Chapter 10: Farewell

3 0 0
                                    

Devon's POV

Nandito ako sa isa na namang napakalawak na kwarto. Na hindi ko na naman alam kung baket hindi ni lock. I think this Mansion is destined to be with us in it. Sort of. Geez. Unti unti na 'kong napapakali sa lalim nang aking inis kanina. Nilibot ko ang buong kwarto. Tinignan ang mga paintings, cabinets etc. Ang dame. Kaso may isang bagay ang nahagip ng aking paningin.

"Does this painting means it or just what." Sambit ko saaking sarili. May nakita akong isang painting nakakaiba. Isa etong painting na kulay puti at may nakasulat na kulay pula na 'Pull it' . 

Unti unti ko itong  hinawakan at pinagmasdan ng mabuti. "I'll try pulling it. Wala namang mawawala."

Unti unti kong hinila ang painting. At talagang nahila ko eto. Pag hila ko, lumabas ang isang door knob sa kanang gilid  sa kalayu-layuan ng painting.

"what the."

Nagulat ako dito at tumingin sa aking likuran kung sakaling may nakakakita saaken. Hinawakan ko yung knob at inikot eto. Nang biglang naging pinto ang pader na sinasabitan ng painting at may pababang hagdan pagbukas. May switch sa gilid kaya inonn ko eto at nagbukas ang mga ilaw. Pula eto.

Bumaba ako nang dahan dahan at nagsimula akong nakaamoy ng maalingasaw na amoy. Ikinagulat ko ang mga nakita ko. Isang higaan sa gitna at may aparador sa gilid na punong puno ng mga marahas na kagamitan. Isang martilyo, mga pako, isang kutsilyo, plies, malalaking gunting at iba pa. Ang ikinagulat ko ay ang isang daliri sa tabi ng gunting. F*ck*ng Sh*t.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo palabas.

Third Person's POV

Mag hahapon na at nagsasaya ang mga magkakaibigan habang nag lalaro ng mga baraha.

"Cass, 'di ba may Mansion ka nga noon? Baka sayo 'to? Hahahaha!" Tanong naman ni Trex habang nag aayos ng mga baraha.

"Hala, baka sayo 'to at may plano kang patayin kami ah? Hahaha!" Loko- lokong sabi agad ni Hiro habang naglabas ng Alas sa sahig.

"Papatayin paba kita Hiro? Patay kana saken e." Sagot naman ni Cassy sabay smirk. Nagulat ang mga magkakaibigan sa nadinig.

"Boooom! Pare pa'no ba yan? Hahaha!" Sigaw nila kay Hiro. Nagtawanan ang lahat at nag si batuhan ng mga baraha sa sahig.

"Ulol. In your dreams." Sagot naman ni Hiro dito at mas nagtawanan ang mga magkakaibigan.

"Hala, eh ako yun e!" Sagot naman ni Cassy. Nagtatawanan na ang lahat sa sobrang pagbabangayan nila Hiro at Cassandra.

"Oh, saya niyo diyan ah? Oh eto, may nakita akong mga mamahaling beer!" Sigaw naman ni  Shen habang may dala dalang tray na puno ng baso at tatlong bote ng alak.

"Ang galing naman maghanap! Halatang lasinggero! Hahaha"

Sabi naman nina Sia habang tawa pa den nang tawa.

*******

Devon's POV

Nagulat ako sa mga nakita ko 'don. Just calm down Dev. Aalis naden tayo sa nakakatakot na lugar na'to bukas den ng umaga. Lumabas na ko sa kwarto at pumuntang sala. Nakita ko silang umiinom ng alak. Gabi na, at yung iba tulog na. Lasing. Tss.

"Oh, Sia. Buti buhay kapa." Pagbibiro ko kay Sia na pinipilit pa 'ding buksan ang mga kanyang mga mata habang nakaupo at halos mabali na ang ulo sa kakaikot.

"H-ha? Oo. Pa-paabot nung ketchup Aleng Be-bebay. Hahaha" Sagot naman niya habang tawa naman nang tawa  at nag tutu-turo sa sahig.

Ano ba naman 'yan. Pa'no kami makakaalis bukas kung yung iba lasing. Sigurado, Hang over ang abot ng mga 'to.

Niligpit ko nalang ang kalat nila at nag ayos ng mga gamet na ginulo nila. Feel at home ang mga mokong. Isa isa ko silang pinunta sa higaan namen. Ako nalang ba gising? Wait, asan si King? Hinanap ko siya kahet saan, kaso 'di ko siya mahanap.

Baka okay naman 'yon. Natae lang o nag sigarilyo. What evah. Matutulog nalang ako. Humiga na ko sa kama ko at nag taklob ng aking kumot. At nagsimula nang matulog.

*******

Third Person's POV

Nagising na ang magkakaibigan at nagsiayos na ng kani kanilang mga kagamitan para sakanilang pag alis sa Mansiyon.

"Goodbye Mansion." Sambit naman ni Hiro habang nakabusangot at nag lalagay ng mga gamet sa kaniyang maleta.

"Fun times.." Sambit naman ni Trex habang tumitingin sa mga pader at kisame ng magandang mansyon.

"Hoy. Anong drama yan? Inyo 'to?" Pagbasag atmosphere ni Sia. "Kalma lang. Ano ba kayo? Hindi aten 'to." Dagdag niya pa.

"Let's Get going." Sabi naman ni Devon na tapos na ang pagliligpit ng gamit.

Devon's POV

Thank God at aalis na kami dito sa lugar na 'to. 'Di ko na kakayanin pa dito. Ugh. Hinawakan ko nalang ang maleta ko at nag simulang lumabas sa kwarto. Binalik na den nina Hiro yung mga kama na pinagdikit namin.

Bumaba na kami ng hagdan dala dala ang mga mabibigat na bagay at mga maletang punong puno ng aming mga kagamitan.

"Asan na naman ba si King?" Tanong ko naman agad habang hila hila ang maleta ko. Nag lingon lingon ako baka nandiyan lang siya. Kaso wala. Weird.

"Babe? Baka may kinuha lang? Wala din si Hiro e." Sagot naman ni Milli.

"Siguro nga." Mahina 'kong bulong. Kaya nagsibabaan nalang kami.

Third Person's POV

Nasa tapat na ang mga magkakaibigan sa malaking pinto. Binuksan na eto nina at Shen. Kinarga na nila ang kani kanilang gamet palabas.

"Hey wait up!" sigaw naman ni Hiro at King sa 'di kalayuan. Dala dala na nila yung nga bagahe nila.

"Where the hell have you been?" Tanong naman ni Milli sa pag sermon sa kaniyang kasintahan. Napakamot nalang sa ulo si King at diretcho paring papunta sa kinaroroonan namen.

"Ulo ko. Masaket. Hang ober ata." Sagot naman nila at sumama na sa mga magkakaibigan at tuluyan na ngang umalis ang nga ito.

Sia's POV

Paano naman kami makakalis ng ligtas sa ganitong kalagayan?! walang van? Ano lalakarin namen? Tang*na sa bahay ako pirinsesa tapos papalakarin ako? Waaaah so help mee..

Naglalakad kami sa kalagitaan ng gubat na ito kung saan kami nanggaling noon. Tumingala ako sa taas at sobrang taas ng mga puno. May masama akong kutob sa pagalis namin sa mansyon na yon. Pero tama rin si Dev. Aantayin pa nga ba nameng mamatay kami don? Pero paano kung..

Mali siya?

Baka dito pa kami mamatay neto.

Note:
    Kapit xD

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon