Chapter 3: Into the woods

19 2 0
                                    

7:30 pm

DEVON

Nanlaki ang mga mata namin sa nalaman na wala ng gas ang van.

"What?!! Eh pano yan?? Wala ba kayong stuck ng gas diyan?!" Sigaw namin lahat.

Putek naman. Sa dinami dami kasing pwedeng oras ngayon pa?! Eh pano 'to? Gabi na alas 7 palang, pano pa kaya pag sobrang gabi na?! Naku, mabubugbog ko 'tong si King eh.
Kinakabahan na ko. Nasa kalagitnaan kami ng gubat at kahit isang street light wala man lang. Ang buwan nalang ang nag bibigay ilaw saamin ngayon.

"Wala eh nagamit nadin. Kinulang tayo! Argh!" Sagot naman ni King at sinipa ang gilid ng van.

"Naku 7:30 pm na, pano pa kaya mamay?" Kinakabahan kong sabi.

Nanlamya kami sa mga pwedeng mangyare samin dito kaya nagsimula na kaming kabahan.

"Look, everyone. Let's go find shelter." Sabi naman ni Sia.

"Ha? Eh pano yung van?" Tanong nina Trex at Shen.

"Babalikan nalang natin by morning. Delikado dito." Sagot naman ni Milli.

"Sure kayo sa plano niyong yan? Parang wala namang mahahanapan na bahay man lang dito." Sabi naman ni Hiro.

"Oo nga, parang horror town to at abandonado na." Pagsang ayon naman ni Cass.

"Impossibleng wala. Gaya nga ng sinabi niyo, abandonado na. Kaya siguro naman madaming mga bahay na wala ng gamit na kaya pang tirhan." Sagot naman ni King.

"Tara na guys baka abutan pa tayo ng gitna ng gabi pag di pa tayo gumawa ng plano. Tara na." Sabi naman ni Gill.

"Tara" sagot naman ng lahat at nagsimula na kaming maglakad at pumasok sa gubat.

****"

Napakadilim na ng paligid at puro puno nalang ang makikita. Wala naman kaming magagawa dahil kailangan talaga namin makahanap ng matitirhan kahit ngayon gabi lang.
Ang tangin naririnig lang namin ay ang mga kuliglig at napakalamig na simoy ng hangin dahilan para mapayakap ako sa katawan ko.

Lahat kami ay hawak hawak na ang mga cellphones para magka flashlight kami. Rinig na rinig namin ang mga hakbang namin sa mga dahon sa daan.

"Tagal pa ba to?" Tanung naman ni Cass.

"Medyo matatagalan. Mag hiwa-hiwalay kaya tayo para mas mapabilis?" Tanong naman ni Joy.

Napatingin ako sa cellphone ko at napansing walang signal.

"Hindi pwede. Di tayo pwede mag hiwa-hiwalay." Sabi ko.

"Baket? We will contact you if we saw shelter. Para magkakasamasama tayo." Sagot naman ni Milli.

"No. There's no signal." Simple kong sagot.

"Tara na."

*****

8:15 pm

Gabing gabi na at patuloy parin kami sa paglalakad. Sobrang lamig pa din ng hangin.

"Putcha naman. Tagal pa ba to guys? Balik nalang kaya tayo dun sa van?" Tanong naman ni Hiro na pagod na.

"Basta. Masasayang lang ang pinagpaguran natin. Diretso na natin." Sagot ko naman at nagpatuloy pa kami sa paglalakad.

Oo, kung ako din naman ay pagod na sa paglalakad. Kaso kailangan paren para sa ikaliligtas namin. Gutom na den kami lahat alam ko kaso kailangan mag tiis.

"Guys? Is that a mansion?" Tanong naman ni Trex na nakatitig sa kabilang daan ng gubat.

Napatingin kami kung saan si Trex nakatingin at nanlaki ang mga mata namin sa nakita. Isang mansion nga.



*****

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon