Chapter 1: The Surprising News

36 1 0
                                    


Napakaganda ng tulog ko. Kaso bigla akong nagising sa sobrang ingay sa baba ng kwarto ko. Di ko maiwasang magising at tumayo nalang at isinuot ang bunny slippers ko at bumaba.

Kinamot kamot ko muna ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Hanggang sa nakadating ako sa kusina.

"Good morning Devon baby." Biglang sambit ni Allen at napataas ang kilay ko. Dumiretso ako sa lamesa at nagtimpla ng kape.

"Wag kang umasa Al, di kita papatulan." Sabi ko naman sakanya at napatawa naman siya.

"Aga mo ata? Alam ko kase 11 am kana nagigising at 9 palang ah?" Tanung niya at tinabihan ako.

"Ang ingay eh." Sabi ko naman at tinignan ang paligid. Katabi lang kase ng kusina ang sala kung saan may nag hahabulan, nagtatawanan, may mga sariling mundo.

"Hoy baklang may abs! Mag toothbrush ka nga! Sobrang baho ng hininga mo!" Sigaw ni Trex kay Shen.

"Aba?! Wag ko simulan!" Sagot naman ni Shen at hinabol si Trex.

"Oy, sure ka bang ganyan ang kulay ng hotcakes? Alam ko kase yellow yun at hindi black." Pagtatakang tanung ni Sia kay Joy.

"Oo nga, ganyan yan." Lakas loob na sagot naman ni Joy dito at ipanagpatuloy ang pag luluto.

"No Hiro! This picture will be sent to Dara!" Sigaw naman ni Cassy at tumakbo.

"Cassy!!!" Iritang sigaw ni Hiro at hinabol agad.

"Oo nga, ang ingay sobra." Sagot nito saken.

Ininom ko nalang ang kape ko at tinitigan ko ang kutsara na hawak ko.

"Good morninggg Devoon!!" Sigaw ng lahat at ikinagulat ko. Nakita k ang mga mata nila na may binabalak na gawen saken. Oh no, please wag nila akong habulin.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang silang nagtakbuhan papunta saken kaso biglang nag bukas ang pinto na halos masira na at bumulagta sa harap namin ang pagod na pagod at hingal na hingal na si Milli.

"Guysss! The trip to Auzroluc is on!" Sigaw nito samin na ikinagulat namen. "Pack things na guyss! Dali! Excited na ko sobra!" Dagdag pa nito.

Sobrang saya at malalapad na ngiti ang nasa mga mukha namen. Sa sobrang pagkagulat namen halos di na kami makagalaw. Matagal na kasi naming pangarap na makapunta doon.

"What the hell are you waiting for!? PACK THINGS UP!!" Sigaw ule ni Milli. At parang isang malaking bula, nag kandawalaan ang mga tao at nag simula na nga silang mag impake.


PIGGY NOTES: Sana nagustuhan niyo. Please vote and comment. Kamsaaa~

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon