Chapter 6: First Kill

14 1 0
                                    

Devon

Tulog na sila lahat except saken at kay Hiro. Naglalaro pa ng games sa cp niya. Ako hindi talaga makatulog. Dahil gustong gusto ko na umalis dito. Tumayo muna ako saglet para makapag ikot ikot lang ako.

Malaki naman kase talaga ang mansyon na ito. Medyo vintage nga lang dahil abandonado na.
Nakakapagtaka na iniwan to ng may ari samantalang, napakalki naman at maganda. Baka naman kase mayaman lang talaga ang may ari.

Habang nag lalakad lakad ako, tahimik naman at walang ingay. Mga ingay lang ng mga kuliglig na galing sa labas. Wala na kong magawa at medyo inaantok na ko kaya bumalik na ko sa kwarto at natulog.

*****

"Goodmorning guyss!!! Tara tayo na and lets get out of here!" Masayang sigaw ni Joy sigaw. Gusto ko na umalis e.

"Manahimik ka nga." Sagot naman agad ni Cassy.

"Tara na. Let's leave." Sagot naman ni Gill.

Tumayo na ang lahat at pinag kukuha ang mga maleta nila.

"Maligo na lahat at mag toothbrush." Sabi naman ni Milli.

"Ah guys! Mauuna akong aalis okay? Para makabili na ng gas agad para pagdating ninyo sa van may gas na." Sabi naman ni Gill.

"Sure ka? Kailangan mo ng kasama?" Tanong naman ni King.

"Wag na. Okay lang. Ayoko ng magkaroon ng kasama. Kaya ko na to." Sagot naman niya. Kaya sumangayon nalang kaming lahat sa plano niya. Tahimik naman ang lahat at sumunod.

Gill

Kinuha ko na ang toothbrush, damet na susuotin ko at ang towel ko. Dumiretso na ko sa banyo. Binuksan ko na ang shower at nag simula ng maligo.

May naririnig akong hakbang mg paa papasok sa banyo kaso di ko na ininda kase baka sina Trex lang yung papasok kaya nagpatuloy na ko.

Nang matapos kong maligo, kinuha ko na ang towel ko at inikot sa katawan ko. Binuksan ko ang pinto ng banyo at tumambad sa mukha ko ang isang taong nakasuot ng itim na cloak at halos hindi na makita ang kanyang mukha.

"Bro naman e! Wag ka ngang manakot! Bagay nga pala yang suot mo sayo." Sabi ko. Alam kong si Hiro yan kase siya lang naman ang may ganyang costume. Dumiretso nalang ako sa paglalakad at lumabas ng cubicle.

Dumiretso ako sa faucet para mag toothbrush. Nasa likod siya.

"Bro, tanggalin mo nga yang costume mo." Sabi ko naman sakanya. Kaso ang tahimik niya at walang kibo na ipantataka ko.
"Is this a prank?"

Sa isang sandali, bigla siyang naglabas ng matalim na kutsilyo.
Nanlaki ang mga mata ko. At unti unti siyang naglakad papunta saken.

"H-hey. Hiro stop. Bro, this isnt funny."

Kinabahan na ko. Kase kung prank man to, hindi to nakakatuwa.

Bigla niyang ginalaw ang isa niya pang kamay at parang may kinukuha siya sa likod ng bulsa niya. Isa na namang kutsilyo.

"Bro stop!" Sigaw ko pa kaso patuloy pa den siyang naglalakad.

Tumakbo ako patungong pinto kaso ayaw mabuksan. Put*ng in*.
"Bro itigil mo na to."

Di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanginginig na ko sa kaba. Kaso, bigla nalang niyang hinagis ang isang kutsilyo. Bigla akong nakaramdam ng saket sa dibdib ko kaya tinignan ko ito.

Puro dugo ang dibdib ko at may nakatusok na kutsilyo. Naraamdaman kong di na ko nakakahinga. Lumapit pa siya saken at nang makarating na siya sa harapan ko, kinuha niya ang nakasaksak na kutsilyo saken at binaon sa dibdib ko ng sobrang lalim. This time, di na niya tinanggal. Di na ko makahinga.

Ang saket ng nararamdaman ko. Kinuha niya yung isa niyang kutsilyo at ilang 5 akong pinagsasaksak sa tiyan ko.

Third Person

"Sorry Gill. Pero kailangan mo ng mamatay. Wala ka ng silbi dito sa mundo. Say hi to Satan for me okay?"

Nanlaki ang mga mata ni Gill sa narinig niyang boses. Biglang sinaksak ang kanyang mata at dinukot ito dahilan para lumuwa ang ang mga ito.

Naliligo sa sariling dugo si Gill. Walang mga mata, puno ng saksak ang katawan at may dalawang kutsilyong nakabaon sa kanyang dibdib na halos di mo na siya makilala.

*****

Devon

"Guys! Asan na ba si Cassy? Ang tagal e." Sabi naman ni King.

"Hey, I'm here na." Sabi naman ni Cassy na bumaba ng hagdan bitbit ang maleta.

"Bilisan mo nga! Ang bagal mo!" Sabi naman ni Hiro. Inirapan nalang siya nito.

"Tara na guys."



Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon