C H A P T E R T W O

574 4 0
                                    


--This is an uncorrected proof. Please refer to the final copy. Grab your own copies available for 275php in all National Bookstore and Powerbook outlets nationwide. THANKSSS --

CHAPTER TWO
ONE WAY OR ANOTHER
- One Way or Another |One Direction

HOW DOES FLIRTATION WORK?

ANG PAGLALANDI AY ISANG PROSESO NA PWEDENG TWO-WAY O ONE-WAY.
Ang two-way setup na paglalandi ay paglalandi in both parties. Your party and the other party. Reciprocal. Give flirtation and take flirtation. Patas ang laban.
Ang one-way setup naman ay paglalandi in just one side of the party. Either just yours or just the other's. Hindi patas ang laban.

THE ONE-WAY SETUP

Sumakay ka sa jeep. Pagkatingin mo sa gilid mo, biglang nag-focus ang mata mo sa isang gwapong lalaking mala-Joseph Marco ang datingan. 0_0 Hinalungkat mo ang bag mo at kinuha ang pamasahe.
"Bayad pooooo!" sabi mo, sobrang lakas. At kahit may limang pasahero sa pagitan niyo ng lalaking 'yon, pinilit mo pa ring sa palad niya mag-landing ang kamay mo, kahit na mapuputol na ang mga ugat sa kilikili mo. At dahil maswerte ka, inabot niya ang bayad mo. Idinampi mo ang iyong palad sa malambot niyang kamay, medyo matagal. Ibinayad niya na ang pamasahe mo. Hindi na ulit siya tumingin. The End. Tapos na. One-way setup. Ikaw lang ang naglandi.

THE TWO-WAY SETUP

Pero, kung hinintay talaga niya na iabot nu'ng driver 'yung sukli mo, at nakipag-unahan pa talaga siya para lang siya ang makakuha ng sukli mo kahit na nasa kamay na 'yon ng isang epal na pasahero at talagang nag-ala-Maki the Luffy pa siya at naggoma-goma para lang maiabot sa 'yo ang sukli mo at idinampi niya rin ang palad niya sa palad mong hindi kakinisan at matagal niya ring inilagay ang kamay niya sa kamay mo at ngumiti siya sa 'yo. Two-way 'yon. Reciprocal. Parehas kayong naglandi.
At, masakit man, kailangan nating tanggapin na mas madalas na ngayayari ang ONE-WAY na setup kesa sa TWO-WAY. And it's safe to say na madalas na kaakibat ng ONE-WAY setup ang lahat ng sakit sa mundo! Assumptions, false hopes, lies, broken hearts, tears, depression.
Kaya ko nga 'to sinulat eh, para malaman mong hindi ka nag-iisa. Para malaman mong single ka man at walang pag-asang magustuhan niya, at least, sa pagharap sa mga pagsubok ng setup na 'to, alam mong may kasama ka. AJA!

NOTE: These two setups-Two-way and One-way are generally and absolutely applicable to love and c. Hindi lang tayo puro landi dito! OK?

Ang Maglandi Ay 'Di BiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon