagahan nito sa ekonimiya, sa pulitika, sa ating pang-araw-araw na buhay at sa iba pang kalamay ng buhay. Malalaman mo ang guidelines sa paglalandi. Higit sa lahat, malalaman mo kung ano bang kahalagahan nito sa sarili mo. Magkakaroon ka ng mas malalim na pag-intindi sa paglalandi.'Di ba? Sa'n ka pa? Kahit Merriam-Webster hindi ka matuturuang lumandi!
Marami ka pang mapupulot maliban sa paglalandi itself. Matututo kang mahalin ang sarili mo, matututo kang humarap sa hamon ng kalungkutan, o sa nag-uumapaw na kasiyahang dala nito. Matututo kang mag-move on at mag-let go. Matututo ka ring magmolde ng paso, magtanim ng binhi, magsulsi, mag-cross stitch, maggantsilyo, mag-diet, manghilot, manghula, mambarang, at magluto ng lugaw with less cholesterol. Marami kang matututunan tungkol sa buhay at pag-ibig.
Naka-focus ang librong 'to sa malungkot na bahagi ng buhay pag-ibig. Hindi lahat dito masaya, 'wag kang tanga. Sabi ko nga, truth hurts! Para ito sa mga one-sided lovers, single, brokenhearted, malungkot, forever alone, invisibles at mga martir. Mga depressed, hindi maka-move on, mga sobrang magmahal, at mga taong nagtatanong kung bakit wala pa rin ang kanilang The One. At para sa lahat ng taong pinagsakluban ng langit lupa impyerno, im-im-impyerno namatay si Juan kabilugan ng buwan saksak puso tulo ang dugo.
Susubukan kitang tulungan sa krisis mo.
Pero, walang garantiya na 'pag natapos mo 'tong basahin eh bigla na lang susulpot sa harap mo ang lalaking makakasama mo panghabangbuhay. Bigla na lang mawawala ang mga problema mo sa pag-ibig. Bigla ka na lang gaganda at kikinis. Ano? Magic? 'Teh, 'wag kang tanga! Bawas-bawasan ang panunuod ng mga pantaserye! Walang magic ang librong 'to. At wala sa kamay ko ang kahihinatnan ng buhay-pag-ibig mo. Sabi nga ni Zenaida Seva 'di ba, hindi hawak ng mga bituin ang iyong kapalaran, gabay lamang sila, meron tayong free will, gamitin natin ito.
Ang ikauunlad ng love life mo eh nakadepende pa rin sa 'yo. It's your own life to begin with. At ikaw lang ang may control d'yan. Gabay lamang ako. Ikaw pa rin ang driver ng kotse mo, traffic signs lang ako. Dapat mong sundin. Pero pwede mo ring suwayin. (Pero 'pag nahuli ka ng MMDA, bahala ka na sa buhay mo!)
Sa isang punto sa buhay natin, dadaan tayo sa yugtong 'to, at sinisiguro ko sa 'yong mas mababawasan ang sakit no'n kung may alam ka kahit papa'no. Hindi mo alam kung kailian magpapa-graded recitation ang tadhana. Kaya dapat handa. Maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas-MATANGLAWIN!
At isa pa, paglalandi at pag-ibig lang ang sakop ng kapangyarihan ko, kung gusto mong yumaman overnight, 'wag kang tanga, walang librong kayang gawin 'yon!
Hindi ito cookbook. 'Wag mo 'kong hanapan ng recipe para sa ensaladang katuray. Pero meron naman ditong mga ingredients para makamtan mo ang tunay na saya!
Hindi rin ito textbook, pero meron ditong mga bagay na pwede mong i-review at i-apply sa buhay mo.
Hindi ito dictionary, pero tiyak kong kaya nitong bigyang-kahulugan ang ilang bahagi ng pagkatao mo.
Lalong hindi ito bible, pero may matututunan ka pa ring magandang bagay dito (pero magbasa pa rin ng bible ok?).
Hindi ito pop novel, pero hitik ito sa mga kwentong matatagpuan mo ang sarili mo.
At higit sa lahat, hindi ito joke, walang joke dito, dahil ang maglandi ay 'di biro.
Naintindihan? Mabuti!
Ilipat na ang pahina at simulan na ang paglalandi! Ngayon din!Naglalandi,
Dani
BINABASA MO ANG
Ang Maglandi Ay 'Di Biro
HumorMalandi ka ba? Syempre OO, kaya nga kinuha mo ang kopyang 'to sa estante ng bookstore, kasi nang makita mong tungkol 'to sa paglalandi, naalala mo agad ang sarili mo. Tapos nang makita mong para 'to sa mga one-sided lovers eh bigla mong naalala 'yun...