Ang simula
-----
"Keep calm and love number 22."
Creepy but worth reading for. Ganoon na ba kalakas ang karisma ko at kahit hindi ko kakilala tinetext ako?
"Pre! Game na!"
Agad akong tumayo at initsa sa dala kong bag ang cellphone ko. Hindi naman siguro mawawala yan.
Kasama ang buong team at si coach ay lumabas kami ng locker room. At pagtapak pa lamang namin sa court ay agad na dumagundong ang hiyawan ng mga tao, lalo na ang mga fans ng team namin.
Championship na at kailangan naming maipanalo ito. Matagal na nung huli naming panalo at determinado kaming masungkit ang panalo.
"Ready?"
.
.
.
.
.
"Ready?"
"Naman!" Sigaw ko sa mga kasama ko bago nakisabay sa pagtili nila.
"Oh my gosh! Ayan na sila!" Hinampas ko pa ang kaibigan ko sa sobrang kilig na nararandaman.
"Saluhin mo ko friend! Hihimatayin yata ako!" Akma pang matutumba ang bruha kaya padarag kong hinatak. Nawalan na naman yata ng kaluluwa ang bruha!
"Loka! Hindi ito ang time para himatayin ka! Baka hindi mo makita ang labidabs mo!" Sigaw nang isa ko pang kaibigan.
Ito kasi kami at excited na excited sa pagdating ng pinakamamahal naming boy group! Oo boy group! Dahil dakila kaming fan girl na handang makipagsiksikan para lang makita ang minamahal naming idolo!
"Kyaaahhhhh! Ang gwapo nyo!"
"OMG! I Love you!"
"Oh my gulay! Lahat ng pwedeng malaglag! Nalaglag na yata! Hahaha"
"I love you idol! Pakasalan na tayo!"
Yan ang iilan sa maririnig nyo sa mga katulad namin. But who cares? Dito kami masaya at walang makakapigil sa amin.
Okay, beast mode na! Andyan na ang pinakamamahal ko!
"Yaaahhhhh! I love you!"
-----
BINABASA MO ANG
Fell Inlove with Number 22
Teen FictionJersey number 22. Niel Pietr Jimenez, a well known basketball player Found love with... Miss Lucky Number 22. Mariel Elisha Galvez, an ultimate artista fan girl. Two different world. Clash in an instant. How would they handle each others personality...