Chapter 2: The trip to Sand City

20 1 0
                                    

DEVON

Nagkakagulo ang lahat sa pag iimpake. Ako naman halos wala namang mailagay sa maletang dadalhin ko. Nakaupo lang ako sa kama hawak hawak ang picture frame na may laman ng family picture namin.

"Kahit anong gawin mong pag iyak sa litratong yan, walang magbabago." Biglang sambit ni Cass sa harapan ko naikinagulat ko kaso di ko na pinansin dahil matagal na kong sanay sa ugali niya. Nilapag ko nalang ang picture frame sa maleta ko at pumunta sa cabinet ko.

Nang matapos na namin ang pag iimpake, lumabas na kami ng bahay at siniguradong nakalock ang sari-sariling kwarto.

"Ano? Titigan lang?! Asan ang Van?!" Sigaw agad ni Hiro.

"Pwede ba? Mag antay kayo? Padating nayan for sure." Sagot naman ni Milli at tignan ang relos at nagtingin tingin sa kalsada.

Nang may naaninag na kming kulay pulang mini van at halatang kasiya kaming 10 dun.

Third Person's Point of View

Nang dumating na ang van binuksan agad ang compartment at isa isa nilang ipinasok ang mga maleta nila. Si Milli naman kinausap ang naghatid ng van sakanila.

Pumasok na ang lahat. Si King ang driver at ang katabi naman niya ang kasintahan na si Milli. Sa likod naman na sobrang sikip ay ipinagkasya sina Joy, Sia, Hiro, Devon. Sa pinakalikod naman ay sina Cass, Gill, Trex at Shen.

"Ready na ba kayo?! Wahahaha!" Sigaw naman agad ni King.

"Hoy King ng mga bading, wag kang magmayabang at sobrang sikip dito!" Sagot naman agad ni Shen.

"Bading?? Diba ikaw yun? Wahahahah!" Sigaw naman agad ni King.

"Geez. Wag nang maingay!! King, drive na!" Pag awat agad ni Milli sakanila. At nagsimula nang umandar ang van.

Devon

Umandar na ang van na sinasakyan namin kaya di ko mapilit na hindi antukin sa byahe kay natulog muna ako.

"Everyone of Giovanni Family, please meet Devonise Giovanni. My second daughter." Sabi ni papa at ako naman naka smile lang habang nakapatong ang isa niyang kamay sa balikat ko.

Napansin kong natahimik ang lahat sa kanilang narinig at halatang nagulat sila sa kanilang nalaman tungkol sa pagiging Giovanni ko kaya't nawala ang ngiti ko.

"Uhm, you may continue on what youre doing my dear." Bulong nalang saken ni daddy at bumaba na ko sa tanghalan at yumuko.

Nang biglang nagbago ang paligid..

"Go Devon! Leave me! Now! Dont mind me I'll be fine just go!" Sigaw ni mama habang umuusok na ang buong gusali dahil sa apoy.

"Mommy, I can't leave you alone here! Mommy!" Sigaw ko kaso may bigla nalang humila saken isang lalakeng di ko kilala at nilabas ako sa building.

"Mommy!!" Sigaw ko habang nagpupumiglas at iyak ang iyak.

At lumabo ang lahat at naging school ko noong bata pa ako..

" aww, how sad you are Devonise. Kaya wala kang friends kasi lampa ka! Wala kang silbe dito sa school na ito! Shu you monster! Wahaha!" Sigaw ng mga kaklase ko at ako naman nakaluhod na sa sahig at iyak ng iyak.

"Monster monster monster! You are not Cassy's little sister kase maganda siya ikaw, pangit na lampa na!"

"Yeah, kawawa ka nga. Tignan mo? No one cares! Hahaha!"

Nang bigka nalang akong nagising at napansing nasa van nga pala ako. Grabe ang panaginip ko. Tumingin tingin ako sa likod at napansing tulog na den yung iba at alas 3 palang.

Bumalik nalang ako sa tulog ko at isinandal ang ulo ko sa glass window ng van.

****

Third Person Point of View

5pm

Nag dri- drive parin si King at ang mga magkakaibigan sa likod ay tulog na pati na din si Milli.

"Huh? Alam ko may dalawang daan dito ah? Baket isa nalang?" Bulong naman ni King. At tinignan ule ang paligid kung tama ba ang dinaanan nila.

Niliko nalang ni King ang van sa nag iisang daanan at nagpatuloy sa pag drive ng van.

Millicent

Nagising ako dahil sa nalimpungatan ako at nakita kong nag dri drive pa den si King. Tumingin tingin ako sa paligid at napansing ng dilim dilim na.

"Uhh, babe? Tama ba tong dinaanan naten?" Tanung ko at tumingin tingin sa paligid.

"O-oo naman baby." Sagot nito at nag drive pa din.

"Sure ka? Ang weird kase. Gubat na ito eh," sagot ko naman.

*****

King

7pm

Tama naman ata tong tinahak kung daan. Tsaka may kalsada naman kaya feel ko, tama nga ang dinaan namen. Nagpatuloy lang ako sa pag drive ng van at napansing medyo madilim na at puro puno ang nakapaligid sa kalsada.

Malayo layo na din kami dahil sa patuloy kong pag dri-drive. Kaso, sa kinamalas malasan namin. Biglang humina ang van.

"King? Anong nangyayare?" Tanong naman ni Milli na nagising dahil medyo nagloloko na yung van.

"Guys? Bakit ang bagal na ng kotse?" Tanung nadin ng iba na nagising na din. Hinampas ang manibela.

"Shit! We are running out of gas" sagot ko sakanila na ikinakaba nila.

"Ha?!" Sabay nilang sigaw.

"I said, we are running out of gas!" Sigaw ko ule hanggang sa di na nakaandar ang van na sinasakyan namen.


"Ugh. Wala ka bang napansing gas station?" Tanung ni Trex.

"Meron pero, sobrang layo nun!" Sigaw ko naman. Lumabas na ko ng van at napansing sila din ay lumabas na.


"Pano yan?"


*****

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon